VOLUME 2: { 33 - Shadows }

1.2K 34 4
                                    

TWT's NOTE: Hey, double treat for Christmas will be cool right? Back to back updates! HAHA.

PS: You'll see the other side of Mikko in this chapter hoho :D Not-so-long lang ang update na itey :))

x - - - - - - - - - - x

My Super Boyfriend 2: Keeping Up With You

Volume 2

written by toneewritestragedies

x - - - - - - - - - - x

Mikko //

After the finals, I haven't got any concrete communication with Kayleigh. I don't know what's up with her. I can't speak with her clearly. She always says that she's stressed out with the school requirements and busy about some family matters. I'm trying to speak to her friends but they are also acting strange as well. What on the world's happening?

Kinuha ko kay Scarlett 'yung number ni Cruz para i-text siya dahil alam ko nakatira lang sila sa iisang bahay. Nalaman ko na hindi pala lumalabas ng kwarto si Kayleigh at hindi rin niya alam kung may sakit ito. Ayaw daw kasi ni Kayleigh makipag-usap sa kahit na sino. But why she's including me on the list?

Pumunta ako sa bahay nila at naabutan ko doon 'yung tinatawag niyang Nana. I think she's their head butler here. "Bakit, anak? Hinahanap mo ba si Kayleigh?" she asked upon seeing me.

Tumango ako at nag-mano sa kanya. "Opo. Nasaan na po siya? Matagal ko na rin po siyang hindi nakakausap magmula nung exam namin e."

"H-ha? Naku anak, masama kasi ang pakiramdam ni Kayleigh at ayaw munang kumausap sa kahit na sino. Pasensya na ha? Sasabihin ko na lang na dumalaw ka." parang nagmamadali akong paalisin ni Nana dahil inakay niya ako palabas sa main entrance ng bahay nila.

"Nagpa-check up na po ba siya sa doktor? Dapat ngayon nasa ospital na siya para magpatingin. Hindi rin niya ako tine-text kung kamusta na siya."

"May family doctor naman sila, Mikko. Ang doktor na ang pumupunta dito. Pasensya na pero ang sabi ng doktor kasi hindi muna siya pwedeng makisalamuha sa mga tao."

Nagkibit-balikat na lang ako. Fuck, ang weird. Kahit mag-text hindi pwede? Damn, will I do harm for her?

"Can I at least call or text her? Hindi niya po kasi sinasagot 'yung nessages ko e."

Pero hindi ako naka-receive ng reply mula kay Nana hanggang sa may inutusan siyang guard para palabasin ako sa gate nina Kayleigh. Hindi na lang ako nagpumilit pa dahil ayoko namang magkaroon ng bad impression sa mga tao dito.

Bumalik na lang ako sa kotse ko at nakatigil lang ito  sa kabilang kalsada malapit kina Kayleigh at nakatingin doon sa bintana ng kwarto niya. Nakakapagtaka lang talaga e.

Don't tell me she's going to break up with me without my knowledge?

- ☺ ☻ ☺ ☻ ☺ ☻ -

I passed all my subjects this semester from thesis, defense down to my other minor subjects. I also passed my requirements for the computation of grades. They're all telling me that I am a candidate for Summa Cum Laude which I don't really claim for that. I ain't studying too much for school. I just read my lessons once and then that's it. I don't know why they really envy, jealous with my 'intelligence' which I find very irritating.

Pumunta ako sa Office of Student Affairs para ayusin 'yung iba ko pang mga requirements. Habang nag-aantay ako sa lounge, may narinig akong mga estudyante na nagkukwentuhan tungkol sa isang weirdong dahilan.

"Gosh, kawawa naman 'yung mae-expel. Sayang lang 'yung four years na pag-aaral niya dito kung hindi siya makaka-graduate!"

"And yes, nakakahiya lang nag-cheat pa siya sa exam! So pathetic naman ng taga-Interior Design na 'yun!"

My Super Boyfriend 2 -- Keeping Up with YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon