{ NINETEEN }

2.2K 58 15
                                    

TWT's NOTE: Thank you for all the reads! One more chap to go before Vol 1 ends! Hope to see your insights below. Thankies! xx

-----

My Super Boyfriend 2: Keeping Up With You

written by toneewritestragedies

{ NINETEEN } The Feels

*****

Kayleigh.

"Kieran Daniel de Guzman, Cum Laude from Said Business School, Master in Business Administration."

Sobra ang palakpak ko nang tawagin na ang pangalan ni Kuya ng Dean ng School nila. Proud na proud ako sa kanya. Naiiyak ako sa kagalingan ni Kuya huhu! Akalain niyo, The University of Oxford na 'to mga 'te! MBA na nga siya, Cum Laude pa! Napansin ko ding naluluha ang parents ko habang tinatanggap ni Kuya ang medal pati ang diploma niya. Sobrang lupet ni Kuya, naiinggit ako tuloy.

Alam kong kahit hindi ako nakikita ni Kuya Kieran from afar, kinawayan ko pa rin siya kasi proud ako sa kanya sa achievements niya. He's just twenty-two for Pete's sake but look at him right now? Isnt it cool?

Ilang students na rin ang tinawag hanggang sa turn na ni Kevin. Though wala siyang Latin Honors, keribels lang dahil mukha naman siyang matalino e. The way he talk and walk. Basta, mapapansin mo agad 'yun sa kanya. At isa pa, ang cute ng full name niya: 'Keziell Vince Ocampo', Kevin for short. Akala ko 'yun na mismo ang pangalan niya e. Nasa kabilang side naman ang parents niya. Solong anak naman si Kevin base sa kwento sa akin ni Kuya last time.

Pagkatapos ng ilang sandali, natapos na rin ang graduation nila Kuya. Ngayon ko lang siya nakita na ganito kasaya. Paano naman kasi bata pa lang kami, pangarap na niyang mag-aral dito sa Oxford ng Undergraduate Studies kaso hindi siya pinayagan nila Mommy't Daddy dahil wala siyang kasama to think na 16 years old lang siya noon. Pero good thing na pagdating niya ng Graduate Studies, nakapasa siya dito at natapos niya ang 1yr MBA program. Ang galing 'di ba? Hay, sa nakikita ko kay Kuya at sa mga parents ko bigla tuloy akong na-boost para mag-aral ng mabuti. Shet, Asters! Humanda kayo sa pagbabalik ko sa Second Sem. Bwahahaha!

"Nagpa-reserve ako sa restaurant dito sa labas ng University Avenue. Doon na tayo kumain." Sabi ni Daddy.

"Let's go and eat. Gutom na ako." Sobra akong nagdu-drool sa gutom. Ang tagal kasi ng grad program nila Kuya e.

"Ikaw na naman ang nauna pagdating sa chibugan, Kayle. Tsktsk, look at Kuya, graduated with flying colors sa MBA. Take him as an ispiration to study well, okay." At sinermunan na naman ako ng mahal kong ina. Ako na naman ang nakita nila. Kaasar!

Inakbayan ako ni Kuya. "Yeah, 'wag puro DoTA ha? Aral aral din pag may time, Kayle."

Napanguso ako sa sinabi nila. "Oo na po, pagdating ko ng Pilipinas, mag-aaral na akog mabuti."

"Weh?!" Sabay sabay na sabi ng pamilya ko. What a supportive family. Palakpak naman dyan!

*****

Hindi na namin nakasabay kumain sa restaurant ang family nina Kevin dahil babalik daw sila ng Manchester para doon na mag-celebrate. Majority kasi ng family nila ay nandoon na.

Ipinaalam ko naman sa aking ehem, manliligaw na mag-lunch out kami ng family ko para i-celebrate ang graduation ni Kuya. Actually, busy din siya ngayon para sa briefing ng kanilang business na based sa may Scotland at Wales. Ang heavy 'di ba? Hay panigurado naman na pagoda na naman ang pantasya niyo.

Updated naman kami sa isa't isa gawa ng Viber. O 'di ba? Let distance do not be a hindrance ika nga. Kulang na lang maging Philippine Ambassador kami ng Viber dahil sa exchange of messages namin. Ganito pala pag pumasok ka sa ligawan stage puro update, usap, kwentuhan. Kulang na lang mag-recollection kami over the phone e. Whew, bago ko pa pala malimutan, hindi ko pa nasasabi sa kanila na nililigawan ako ni Mikko. Hindi ko pa alam kung kailan pero kasi si Daddy, anticipated na niyang boyfriend ko si Mikko! Advanced masyadong mag-isip e. Hay, siguro pag nasa Pilipinas na lang kami para walang hassle. I hope so.

My Super Boyfriend 2 -- Keeping Up with YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon