A/N: Salamat sa lahat ng sumali sa Raffle! We'll know the winner in a bit so watch out! HAHA. Medyo magulo ang chapter na 'to. New character on the External Link. Siya ang bago niyong kaiinisan! Wahaha.
xx,
TWT
***
My Super Boyfriend 2: Keeping Up With You
written by toneewritestragedies
{ Six }
***
Kayleigh.
Di pa rin ako maka-get over sa text ni Mikko. Alam ko ang assuming ko, malay mo ibang M. Shadows yun, pero feeling ko talaga siya yun! Siya lang naman ang M. Shadows na kilala ko na nakasama naming kumain sa restaurant! Mikko Shadows right? Di ko rin alam kung anong mararamdaman ko sa text niya sa akin. Lalo na yung sa last part. Be with me daw. Syeteeeee.
Pero paanong Be with me eh diba nga nasa dating stage silang dalawa ni Scarlett? So mistress ang peg ko nito? Oh hindeee! Hindi ko ito pinangarap sa tanang buhay ko ano!
At some point iniisip ko din, baka pinagtitripan niya lang ako. Mikko Shadows is one hell of a ladies' man. Haay, kung ano man ang kahihinatnan nito, bahala na.
"Hey girl, manunuod kaming sine mamaya. Sama ka?" tanong ni Aly. Sorry wala siyang ka-PDA ngayon dahil absent si Callix, bantay daw sa hospital dahil na-confine daw ang Mama nito. Mabuti naman at may hangin na din sa pagitan nilang dalawa.
"Ay sorry Aly, may klase kami ni Mikko ngayon e." sabi ko sa kanya. Kung dati excited ako sa make up classes namin, ngayon hindi na. Para kasing natatakot at kinakabahan ako sa pwedeng mangyari mamaya. Haaay.
"Yeah right, nagpapatalino talaga ang friend natin haha." pagsingit ni Braces saka tumawa silang pareho.
Gusto ko mang magkwento sa kanila ng recent sa buhay ko pero ayoko muna, baka kasi magulo pa ang sitwasyon ko e. To think na di nila alam na may boyfriend na ako sa katauhan ni Akachan diba.
"Nye, hindi naman. Kung pwede nga lang sana ako ngayon, sasama ako. Bukas na lang tayo manuod para kasama ako diba." sabi ko naman sa kanila.
"Nandito na si Callix bukas." si Aly.
"Eh di mabuti para kumpleto tayong apat." sabi ko naman sa kanya.
"Sige na nga, bukas na lang tayo manuod. Ito kasing si Ayeesha e. Nag-iinarte. Mas feel niya daw manuod ngayon kesa bukas. Hmf."
BINABASA MO ANG
My Super Boyfriend 2 -- Keeping Up with You
Novela JuvenilA story about a gifted child and a "special" child. This revolves life that transcends late-adolescence, maturity, being true, love, everything! Mikko Shadows is a study partner to a self-proclaimed feebleminded girl Kayleigh De Guzman who is crushi...