Chapter Four

28 2 1
                                    

CHAPTER FOUR

Nandito ako ngayon sa Mini-Stop. Nakatingin lang ako dun sa mga tinapay nila. Nag-iisip kasi ako. Iba na pala ang jowabels ni Jem. Akala ko pa naman magtatagal sila ni Hecate. Anyare kaya? Kahit kelan talaga di gumagamit ng utak si Jem, mukang yung pinalit nya kay Hecate, walang-wala. Di kaya nagayuma si Jem?

Pumunta ako sa counter. Nakita ko yung mga hotdog sandwiches nila at may iba-ibang garnish. Woah! May chili con carne. *o* nagsalita yung cashier na lalaki.

"Hello Maam! Ano po sainyo?" nakangiti nyang sabi.

Tinuro ko yung nasa display. "Yung chili con."

Kumuha sya nung hotdog sandwich at nilapag yun sa harap ko. "Wait lang po yung garnish." pumasok sya sa loob. Nakabalik din sya agad. "Eto na po Maam, ngumiti naman po kayo oh. Libre naman." ngumiti sya saken ng mas malapad.

Tinignan ko sya. "Sa pagkakaalam ko, chili con sandwich lang ang sinadya ko dito hindi ang opinyon mo."

Nagulat si Kuya. Tapos may umakbay saken. Pagtingin ko, si Jem.

"Pagpasensyahan nyo na ho ang kaibigan ko. May pinagdadaanan po kase. Sorry po. Pa-order nga din po ng chili con." sabi nya.

Pumiglas ako sakanya tapos naghanap ako ng mauupuan. Seconds later, nasa harap ko na din si Jem at kumakain.

"Jowa ko nga pala yung inaaway mo kanina. Si Iris. Ang tapang nya noh?"

"Kung talagang matapang sya, wala sya dapat back-up na bitbit." simpleng sabi ko. ._.

"Kaya nga back-up eh. Back-up. Suporta."

Nangatwiran pa. "Jem. Nakita mo naman ako kanina diba? Ako lang. Pero napaiyak ko sya. Sila. Meaning, it's up to you on how you will stand up to your enemies. Que may back-up ka, moral support at kung ano pang tawag mo dyan, kung ikaw mismo nganga lang, walang mangyayare. Wag ka dumepende sa mga tao sa paligid mo, Jem. Let me tell you what I have learned from this so-called life of mine." seryoso akong nakatingin sakanya. "Look out for yourself. Everyone else will end up disappointing you." kumagat ako sa sandwich ko. "Stand by your own!" i rolled my eyes.

Nakatitig saken si Jem.

"Saskia. Minsan naiisip ko na isa ako sa dahilan kung baket ka nagkaganyan." anlungkot ng boses nya.

"Nag-iisip ka pala. Di halata sayo Jem. At bago pa kita nakilala, ganto na ako."

"Kakabreak lang saken ni Iris." he said out-of-nowhere. Boring. I rolled my eyes.

"I'm not giving a shit," sabi ko sakanya.

"Saskia!!"

"What!" I demanded. "Eh ano naman kung broken ka o baka gusto mong magpanggap tayong dalawa na magjowa para magselos si Iris?" i smiled wickedly. "Pamilyar ba, Jem? Gusto mo gawin naten ulet?" ansarap asarin si Jem. Natutuwa ako. :D

Nagulat sya tapos nalungkot. "Look. I'm sorry, okay? Whatever happened in the past, I really am sorry."

Nagmake-faced ako. "Masyado ng late yan. Pero tatanggapin ko na. Kawawa ka naman eh. Baka umiyak ka pa." tapos na ko kumaen.

"Tutulungan mo ba ko ke Iris? Payag kang magpanggap tayo?"

"Neknek mo. Kilabutan ka nga sa sinasabe mo! May iba kong plano. Sundin mo nalang. Ako ng bahala sa lahat." tumayo na ako. Sumunod naman sya. Lumabas kami ng Mini-Stop at naglakad pauwe.

"What do you mean 'Ako ng bahala sa lahat'?"

