CHAPTER SIX
Ilang buwan na ang nakakalipas simula nang malaman ko na sila na nga. Hindi na ko nakakatambay kasama nila siguro kasi busy ako sa trabaho may malaking project kasi kaya kailangan namin tapusin.
"Boss, una na kami." sabi ni Indigo, isa sa mga empleyado ko.
"Sige." sabi ko.
Nakaupo ako sa swivel chair ko. Umupo ako sa sofa ng sala ng office ko at ginala ko ang tingin ko sa at nakita ko ang ginawa ni Amber sa office ko.
Naalala ko 'yon minsan na kailangan kong magpunta sa opisina dahil may prepresent ako para sa project namin.
Flashback
"Hello." sabi ko sa kausap ko sa kabilang linya.
"Boss pinaalala ko lang po sainyo 'yon presentation po ninyo para sa
Ortiz Coopoeration." sabi sakin ng secretary ko sa kabilang linya.
"I'm on my way." sabi ko naman.
Nang papandarin ko na ang sasakyan ko bigla naman sumakay si Amber.
"Anong ginagawa mo dito?!" sabi ko. "Bumaba ka may pasok ako!" dugtong ko naman.
"ayaw ko nga." sabi naman niya.
"Alis!" sigaw ko naman.
"Sasama ako period!" sabi niya at dumila pa.
at nagsigawan kami sa loob ng sasakyan ko pinapaalis ko siya at siya naman gusto niya sumama hanggang sa huli siya rin ang nanalo.
"Wow!" sabi niya pagkamangha kakapasok palang namin sa building ko at ang mga tao binabati ako. "Kala ko sa mga palabas lang ako makakapasok sa ganito klaseng building hindi pa. hihi" dugtong niya pa. Ang babaw naman ng kaligyahan nito.
"Good morning sir." sabi sakin ng isang empleyado ko na babae.
"Good morning sir." sabi naman ng kasama niyang lalaki.
Wala akong pinapansin kapag may bumabati sakin na empleyado ko pwera nalang kapag may meeting sila sakin pero kapag simpleng bati lang hindi ko sila pinapansin.
"Grabe ang sungit mo naman, hindi mo sila binabati." sabi naman niya habang naglalakad kami papuntang elevetor. Hindi ko na lang siya sinagot.
Pasara na sana ang elevetor pero nang makita ako ng mga tao sa loob, bumaba silang lahat at sumakay ako.
"Tara pa po may space pa!" sigaw naman ng kasama ko. Tinignan ko na lang siya bahala siya sa buhay niya. nag tinginan ang mga tao sa labas ng elevetor at umiling. Tsaka nagsarado ang elevetor.
"Ganoon ka ba talaga?" tanong naman niya. "Ang suplado mo dito pero sa bar hindi ka naman ginyan." sabi niya sakin. Again hindi ko siya pinansin "Hala pati ako?" tanong niya. Sana pala pinansin ko na lang siya dahil ang lalaking ito at makulit nga pala.
Pinindot niya lahat ng floor sa elevetor ang building ko ay may 75 floors.
"Hoy!" sabi ko ng pindutin niya lahat.
Dumila lang siya sakin na siyang kinagalit ko. "Bakit mo pinindot lahat?!" sigaw ko naman. Tumingin lang siya sakin at nanahimik na.
Sumigaw ako na parang gusto ko siyang saktan pero naisip ko na babae pala siya kaya ang ginawa ko. "Tang-ina naman!" sigaw ko pero hindi ko na lang siya pinansin.
Pagkababa namin sa elevetor nahihilo ako ng sobra para akong tutumba.
"Wow ang ganda naman dito." sabi niya habang tumatakbo papunta sa bintana.

BINABASA MO ANG
The Jewel
RomanceNoong una hindi ako naniniwala sa true love, love-at-first sight pa kaya? Pero hindi ko alam kung paano, saan, kailan at bakit. Basta ang alam ko lang nang makita ko siya naniwala agad ako. Totoo pala 'yon nababasa at napapanood ko noon na may marar...