The BreakUp

54 0 3
                                    

Ysabella's POV

        Lumipas na ang two weeks at parang walang masyadong nangyari. Patuloy pa ring nililink ako kay CJ at patuloy pa ring hindi maganda ang estado ng relasyon namin ni Mike. Para ngang nararamdaman ko na kung saan hahantong ang relasyon namin. Pero parang di pa ko handa.

        Recollection na nga pala naming mga 4th years at eto na ang pinakahihintay naming isa sa mga outing naming magkakaklase. Eto na yung araw ng recollection namin. Pumunta lang naman kami sa isang chapel sa ********.

        Pagdating ko dun, konti pa lamang sila. Haaaay . Ang BORING talaga pag konti lang kasama mo. Hinahanap ko si Crush kung dumating na sya pero wala pa rin ehh. Siguro kasama  na namn niya ang barkada nya. Hinintay ko na lang ang oras na magsisimula kami. Nagsidatingan na ang iba at ayun wala pa rin sya. Haaaay . Di kaya yun pupunta . Ayaw nya daw kasi ng mga activities na boring ehh. Ano daw yun ?? KJ na pero like ko pa rin sya. Over nu ? haha

        Hala . Malapit na mag-start at wala pa rin sya. Bakit??? Papasok na sana ako sa loob nang makita ko silang nagsisidatingan, sya at ang barkada nya. Kyaaaaa :) .Kinikilig na naman ako ohh. Blush na ituu. Oh, Ysabella wag ka magpahalata, mahirap na. Act cool. 

        Pumasok na sila sa loob at nagstart na kami. Di kami nagpapansinan hanggang sa matapos na ang Recollection. Uwian na. Im so excited. Pero ba't gnun, di pa rin nya ko pinapansin. Haaay.. Nagtext nga pala si Mike.

From: Hubby ccu <3

        Hintayin kita dito. Sabay na tayo ha.

        Ayun nagtext sya. Kinilig pa rin ako sa kanya kahit papaano. Nagsimula na kaming maglakad at kasabay ko nga pala si CJ. Haaaayy .. Kakaiba talaga ang nararamdaman ko pag siya kasama ko. Tahimik lang kami habang naglalakad nang natanong ko siya, " Uhhhmmm, crush mo ba ako?" .. Hala ano tong nasabi ko sa kanya . Nakakahiya >_<..

        Mukhang nabigla din sya sa tinanong ko. Nabigla din ako sa sagot nya. "OO" ..

Huh?? Oo daw ? Hala. Blush na naman ito. haha.. Di ako makapaniwala kaya sinabi kong isigaw nya kung totoo talaga. Hala . Ano nang nangyayari sakin ? Kung anu-ano na ang pinapgawa at sinasabi ko sa kanya. Gosh .. Ayoko na >_<. Hiyang-hiya na ako sa kanya, pero ginawa nya talaga ang pinapagawa ko sa kanya. Sinigaw nya sa harap ng iba pa naming kaklase ang, "Crush ko si Ysabella" ..

        Ganito naman ang mukha ng mga classmates namin , O_o. As in gulat sila, kagaya ko. Buti na Lang di lahat ng classmate namin nakarinig . Haaaaayyy .. Biglang nagring ung phone ko. Ay oo nga pala, nakalimutan ko ang usapan namin ni Mike. Malapit na kami sa school nila Mike. Syempre dumistansya na ko kay CJ . Ayoko namang mag-isip ng kung anu-ano si Mike. Sumama muna ako sa pinsan ko. Si CJ naman, ayun kasama mga babae. Hayaan mo na nga lang.

        Palapit na kami sa school nila nang makita ko si Mike na nakasakay na sa kotse at papalayo na saken. Wow as in WOW . Di ba nya ko nakita? Akala ko ba magsasabay kami? Anyare? Pssshh . Nabwibwisit na naman ako ohh .. Anong drama nun? . Di ko na sya tinext pagkatapos ng nangyari na yun. Hmmmp . Bahala sya . Matapos nya kong iwan? Nakakainis.

        Ilang araw na din ang lumipas. Di pa rin nagtetxt si Mike saken at syempre pati ako, di na rin nagtetext sa kanya. Asa sya. Psssh. Magkasama pala kami ng pinsan kong si Ariana. Parang kapatid na din ang turing ko sa kanya. Ayun, nagkwekwentuhan lang kami. Shinare ko sa kanya yung tungkol samin ni Mike. Hanggang sa nagulat na lang ako at isang tawag galing kay Mike ang natanggap ko.

        Sinagutan ko ito.

Mike: Musta na?? Ayos ka lang ba? (HAHAHA)

        As in sarcastic ung tawa nya, ung tipong nang-aasar.

Ako: Okay lang. Ikaw?

Mike: Ayos din. Musta na kau ni CJ?? (HAHAAH)

        WOW ha . grabe lang nu? Anong pinagsasabi nito?

Ako: ANO??!! Anong pinagsasabi mo? Ikaw nga etong di nagtetext ehh taz iniwan mo pa ko nun.

Mike: Haha. Ehh ??

        Di ko na matiis ang galit at naiiyak na din ako sa pinagsasabi nya. As in talaga na tumatawa siya. Kaya binigay ko na kay Ariana yung phone para sya na ang sumagot. Nakikita ko din kay Ariana na naaasar sya sa kung ano man ang pinagsasabi ni Mike.

Kaya, kinuha ko ulit yung phone at diniretso ko si Mike. Break na tayo!! ..

        Habang sinasabi ko to, naiiyak na ko. Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko. Ayoko na din Lang. Nakakapagod at nakakasawa na lagi mo na lang siyang naririnig na may nalilink na babae sa kanya. Di bale, WE'RE OVER.....BYE MIKE T__T

Jar of heartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon