His Umbrella

71 2 0
                                    

Ysabella's POV

Hmmm. Still sad about what happened yesterday kaso move on na tayo dyan. Ayoko din ma-stress si CJ sa kakasabi saken na wag magselos. Haha.

He's becoming sweeter and sweeter every single day, and malapit ko na syang sagutin. :) Nakakakilig lang kasi ehh. Hihi. <3

Ayoko pa syang sagutin sa ngayon kasi gusto ko pang makita ang effort nya. Hindi naman sa nakukulangan ako sa effort nya kaso, hindi naman ako gaya ng ibang babae na easy to get. At isa pa, kelan lang nung nagbreak kami ni Mike. Papalipasin ko muna yun. Mamaya may marinig na naman akong kung anu-ano diba?

So, everyday, nagkakaroon din kami ng time na magkasama. Nag-uusap kami ng kung anu-ano. Nagtititigan if ever nakita namin ang isa't-isa. Minsan nga natutulala ako sa kanya. Haha. Ewan lang.

Lapit na naman matapos ang isang araw. Haaay. Ang bilis talaga ng oras kaya nga "Time is Gold". Bawat oras pinapahalagahan dahil ang oras di yan naibabalik ng kung ano mang magic.

Anyways, dismissal namin. As usual, dumiretso kami ng pinsan ko at si Jane sa canteen, ang tambayan namin. By the way, si Jane pala ay naturingang bestfriend ko since elementary pero di ko na sya bestfriend ngayon. Friends lang kami. Haha. Wala lang. It's a long story kung bakit ganito turing ko sa kanya.

Pagdating namin dun ehh, bumaba muna sila ng pinsan ko para bumili daw ng makakain. Aba ang mga eto. Nang-iiwan ha. So bale, naiwan akong mag-isa kasi nga sarado na yung canteen. Then, UNEXPECTEDLY, biglang umulan ng malakas.

Di ako masyadong nag-worry kasi may payong ako. Saktong papunta naman sila CJ at barkada nya sa kinaroroonan ko. Haaay, salamat. May kasama na ako.

"Oh, anong ginagawa mo dito"-CJ

"Hinihintay ko sila Jane at si Ariana."-Ako

"Nasa baba naman sila ah"-CJ

Yung barkada nya, ayun nakikinig lang tapos pag tinignan mo. Nakasarcastic smile. Then, tinanong ako ni Martin,"So, kelan mo sya sasagutin"

Ako? Haha. Malamang. Di ako nagsalita. Nag-smile na lang ako. Buti di sila makulit ngayon kung hindi kukulitin nila ako buong magdamag na naman.

Di pa rin tumigil ang ulan.

"Oh, gumagabi na.Tara na"-CJ

"Okay, wai---t" -Ako

Kukunin ko na sana yung payong ko nang marealize ko na naiwan ko pala. Luuh. Paano na 'to. Paano na ko makakauwi sa lagay kong eto. Maglalakad pa man din ako.

Ulan please! Tumigil ka na at nang makauwi na ako.

Sinabi ko na lang kay CJ na wala akong payong. Yung mga barkada nya naman, di naniniwala.

"Tssk, kahit tignan nyo bag ko. Wala talaga.Hmm"-Ako

Haayst. Ayun. Naniwala sila. Sadyang mapang-asar lang kasi sila. Anyways, masaya silang kasama. Lalo na sa classroom, pag wala siguro sila, napakaboring. Haha

So buti na lang may payong si CJ.

"Ihahatid na lang kita sa inyo"-CJ

"Weh, sure ka? Baka mamaya wala ka ng masasakyan nyan." -Ako

"Okay lang, tara na"-CJ

Nagpaalam sya sa mga barkada nya.

"Sige, ihahatid ko lang sya. Mauna na kayo."-CJ

"Eheem. Sige" -Sila

Haha. Lakas talaga ng trip nila. Ayun, nagkahiwa-hiwalay na kami ng landas. Haha. Iniwan ko na sila Ariana. Itetext ko na lang sya later na nauna na ako.

