VOLUME 2: { 32 - Betrayed }

1.2K 37 4
                                    

TWT's NOTE: Hi guys! Merry Christmas to all of us! Here's the update. Pamasko ko sa inyo wahaha :3

x - - - - - - - - - - x

My Super Boyfriend 2: Keeping Up With You

Volume 2

written by toneewritestragedies

x - - - - - - - - - - x

Kayleigh //

Exams Day! Juskoday, this is na talaga! Thesis is finished, defense is finished, OJT's finished, ito na lang ang dapat tapusin at mag-aasikaso na ako for graduation! Shiz, 'di ako makapaniwala na few steps away na lang ako para sa Bachelor's Degree ko.

I can't help myself but to wonder that I'm going to graduate! Sa utak kong ito? Hindi naman kasi ako talaga matalino, alam niyong mahina ang kukote ko pero tignan niyo, ga-graduate ako? Wow, dreams really do come true. Hindi lang ako, kundi kasama pa pati mga friends ko! Ang saya 'di ba? Gagawin ko talaga ang lahat para pumasa at makasabay ko sa graduation si Mikko. Huh, as if namang babagsak pa 'yun e running for Summa Cum Laude 'yun 'di ba?

Kanya-kanya kaming review ng mga friends ko. Kumbaga sa ngayon ay galit-galit kami dahil solo kaming mag-aral sa exam and for the first time in forever hindi magkasama sina Aly at Callix dahil nag-aaral sila on their own. Isn't it surprising, right? They are really serious about this.

"Guys, nandyan na ang prof natin!"

Pagkasabi ng classmate namin, pumasok na kami sa classroom para mag-exam. Arrgh, nakakakaba naman. What's happening on me? Ba't kailangan ko pang kabahan?

Bago nagsimula 'yung exam binigyan na kami ng exam book ng professor namin. Huminga muna ako ng malalim bago buksan 'yung exam book. Inhale, exhale Kayle. Kaya mo 'yan, aja! Isipin mo na lang na ga-graduate ka!

After some minutes

Gosssshhh! Dumudugo na ang utak ko. Hindi ko na alam kung tama na ba 'yung pinagsasagot ko. Sa una okay pa e, kinakaya ko pa e pero habang tumatagal 'yung oras at habang tinu-turn ko 'yung pages ng exam book nahihirapan ako!

Ito ba 'yung gusto ng Asters?! Pahirapan muna ang mga estudyante bago maka-graduate? Kainis!

Napatingin ako sa mga brainy friends ko na malayong nakaupo sa akin dahil naka-alphabetical order kami sa seats. Si Ayeesha, naka-head down lang. Hindi ko alam kung ayaw niyang magpakopya o sadyang tinulugan niya 'yung exam namin. Si Aly naman ay nagsasagot ng exam. Nakaramdam tuloy ako ng inggit kasi for sure baka pumasa si Aly. Nakaupo naman si Callix three seats away sa girlfriend niya, samantalang ito naman ay nakapangalumbaba lang at nakatingin sa kawalan. It's either tapos na siya o nag-iisip lang ng sasagutin.

Bumalik naman ako ngayon sa sarili ko. Kahit naman kasi gaano ko titigan itong Identification na 'to, hindi lalabas ang mga sagot. Nakalimutan ko na kasi 'yung ibang sagot e. Aaminin ko sa inyo na makakalimutin ako lalo na 'pag nag-aaral, pero sige, ita-try ko na lang ang best ko na sumagot.

Bahala na si Batman!

Habang sinasagutan ko naman 'yung ibang type ng exam, naramdaman kong may kumuhit sa likuran ko. Paglingon ko, 'yung kaklase ko na si Venice.

"Ano?" tanong ko ng walang boses. Mouthing lang.

"Pakikalabit naman si Kendall, Kayleigh." mahinang sabi niya sa akin. Tumango lang ako at kinalabit si Kendall na classmate namin na nakaupo naman sa harapan ko.

Nilingon niya ako at itinaas ang dalawang kilay niya.

"Tawag ka ni Venice."

Bumalik ako sa pagsasagot ng exam nang kinalabit na naman ako ni Venice. Paglingon ko, may maliit na papel na nakabalandra sa harap ko. Alam ko na kung ano 'to so I gave her a suspecting look.

My Super Boyfriend 2 -- Keeping Up with YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon