CHAPTER SEVEN
Kung meron man akong isang lugar kung saan gustong gusto kong mag-stay para makapag-isip iyon ay itong kwartong ito.
Sa kwarto ito ay isang library from floor to ceiling ay puno ng libro mukha man hindi pero mahilig akong magbasa ng libro kung minsan sa mga libro pa ko nakakakuha ng mga idea para makakuha ng babae di ba ang galing ko?
Dito kasi sa lugar na ito mag-isa ako tahimik pa at higit sa labas makakapag-isip ako.
Pagkatapos kong magbasa umuwi na ko sa apartment ko.
"Good morning." sabi ni Amber na ngayon ay nasa kusina ko at nagluluto.
"Hey dating gawi?" tanong ko.
"Nope, napadaan lang ako kay isosoli ko lang 'yon susi mo na pinaduplicate ko." sabi niya na pinakita niya pa sakin ang susi niya.
Kaya pala siya nakakapasok kasi may susi siya.
"Dahil alam kong walang laman na naman 'yan fridge mo kaya bumili ako ng mga pagkain." sabi niya pa.
"Oh, salamat." sabi ko pa.
"Omelet?" yaya niya sakin.
Tumango na lang ako bilang sagot.
"Sige upo ka na doon at ipaghahanda na kita." sabi niya pa sakin.
"Salamat." sabi ko naman.
Kumakain kami at habang nagkwekwento siya wala akong naiintindihan basta ang alam ko lang nandito ulit siya at kakain ulit kami ng sabay almusal. Just like the old times, bakit nga ba siya huminto sa pagpunta dito?
"Bakit ngayon ka lang nagpunta dito ulit?" tanong ko bigla at wrong move dapat hindi ko na lang sinabi.
"Uhhm. Bakit nga ba?" sabi niya na nag-iisip pa siya. "Ewan ko hindi ko alam kung bakit." sabi naman niya.
"Pwede ba 'yon?" tanong ko naman.
"Oo pwede." sabi naman niya at kumain ulit. Tinignan ko siya ng malalim na para bang nagsasabi pwede ba matinong usapan naman?
Huminga muna siya ng malalim bago nagsalita kung alam ko lang na ito ang sagot niya sana pala hindi ko na lang siya tinanong.
"Kaya ako nagpupunta dito noon kasi sabi ni Mike pinagkakatiwala niya ako sayo." sabi naman niya.
"Anong ibig sabihin niya doon?" tanong ko naman sakanya.
"Aba, malay ko." sabi niya pa sakin. "Tara kain." yaya naman niya.
"T-teka kung isosoli mo na sakin 'yan susing 'yan ibig sabihin hindi na ko pinagkakatiwalaan ni Mike??" tanong ko naman.
"Nakoo, hindi naman sa ganoon." sagot naman niya. "Kaya ko sinosoli 'yan susi kasi hindi na ko makakatambay dito sa umaga kasi dumating na 'yon client ko para sa family portrait kaya 'yon." paliwanag naman niya.
"Kung ganoon bakit mo kailangan isoli sakin 'yan?" tanong ko naman sakanya.
"Kasi po tuwing nakikita ko ang susi ng apartment mo para gusto ko magpunta dito at hindi ko na nagagawa ang trabaho kaya 'yon." sabi niya. Hindi ko alam pero sa sinabi niya kahit papaano i felt relief na ko na siya makikita dito sa apartment ko. What?! Ano bang iniisip ko?! Ano naman kung hindi ko siya makita?!
Uminom na lang ako ng gatas mga iniisip ko kaya ayaw kong nagpupunta sa library. tsk.
"Teka paano ka pala nakakuha ng duplicate ng susi sa apartment ko?" Tanong ko naman sakanya. Matagal ko ng gustong itanong sakanya ito.
BINABASA MO ANG
The Jewel
RomanceNoong una hindi ako naniniwala sa true love, love-at-first sight pa kaya? Pero hindi ko alam kung paano, saan, kailan at bakit. Basta ang alam ko lang nang makita ko siya naniwala agad ako. Totoo pala 'yon nababasa at napapanood ko noon na may marar...