So bale, medyo binalot kami ng silence ng mga 5 SEGUNDO lang naman. Haha. Then, we're back to our conversation.

"Sure ka talaga na ihahatid mo ako? Baka mapagod ka lang nyan." -Ako

"Oo. Sus. Strong 'to."-CJ

"Sabagay gods."-Ako

"Tssk.Wag mo nga akong tawagin nyan."-CJ

Ayun asaran kami. Haha. Sya pala may hawak nung payong. Syempre sya yung lalaki. Pati sana yung filecase ko hahawakan nya kaso sabi ko ako na. Nakakahiya na kasi sa kanya ehh.

Bale ang awkward ng position namin kasi nakasling bag ako. Nababasa kami pareho kasi may distance samin plus maliit pa yung payong. Pero nagulat na lang ako nang..............

Inakbayan nya ako. Haha. Whooah. Gulat ako ahh. From the distance, sumigaw ung barkada ni CJ."The Moves" Haha. Loko talaga 'tong mga eto. Walang magawa sa buhay. Narinig namin yun ni CJ pero ayun. Ngumingiti lang sya at pati ako. HAHA. Luhh. Another day to remember eto.

So bale, ganito position namin habang naglalakad. Sya, nakaakbay sya saken. Ako,hawak ko yung kamay nya. Tapos yung umbrella hinawakan ng isang kamay nya. Haha. Basta ganun.

Di pa naman kami ehh kaso dumamoves na sya. Haha. He's my suitor after all. Mas naramdaman ko pa na gusto talaga nya ako. Hindi lang sa mga actions nya pero nararamdaman ko din.

Nung malapit na kami sa waiting shed, nagbitiwan na kami. Haha. Mahirap na. Tsismosa pa naman yung mga taong nagtatambay malapit sa waiting shed. Baka kung ano pa sabihin nila.

Umuulan pa rin nang makarating kami sa waiting shed. Haaay. Ang bilis talaga ng oras. Haha. Nung nandun na kami, ibibigay ko na sana yung payong sa kanya kaso,

"Iuwi mo muna yan. Ibalik mo na lang saken bukas"-CJ

"Ha? Ehh, wala kang payong nyan"-Ako

"Okay lang, sasakay din lang naman ako ehh. Ikaw may lalakarin ka pa"-CJ

Yeah. Totoo. Kasi parang village yung sa amin. May pababa pa syang daan bago ka makarating sa bahay namin. Ang layo nga daw ehh. Pero para saken, okay lang. Sanay na kasi ako ehh.

"Okay, so una na ako?"-Ako

"Oo, ako na bahala maghintay ng sasakyan."-CJ

"Okay, ingat. Ibabalik ko 'to bukas"-Ako

"Okay, ingat"-CJ

Tapos ngitian ulit . Saktong bababa na akong daan nung may tumigil na jeep. Nagtinginan na naman kami bago sya sumakay.

Haha. Tinginan Overload na naman eto. Pero, ayiiieh. Grabe na naman ngiti ko nung pauwi na ako. para tuloy akong baliw. Haha. Iniimagine ko lang kasi yung the moves nya kanina ehh. Nakakakilig.

Nung nakauwi na ako, pinansin ni mama ung payong. "Kanino yan?"-Ma

"Uhmm , kay CJ. Pinahiram lang nya saken"-Ako

"Sus, nanliligaw sayo?'-Ma

Ako. Nakasmile lang. Lakas talaga manghuli ni mama ehh. So alam na nya. Nagtanong lang naman sya kung sino si CJ.Sinabi ko na kesa naman sa iba pa nya malaman. Mas lagot ako nun. Di naman sya nagalit saken kaya masaya na ako.

Because of the rain, sumaya na naman ang araw ko. Haha.

#AkbayPaMore :)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 19, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Jar of heartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon