Ysabella's POV
Eto na naman ako. Nagsesenti. Wala pang isang linggo ang lumipas nang magbreak kami ni Mike. Ganito na naman ang sakit na nararamdaman ko kagaya noon.
Naalala ko ulit nung gabing un. Lahat ng nangyari. Pagkatapos ng breakup namin, tinext ko si CJ agad dahil gusto kong ibuhos sa kanya ang lahat lahat para naman mabawasan ang sakit na nararamdaman ko.
To: CJ
S*** ang sakit .
Siguro dahil sa sobra akong nasaktan eto lang ang natext ko sa kanya.
Agad naman na nagreply sya. Haaaay . Salamat .
From: CJ
Ohh ? Bakit ?
To: CJ
Ang sakit ........
Tinext ko na lahat sa kanya ang lahat ng nangyari, lahat ng naramdaman ko. At, dinamayan naman nya ako . Dito ko mas lalong naramdaman na hindi ko lang sya nagugustuhan. Parang mas lalo lang ako nafafall sa kanya.
Gumaan naman ang pakiramdam ko pagkatapos ko syang makatext. Iba talaga ang dating nya saken.
Mag-iisang linggo na at mukhang nakakamove-on na ko. Kausap ko naman ngayon ang isa pang bespren kong si Mae. Buti na lang seatmate ko sya at may nakakausap ako if ever man may maalala ako.
By the way, nasa likod ko nga lang pala si CJ. Nakakatuwa ngang isipin ehh. Ang lapit nya lang saken. Ang daldal tuloy namin minsan. Nakikipagbiruan kasi ako sa kanya. Eto pa ang isang nagustuhan ko sa kanya eh, napapatawa nya ko pag malungkot ako.
Habang may seatwork kami, nagdaldalan na naman kami ni Mae dahil tapos na namin. Si CJ ? Ayun nagtransfer ng seat.
"Gusto mo ba sya?" -Mae
"Sinong sya?" -Ako
" Si CJ. " - Mae
"Ahh. Oo . Gusto ko sya, kaso parang may part ng heart ko na gustong ayusin yung samin ni Mike. Ewan ko lang pero parang ang daming mali pag si CJ yung pipiliin ko. Isa pa , mapabarkada sya. Ayaw ako ng mga barkada nya"
"Sus, follow your heart yhamz" -Mae
Nagsulat naman ako sa isang empty folder ng quotes. Sinundan naman yun ni Mae ng isa pang advice , "Follow your heart" .
Parang naging text na yung style ng folder na yun hanggang sa pinabasa ni Mae yun kay CJ dahil napansin din ni Mae na nagtataka si CJ sa mga ginagawa namin. Kinakabahan naman ako sa magiging reaksyon nya.
Pagkatapos basahin ni CJ yun, tumingin sya sa ken tas, "Tsss" sabay ngiti.
Awwwts. Ewan . Kinilig pa rin ako . Sabi pa ni Mae, nasa akin na daw yung desisyon kung sino pipiliin ko , ung past o ung present na ang lapit lapit lang saken ngunit parang ang hirap din abutin.
Tinatanong pa ako ni Mae kung nakamove-on na ko , sabi ko, " Di ko alam" .
Pero ang totoo nyan nakamove on na ko . Natatakot lang ako sa rejection. -_- haaaay . Buhay nga naman.
Move on na muna tayo kasi next week exam na namin. Halaaa . :3 Goodluck na lang saken .
BINABASA MO ANG
Jar of hearts
RomanceLahat tayo nagmahal. Masaya sa una pero darating ang araw na masasaktan ka. Pag nagmamahal, dapat laging handang masaktan kasi wala nang mas sasakit pa sa sitwasyon na alam mong sya na, daming plano sa hinaharap, daming memories na nabuo, pero in th...