TWT's NOTE: Sorry for delayed updates! Sana makapag-update ako kahit once a week. HUHU. Katamaran ang tangi kong kalaban haha. Kung pwede lang kasi i-transmit sa Wattpad 'yung story na nasa utak ko, matagal na sigurong tapos ang MSB haha. Shut up na me, basa na you! :3
Add me on Facebook: Tonee Kim
Like? Toneewritestragedies Wattpad
***
My Super Boyfriend 2: Keeping Up with You
Written by toneewritestragedies
{ FIFTEEN | Ditched }
Kayleigh
Pagsikat pa lang ng araw, umalis na kami ni Mikko paluwas ng Manila. Mabuti naman at hindi baha ‘yung dinaanan namin palabas ng Tagaytay. Jusko, akala ko talaga ay hindi na ako makakauwi sa amin dahil sa lakas ng ulat at hangin kagabi. Nakakaloka talaga! Pero good thing, kasama ko si Mikko. Kahit na natakot ako kagabi at puno ng kaba ‘yung dibdib ko, I feel secured kasi andyan siya. Shit lang, ‘yung eksena namin kagabi?! Ako na yata ang pinakamasayang babae sa balat ng Wattpad! Hay, ‘yung bisig niya, ‘yung body smell niya, lahat! He’s really gentleman. At one thought naisip ko, hindi naman kasi ako nakaka-turn on kaya deadma lang din siya. Haha.
“Gusto mo pa ba ihatid kita sa inyo?” tanong niya sa akin habang nada-drive siya.
“Ha? W-wag na. Sa may labasan na lang ng village namin mo ko ibaba. Patay ako sa amin kung makita nila akong kasama ka!" jusko, baka ano pang isipin nila ano.
"So hanggang saan kita pwede ihatid?"
"Kahit doon na lang sa may Family Mart malapit sa Village namin ta's magta-taxi na lang ako pauwi para hindi halata." tumitingin ako sa may labas ng windshield baka kasi sakaling lumagpas ako. Nag-text na din ako sa amin para sabihin na pauwi na ako.
"Sure."
Tahimik lang kami buong byahe, naka-idlip nga din ako dahil medyo wala akong magawa kundi tignan ang kalsada. Ganoon din si Mikko. Concentrated lang siya sa pagdi-drive, wala naman kaming mai-kwento sa isa't isa. Gusto kong kausapin siya pero pag naaalala ko 'yung nangyari kagabi, shet! Isang malaking shet talaga! Feeling ko namumula ako sa twing naiisip ko 'yun e. 'Yung warmth ng katawan niya, 'yung body smell niya na walang pabango. I must say mas mabango siya pag after-shower! Shit, wala na. Hindi na ako makapag-react sa harap niya!
Mga mga 8 am na noong nakarating na kami sa Family Mart. Mami-miss ko si Mikko. Err, ano bang pinagsasabi ko?
“Ahm, Mikko. Salamat sa paghatid mo. Mag-ingat ka ha, bawi ka din sa tulog.” Sabi ko sa kanya bago ko pa isara ‘yung pinto ng kotse.
“I will, ikaw din. See ya around.” Kumindat pa siya tapos nag-salute saka pinaandar ang kotse.
Inaantay ko pang makalayo ‘yung kotse niya bago ako sumakay ng taxi papasok sa Village namin. Naisip ko, tama nga si Mikko sa sinabi niya. Hindi lahat na nakikita ng mga mata natin, iyon na ‘yung totoo. Akala ko naman kasi isa lang siyang dakilang heartbreaker, playboy at maangas. Okay, maangas nga siya in his own ways haha, pero aaminin ko, nagkamali ako sa pagkilala sa kanya. He’s really nice. Masasabi kong siya ang pinaka-nice na taong nakilala ko.
“Nandito na po ako.” Sabi ko pagdating ko sa entrance ng bahay namin.
“Good Morning, anak. Buti nakauwi ka ng safe. Nakaalis na pala kanina pa ang parents mo, Kayleigh. Ang dami daw kasing trabaho sa ospital ang Mommy mo, ang Daddy mo naman may meeting sa client niya sa Law Office.” Salubong sa akin ni Nana, ‘yung mayordoma ng bahay namin.
BINABASA MO ANG
My Super Boyfriend 2 -- Keeping Up with You
Teen FictionA story about a gifted child and a "special" child. This revolves life that transcends late-adolescence, maturity, being true, love, everything! Mikko Shadows is a study partner to a self-proclaimed feebleminded girl Kayleigh De Guzman who is crushi...