"Ay teka muna! Mahal mo ba talaga yun? O baka nadadala ka lang ng attraction mo sa boobs nya?" malaki kasi 'hinaharap ni Iris. "Kasi kung di mo naman talaga mahal, wag mo ng balikan." sabi ko habang nakatingin sa daan.

"Grabe ka magsalita. Mahal ko yun noh."

"Malay ko ba. Eh yun mga type mo eh. Tignan mo si Hecate, pwede na nyang isampay yung kanya sa balikat nya." ngumisi ako. Pero di ko inaasahan yung sagot nya.

"Edi alam mo na kung baket di kita type?" ngumisi pa sya. Di pa nakuntento. Tumingin pa sa ano ko. Hindi naman ito as in flat, ano lang.... yung tama lang. O////////////////O

"Aba gagong toh. Bwakan ka Jeremy ha. Gusto mo talagang bigyan ko ng trabaho yung punerarya sa bayan." kukuha sana ako ng tubo para ihampas sakanya nung pinigilan nya ako tapos nagkalapit tuloy muka namen. Nagkakatitigan kame 2 seconds lang tapos sinakal ko sya bigla!!

"Ack!! Wag!! Sas--ack!!" nung satisfied na ko sa pagkapula ng muka nya, binitawan ko sya tapos tumawa ako ng malakas.

Umubo-ubo sya tapos tinignan ako ng masama. Ngiting tagumpay binigay ko sakanya. Tapos tumahimik ako. Gusto ko makapag-isip-isip. Mapapasabak ata ako dito, mukang maarte si Iris eh. Di pala muka. Maarte talaga. Yung tipong pabebe pa.

Hm. Hay.

"Lalim ah." puna ni Jem. Napabuntonghininga pala ako. "Ano bang iniisip mo? Kung pano kame magbabati ni Iris? Wag ka ng mag-abala. Kakausapin ko nalang sya. Wag ka lang mahirapan, muka kang kawawa dyan eh."

"Kung mag-uusap kayo, saan? Dapat yung tahimik lang tsaka private." pumasok kami sa loob ng bahay. Binuksan ko yung tv at sumalampak sa sahig.

"Dinner date kaya sa hotel.." sabi nya.

"Aba mayaman! May pera ka?" tanong ko na nakatingin sa tv. "Tagal sumagot, mukang wala."

"Hm. Sa park kaya? Pero dapat gabi para mas maganda at romantic."

"Pwede."

"Tapos may sweet music."

Tinignan ko sya. "Okay na yung sinabe mo kanina eh, pinabaduy mo lang."

"Di yun baduy, babae. Kailangan yun! Para dagdag sa pagka-sincere. Tsaka pake mo ba! Edi magbigay ka ng idea mo!" sigaw nya. "Oh ano!"

"Baket ka naninigaw? Kupal na toh! Sa sementeryo kayo mag-usap! Dun sobrang tahimik, malamig pa! Ewan ko nalang kung di pa maging mataimtim pag-uusap nyo."

"Haha! Ibang klase idea mo ah. Pwede!" tapos tumawa ng malakas. Yung yumuyugyog pa balikat at maluha-luha.

"Tanga! Kung ako sayo, ikaw na bahala kung saan. Tapos tawagan mo nalang yung gelpren mong maarte na magkikita kayo bukas." nilipat ko sa Animax yung pinapanood namen.

"Kailangan may tanga? Tss. Oo na eto na! Tatawagan na." lumabas sya.

Pagkalipas ng ilang minuto, bumalik sya na lumong-lumo. Bagsak na bagsak ang balikat at mukang namatayan ng limampung beses.

"Oh anong mukha yan? Haha!" bungad ko.

"Wag muna, Saskia. Parang awa mo na. Wag mo muna kong ihard ngayon." malungkot na sabi nya. "Ayaw nya pumayag. Magpakamatay na daw ako."

"Naniwala ka naman agad shunga. Inarte lang yun. Kunwari galit pero ang totoo kanina pa nya inaantay tawag mo."

SaskiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon