Prologue

296 18 5
                                    

Sabi nila, ang napaka mapag subok sa ating buhay ay ang kung paano kalimutan ang nakaraan, Nakaraan na puno ng pait at punong puno ng pagsubok. Kakayanin mo pa nga bang balikan yung panahong pilit mong tinatakasan noon?

****

Hindi parin mawari saaking isipan kung bakit nga ba ako nandito, kung saan nagsimulang gumuho ang aking pangarap, pangarap na kasabay ng pagkawala niya'y daan na rin ng pagkaguho't pakawala ng aming binuong pangarap na sabay umasa't nauwi sa kabiguan.

Naalala ko pa noong huli ko siyang mahagkan at yakapin. Naalala ko lahat lahat, pati na ang huli niyang paghinga't paglaban sa aming pangarap. Pinilit kong takasan ang sakit na nararamdaman ko noon, panahon na nga yata upang harapin ko na ang katotohanan. Katotohanang walana siya, aminado akong masakit ngunit nais ko ng palayain ang aking pusong naglilimos ng kaginhawaan at kalayaan.

Umupo ako't hinimas himas ang kanyang lapida, ang tagal tagal na din pala, matagal tagal ko na din pala siyang hindi dinadalaw, ni sulyap manlang hindi ko nagawa noon, noon na puro sakit ang aking dinaranas.

Kasalukuyan kong tinititigan ang kanyang himlayan ng tumawag si Khate.

"Hello?" Pang bungad ko.

(Janine! Finally! Nasan ka? Kanina kapa namin hinahanap!)

"Ah, eh-h nasa--"

(Ha? Saan?)

"S-sa Memorial." Nauutal kong sagot.

(Ano?! Hala! Hintayin mo kami diyan ha? Wag kang aalis diyan! Papunta na kami ah? Okay kalang ba?) Nag-aalala niyang sabi.

"Oo naman, wag na. Okay naman ako wag na kayong mag alala." Sagot ko.

Pagkasabi ko noon, doon unti unting bumuhos ang mga luhang kanina pa nang gagaliiting bumagsak.

Pagkatapos bumuhos ng luha'y napa ngiti ako, ngiting pasasalamat sa mga taong tinulungan akong maging matapang muli at muling mag tiwala, tiwala na naudlot noon.

Malaki ang pasasalamat ko sakanila, lalong lalo na kay khate na kaantabay ko sa lahat ng bagay.

Nasaktan man ako ng lubusan noon, unti unti naman niya akong tinuruan sa mga bagay na makakapag pasaya saakin ulit.

Sa kabila ng pag mumuni muni't pag babalik tanaw sa nakaraan, nang biglang dumating si Khate kasama ang mga pangalawang pamilyang aking itinuring.

"Janine!" Nag-aalalang pag lapit niya.

"Anak! Okay kalang ba?" Tanong ni Tita Marie.

"Sabi ko sayo! Wag muna eh! Pag okay na lahat ayan tuloy." Sermon ni khate saakin.

"Uy!" Kalabit niya saakin, dahil di ako kumikibo.

"A-hh?" Tanong ko ng bumalik sa katinuan.

"Ay! Tara na nga! Tayo na diyan!" Pagpilit niyang sabi.

"Okay na naman ah? Nakayanan ko naman diba? Nakatungtong na ako oh." Sabi ko ng mahina na parang nanlalambot.

"Ma. Sige po una na ho muna kayo, ako na bahala dito." Pag papaalam ni Khate kay Tita.

"Osige nak, bilisan niyo ah? Sunod kayo agad." Sabi niya sabay lumakad na patungo sa sasakyan.

"Jha naman eh, oo kaya mona, pero hindi pa ito yung tamang pag kakataon." Tuloy niyang sabi matapos makaalis na si Tita.

"Ikaw na nga mismo diba yung nag sabi? kapag hindi kana umiiyak at natatakot doon ka palang handa? Diba? Konting lakas nalang makakamtan mona din yon. Pangako." Sabi niya. At ng dahil doon ay nagising ang aking diwa.

"Hay! Ano! Tara na oh. Naghihintay na sina Tita doon oh!" Bigla kong tayo at sabi.

Nagulat siya sa kinilos ko pero tumayo na din siya't sumunod.

Bago ako humakbang paalis, sinulyapan ko muna siya sakanyang himlayan at sabing . . . . .

"Balang araw pangako. Tatayo ako sa tapat mo ng wala ng takot at luhang papatak. Bigyan mo pa ako ng konting panahon PANGAKO."

Pagkasabi ko noon, tumakbo na ako sa sasakyan para makauwi na, At para makapag pahinga na din.

Pagka dating sa bahay, kaagad akong nagtungo sa kwarto. Magpapahinga na sana ako ngunit pumasok sa kwarto si Tita upang kamustahin ako.

"Anak." Pambungad niya.

"Po?"

"Okay ka na ba talaga?" Pag aalala niyang tanong.

"A-hh oo naman po. Wag na po kayong mag alala." Sagot ko.

"Osige ah? Labas na ako para makapag pahinga ka, kung may kailangan ka tawagan mo lang kami ah?" Pag papaalam niyang sabi.

"Sige po salamat." Sabi ko bago siya lumabas.

Kung papipiliin ako, ayos na ako sa piling nila, sa piling ng pangalawa kong pamilya.

Ngunit alam kong isang araw, haharapin ko na din ang tunay kong pamilya. Pamilyang simula noo'y hadlang na sa aking pangarap.

Aminado akong haharapin ko sila sa tamang panahon at oras. Ang sabi ko nga, "Konting panahon nalang, haharap ako ng may tatag sa damdamin at walang kahina-hinang haharapin ang dapat harapin."

**************

(Hello? Please support my story :) third story na act. Kaso wala na delete. Second account ko po ito. Wala na po yung first account ko. Huhuhu :( kaya please support this Thankyou!)

Vote and Comment dear! :) THANKYOU! :* Till next update!

Never look backTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon