The Truth

45 1 0
                                    

Ysabella's POV:

Eto na exam day na. Bago kami magsimula, nagkatinginian muna kami ni CJ, parang GoodLuck kumbaga. Hahaha.

Eto na inspired na ako.

Natapos ang exam days. Whoooah! Para kaming ewan na nagsigawan pagkatapos ng pinakahuling subject namin. Ganito talaga kami kabaliw na batch. Di naman kami masyadong nag-uusap ni CJ nung exam days kasi busy kami sa pagreview. Mahirap nang bumagsak nu. 

Pagkatapos ng araw na to, umuwi na ko kasi pagod. Kaw ba naman magpuyat kakareview. :3

Monday na! Magsisimula na naman ang isang grading at syempre di mawawala ang NEW SEATPLAN. huhu. Ayos na ko sa seatmate ko ehh, kasi nasasabi ko sa kanya lahat. Naman. Ayoko ng seatmate na madaldal, di ako makapagconcentrate pag ganun. Nagsimula na ngang magchange yung seatplan ng mga kaklase ko. Kinakabahan tuloy ako kung sino yung makakaupo ko.Ma'am please wag nyo na kong ilipat. T_T  

So far, di pa rin tinatawag ang pangalan ni CJ. Whoaah. Gusto ko syang kaupo kaso ayoko. HAHA! Ano daw? Naglalaban kasi ang kalooban ko. XD

Nakatingin na sa banda namin si Ma'am. Nag-iisip siguro sya kung saan nya kami ililipat. Mas lalo akong kinabahan ehh.

Hanggang sa may sumigaw sa kaklase namin.

"Ma'am si Ysabella na lang at si CJ ang magkaupo" Gulat naman ako as in O_o. Nakakahiya 'to. Si ma'am naman, ngumiti. Yung ngiti na yun, ang sarcastic. Huhu. Alam na this. "Okay, Ysabella dyan ka lang, CJ forward ka, tabihan mo si Ysabella." Luuuh . Paano na 'to.

CJ's POV"

Okay, Ysabella dyan ka lang, CJ forward ka, tabihan mo si Ysabella."

Ha? Ano daw? Totoo?Ayoko! Di naman sa ayaw ko syang katabi kaso, wala akong pangongopyahan este pagtatanungan ng sagot. haha De joke lang.

Ayun pagkasabi ni Ma'am nun, lumipat na ko pero pinapakita ko sa kanya na nagrereklamo ako. haha! Gusto ko syang asarin ehh. Goodluck na lang samin sa buong grading na eto. Siguradong maganda lage ang araw ko.

Ysabella's POV

Pagkalipat ni CJ sa tabi ko. Ang awkward na ng pakiramdam ko. Syempre, alam nya na may gusto ako sa kanya. Nakakahiya kaya. Parang ka-kakilala lang namin kanina. Ehh dati-rati naman, naglolokohan kami.

May napansin lang ako sa kanya, parang nagrereklamo sya na ako yung seatmate nya. Hmmmp. Ang sungit talaga nito. Nakakaasar sya.

Kinabukasan...

Chaecking ng papers namin. Whoah. This is it pancit. haha! Sana mataas ang mga nakukuha ko kasi inspired ako during that exam ehh dahil sa KANYA. :)

Pagkabigay samin nung papers namin, nagulat ako nung lumipat si CJ ng upuan. Lumipat sya sa tabi ni Dian. Ohh si DIAN pala ang EX-CRUSH/Niligawan nya noon. Di ko alam pero biglang bumilis tibok ng puso ko, yung tipong parang sasabog. Pagkalipat pa nya dun, nag "Ayiieh" sila sabay tingin sa kin. Masakit din nu. Nagkatinginan kami ni CJ pero umiwas na ko. Ayoko siyang makita. Naiinis ako sa kanya, nagagalit at kung anu-ano pa. Mixed emotions na ang nararamdaman ko. Alam ko kung ano to---SELOS.

Di pa naman kami pero bakit ganito. Di pa naman nya ko nililigawan at wala naman akong karapatan na magselos. Napapansin ko na tingin sya ng tingin sa akin. Tinitignan nya siguro reaction ko. Pero ako, maluha-luha na dahil nakikita ko silang nag-uusap. Sya? Nakangiti habang kinakausap nya si Dian. Yung ngiti na yun. :( .Ang mga lalaki talaga paasa. Tinuloy ko na lang ang pagcheck ng papaer ko. Mataas naman ang nakuha ko kaso wala ako sa mood. Di ako masaya dahil sa mga nakikita ko.

Manhid ba sya at di nya maramdaman na nagseselos ako? Ayun. Di ko na sya tinignan. Nagpakabusy ako sa pagchcheck ng papel ko kahit na alam ko naman na deep inside iniisip ko yung nakita ko kanina. Di ko na sya pinansin.

Hanggang sa napansin ko na tumayo na sya at naglakad papunta saken. OMG! Ysabella, wag mung ipakita na nasasaktan ka. Act normal lang. Umupo sya sa tabi ko at ayun, tahimik lang ako na parang walang nangyari.

Hanggang sa kinausap nya ko, "Bakit?" sabi nya.

Wow ako pa talaga tinanong kung bakit? Ehh ikaw naman kasi. Ooops, Ysabella, wag papahalata. " Ahh? Ano? Wala naman.." "Yung totoo, nagseselos ka?" -CJ

Tsssk. Ou nagseselos ako, sabihin mu na Ysabella. "Uhm, ako magseselos? Kanino?"

"Kay Dian" -CJ  . "Hahahaha" Eto lang nasabi ko.

"Nagseselos ka nga. Wag kang magselos. Kinausap ko lang naman sya. Sus" -CJ

Pagkarinig ko ng sinabi nya, parang sumaya ako na may halong duda at inis parin. Syempre di ko pinahalata na kinilig ako. Mamaya, tawanan pa nya ko. Naiinis pa rin ako pero masaya na din kasi naisip nya yung nararamdaman ko kahit hindi naman kami.  

Jar of heartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon