Ysabella's POV
Ang saya ko hanggang ngayon. Nga pala tapos na kaming sumayaw. Syempre tinigil na din namin kasi nakakahiya na at baka kung ano pa ang sabihin nila tungkol samin at mababalitaan na naman ni Mike. Kapag ganun ang mangyayari, eh for sure away na naman eto.
Pumasok ulet kami sa room at si CJ naman eh dumiretso sa kanyang mga barkadang sina Martin at Jeremiah, na hanggang ngaun eh nag-iinuman pa lang. Pero hindi naman kasi hard ung iniinom nila, Light lang syempre.
Umupo na naman ako sa sulok at chineck kung may nagtext. May isang nagtext. Uy si Mike. Ano na naman kayang laman ng text nya. Pshh. Nagdadalawang-isip pa ako kung i-oopen ko pa ung text nya oh hindi na. Sa huli, binuksan ko rin at nagulat na lang ako sa nabasa ko.
From: Hubby ccu <3
Ba't ka uminom?
What? O_o. Paano nito nalaman na uminom ako ng wine. May spy ba sya dito? or pumunta kaya talaga sya gaya ng sinasabi nung estudyante kanina? Oh no.. Kung alam nya ang tungkol sa pag-inom ko, alam rin kaya nya ang tungkol sa nangyari kanina?? OMG. Naman oh. Kanina lang ang saya-saya ko, ngayon ninenerbyos na ko. Paano to? Gosh. Wait Lang. Ba't pala ako kinakabahan, eh wala namang nangyaring dapat ikabahala. Yung sayaw lang namin ni CJ, pero atleast nga nakaganti din ako kay Mike. Ooops, hindi ko sinasabi na ginagamit ko lang si CJ para makapaghiganti kay Mike, No No No. Syempre, hindi ako ganung tao noh.
As in, ganun lang talaga ang text nya sa ken?? Parang di na nya ko GF ah. Pssh. Palibhasa, mukhang totoo nga yung nalilink sa kanya. Ewan ko ba pero gusto ko nang bumitaw pero natatakot ako na maiwang mag-isa. Haaay. At dahil sa text message nya, ipinagpatuloy ko na ang pag-inom.
Gumagabi na at ayun, nahihilo na ko. Nakadalawang baso na kasi ako eh. haha. Ewan, ganito lang kasi ako pag nasasaktan ang puso ko. Si CJ nga pala, kasama pa rin nya barkada nya. Pero minsan naman lumalapit rin sya saken to check on me. Lagi nya kong tinatanong kung okay lang ako, kung anong masakit sa kin. Sana nga ganun kadali sabihin na masakit dito --> sa PUSO ko. Haay. Sana ikaw na lang ang lalaking minamahal ko nagyon at nang hindi ako nasasaktan ng ganito.
Nagpapasalamat pa rin ako sa kanya kasi anjan siya. Gabi na nga at kelangan ko na ring umuwi. Umuulan pa naman at nakalimutan kong magdala ng payong. Maglalakad pa naman akong pauwi. Ang scary kasi mag-isa ko. Nagpaalam na ako kay CJ at sa barkada nya.
Hmm. Di nya ba gustong ihatid ako? Eh, mukhang nag-eenjoy siyang kasama ung barkada nya. Ayaw ko namang magpahatid kasi nakakahiya.
Papaalis na ko nang biglang,
"Ysabella, wait" -CJ
Si CJ??
"Oh? Bakit?"
"Hatid na muna kita" -CJ
"Sure ka? Eh wala kang kasamang babalik dito."
"Don't worry. Sasama ang buong barkada. Tara na" -CJ
"Okay :). Tara"
Nakakatawa, kasi sinama nya talaga ang buong barkada nya. Nga pala, share kami sa payong nya, kaya sabay kaming maglakad at magkadikit mga balikat namin. Eto na ba ang Part II ng pinakamasayang moment ko kasama sya.
Hinatid nya na ko hanggang sa waiting area namin. Di na ako nagpahatid hanggang sa bahay namin kasi nakakahiya at gabing-gabi na. Pinahiram nya ung payong nya saken. Ayos lang daw sa kanya kung mabasa siya kasi waterproof naman daw siya. Haha. Basta kasama ko talga siya eh napakasaya ko. Nakangiti ako palagi. Nagpaalam na kami sa isa't isa at dumiretso na ko sa pag-uwi.
Sa pag-uwi ko, tinext ko si Crush.
To: CJ my Crush :)
Ingat sa pag-uwi. Tama na yan.
Biglang may nagreply. Agad-agad ahh.
From: CJ my Crush
Oo. Last na to. Nakauwi ka na?
To: CJ my Crush
Oo naman. Syempre. Thanks nga pala ulet ah. Sige tulog na ko. Uwi ka na din. Goodnight :)
Nagreply ulet siya.
From: CJ my Crush
No problem. Cge. Goodnight din.
------End of Conversation-------------
Eto ang isa sa mga araw na alam kong napakasaya ko. Thanks to him. He made my day bright. Habang iniimagine ko ang mga nagyari ngaun eh di ko naiwasang maalala ung text message saken ni Mike kanina. Haaay.. Bahala na nga.
BINABASA MO ANG
Jar of hearts
RomanceLahat tayo nagmahal. Masaya sa una pero darating ang araw na masasaktan ka. Pag nagmamahal, dapat laging handang masaktan kasi wala nang mas sasakit pa sa sitwasyon na alam mong sya na, daming plano sa hinaharap, daming memories na nabuo, pero in th...