Ysabella's POV
Haaay ! New day. :) Ba't parang ang ganda ng gising ko ngayon? May feeling ako na may mangyayari na maganda. Haalla . Ano kaya yun? Ooops. Erase, erase, erase. Baka mamaya nag-aassume na naman ako di ba? Mahirap na. Disappointment na naman ang kapalit neto.
Pagdating ko sa school, abot tenga ang ngiti ko. Ewan ko ba pero parang may kutob talaga ako. Wala pa si CJ sa room namin. Lumabas muna ako sa malapit sa terrace ng school namin. Nag-iimagine na naman.Haha. Hanggang sa matanaw ko sa di kalayuan na paparating na si CJ kasama si Martin. Nang makita ko sya, mas lalo na naman akong napangiti.
Nang papasok na sila sinabihan ako ni Martin, "Humanda ka mamaya. hahaha" . Tawa sya ng tawa. Habang sinasabi nya yun, kasunod nya si CJ na nakatingin saken na ngumingiti. Ayyiiie :) . Kahit na medyo sarcastic yung tawa ni Martin, napangiti ako sa sinabi nya at mas lalo pa akong napangiti sa reaksyon ni CJ. HAHA! Ako na ang baliw. LOL . Pero ano kaya yung sinasabi nya? Hmmm.. Nacurious tuloy ako bigla. Bahala na :3
CJ's POV
Pataas na kami ng room namin ng makita ko si Ysabella sa may terrace na nakangiti. Nagkatinginan na naman kami. Kasama ko nga pala si Martin ngayon. May sinabi ako sa kanya tungkol sa gagawin ko. Nang nasa labas na kami ng room nandun pa din pala si Ysabella, humarap naman sya samin ni Martin. Pagkaharap nya, nagsalita na si Martin, "Humanda ka mamaya" tapos may halo pa syang tawa. "hahahaha"
Natawa naman ako sa kanya. Napangiti din si Ysabella. Nagtatanong sya kung anong meron. At sabi lang ni Martin, "Basta".
Hahaha. Wala akong masabi. Basta din :)
Ysabella's POV
Recess. :) Ang isa sa favorite kong subject. Haha . Joke lang. Gutom lang kasi ako. Bumili muna ako sa canteen kasama mga baliw kong kaibigan. Bumalik naman ako agad sa room namin kasi nakakatamad tumakbo mamaya pag time na. Kami kaya yung nasa pinakataas na floor. Whoaah. Kakapagod ohh.
Pagkaupo ko sa upuan ko, pumasok ang grupo nila CJ. Group of boys kumbaga, parang brotherhood kaso di lahat ng boys kasali. Haha. Unfair din nila nu? Haha. Maaga din pala dismiss namin ngayon kasi may meeting yata yung mga teachers. Kaya masaya na naman kami especially mga boys. Alam na. Haha .
Ayun. Klase.Klase.Klase. Katabi ko pa rin sya. Nang malapit na kaming madismiss, kinausap nya ko. "May sasabihin pala ako mamaya after dismissal" -CJ
Ako? Gulat naman. Luuh . Eto na naman yung heartbeat na mabilis.Haha. Excited na kinakabahan "Ahh. Okay, sige" Deep inside , masaya ako .SOBRA :) hahaha.
Dismissal na.Gosh. This is it. Hala. Heart beat ko Lord ang bilis. Heart attack na ba eto? haha. Wag naman sana. Gusto ko pang mapakinggan kung ano sasabihin nya saken.
Hinahanap ko sya kaso wala naman sya. Sus . Inuuto yata nya ako ehh. :3 .Magagalit na sana ako kaso nakita ko sya kasama barkada nya.Mukhang nagpapaalam sya sa mga eto. At yung barkada nya, nakangiti na tumitingin saken. Sus. Nahihiya ako --_-- .
Sana sabihin na nya saken kung ano yun at nang matapos na. Dumiretso naman ang barkada nya sa harap ng tindahan. Tumitingin sila saken. Papalapit naman sakin si CJ.
"Tara, dun tayo" -CJ
Sumunod naman ako. Eto na ang pinakahihintay. Hahaha. Luuh . Kabado ako, excited at halo-halo ng emosyon ang nararamdaman ko.
Pumunta naman kami sa harap ng church. Haha . Sa harapan pa talaga ahh. Malapit kasi ang school namin sa church kaya yun .
Ngiti sya ng ngiti. Natatawa pa sya. Haha. Para syang ewan pero ang pogi pa rin nya. Haha.
"Ohh, ano nang sasabihin mo?" -Ako
Haha. Natatawa ako habang sinasabi ko 'to sa kanya. Panu ba naman kasi, ngiti sya ng ngiti. Nakakainlove lalo :) .
"Uhm, gusto mo ba talaga ako?" -CJ
Haha. Ano 'to ? Imbestigasyon na pala. Haha. Napatingin ako sa mga barkada nya na nasa kabila ng kalsada. Natatanaw kasi dito sa harap ng simbahan dahil malapit lang.
Ang isasagot ko sana ehh, Hindi ba halata? Kaso nahiya ako kaya,
"Oo" -Ako
Haha. Luuh . Ano to confession? LOL . Nagtatanong sya ehh, edi sagutin. Haha.
Mas lalo ko naman syang nakitang ngumiti. Yung ngiti na yun eh napaka-priceless. Walang katumbas. Mas nagulat na din ako sa sinabi nya na susunod.
"Pwede bang manligaw?" -CJ
Whaat?! Haha. Ligaw? Ohh my. Di ako handa. Parang napaisip pa ko ng ilang segundo. Pagkatapos ng ilang segundo,
"Oo, pwede :) " -Ako
May kasama pang ngiti yan ahh. Pagkasabi ko naman nun, ngumiti na din sya. Haha. Kung titignan nga para kaming baliw dito dahil parang nagkakahiyaan kami, nagngigitian at nagtatawanan kahit wala naman nakakatawa.
"Sure ka?" -CJ
Haha. May tanong pa syang sure ako. Luuh . Syempre ahh. Ikaw pa :D . Malakas ka saken ehh. Haha.
"Oo naman" -Ako
Ngitian na naman. :) Sus. #NgitiPaMore
Pagkatapos ng usapan na yun, nagpaalam na sya saken kasi uuwi na daw sya. Medyo malayo kasi ang bahay nila sa school ehh.Ako, walking distance lang sya. Syempre, nagpaalam muna kami sa isa't-isa plus may bonus pang ngiti na naman.
Habang papalayo sya,tinititigan ko lang sya hanggang sa makarating sya sa barkada nya. Ang nasa isip ko lang that time, ANG SWERTE KO dahil may taong alam kong mamahalin ako ng buong-buo.
Habang naglalakad ako pauwi, kinikilig pa rin ako sa mga words na binitiwan nya sa harapan ko. Although simple lang naman yun, naramdaman ko yung feeling. Nagflaflashback tuloy sa isipan ko yung mga words na yun,"Pwede ba kitang ligawan" Paulit-ulit na nag-eecho yung voice nya sa isipan ko.
Eto pala ang dahilan kung bakit maganda ang araw ko ngayon. Yun ay dahil sa kanya. Dito na magsisimula ang the moves nya. Haha. This day, He made my day complete. This is one of the best day of my life ever. :) Thank you CJ.
.
BINABASA MO ANG
Jar of hearts
Lãng mạnLahat tayo nagmahal. Masaya sa una pero darating ang araw na masasaktan ka. Pag nagmamahal, dapat laging handang masaktan kasi wala nang mas sasakit pa sa sitwasyon na alam mong sya na, daming plano sa hinaharap, daming memories na nabuo, pero in th...