Chapter 1

168 4 1
                                    

June 20, 2012

"Mahal kita, Hera. Hayaan mo akong mapaligaya ka sa pagmamahal ko sayo"

Ano ba naman ito, Franz..

Magkaharap kami ngayon ng lalaking minamahal ako, ng lalaking minamahal ko.. Hawak niya ang mga kamay ko at nakatingin ang mga mata niya sa akin. sincere niyang sinasabi ang kanyang nararandaman para sa akin na nagpapabilis sa tibok ng puso ko..

"Franz.."

"Hera, please hayaan mong ligawan kita" nginitian niya ako at hinawakan ang namumula kong pisngi.

Napangiti ako sa sinabi niya, "Franz, bata pa tayo.."

nagkaroon ako ng konting lungkot sa mga mata niya pero may ngiti parin sa labi niya.

"pero...ipangako mo muna sa akin na hindi kang magsasawang mahalin ako hanggang sa pagtanda natin" grabe ang mga ngiti sa labi niya, nilapit niya ang mukha niya sa akin

"Hera.."

naiba ang tono ng boses niya, para bang galit at nagaapoy din ang mga mata nya, bigla niya akong nilayuan

"Hera!!"

ano to?? waaa~~!!! Franz wag mo akong iwan!!! ((((;゜Д゜)))

"Ms. Hera Olivia P. Estevañez!! Hindi ka nanaman nakikinig sa klase ko!!"

nagising ako sa realidad..

galit na galit na nakatingin sa aking ang terror teacher namin sa history, sa akin din nakatutok ang mga mata ng mga kaklase ko.

Ano ba naman yan Hera!! Niyaya ka lang ni Franz na magmeriyenda para pag usapan ang project niyo! Waaaa nangangarap ka nanaman!

"S-sorry Ms. Reyes" (>人<)

"Dahil dyan Ms. Estevañez, sagutin mo ang tanong sa number 32"

*gulp* kanina pa ako hindi nagp-pay attention sa lesson dahil sa pagd-daydream. Hay nako mushroom kasi si Franz bigla nalang sumusulpot sa utak ko!!

Patayo na sana ako para pumunta sa board para sagutin ang number 32, huhulaan ko nalang ang sagot, nang biglang--

*riingggggg*

Yes! Thank you bell!! Iniligtas mo ang buhay ko kay Ms. Reyes (〒▽〒)

"Maswerte ka talaga sa bell, Ms. Estevañez," natawa nalang siya, ganito kasi lagi ang nangyayari sa tuwing papasagutin niya ako sa board. "Okay, class dismissed"

"Goodbye and thank you, Ms. Reyes" tugon ng klase namin.

Haaay salamat!! Inayos ko ang gamit ko para makaalis na dahil may date--este, project pa kami ni Franz! Kyaaaa!! o(≧∇≦o)

"Tch. Yan kasi hindi nakikinig!! Wala ka tuloy masasagot sa quiz bukas. Tsk tsk" sabi ng nakakainis kong seatmate na si Lloyd

"Ano?? May quiz bukas?!" QAQ nako wala akong kaalam alam sa diniscuss

"Hintayin nalang kita sa labas. Ang hopeless mo talaga HOPE!!" pinat niya ang ulo ko tapos lumabas na siya ng room. Argh!! nakakabwiset mang-asar tong lokong to!

"Hahaha! Hay nako Hera may gusto yata sayo si Lloyd eh" pangaasar naman ng bestfriend kong si Kate

"Ano ba naman Kate, alam mo naman na kay FUL na ko diba?" naka-pout kong sinabi

"Joke lang! Haha parang di ko naman alam eh, araw-araw no nang kinekwento sakin si FUL" natatawang sagot niya.

"Uy Kate tara na gawin na natin yung project natin!" tawag ni Angel na bestfriend namin ni Kate.

"Sige wait lang. Oi Hera, una na kami ha. Byiee!" kumaway sila sakin at lumabas na sa room.

Kinalma ko nalang ang sarili ko at huminga ng malalim.

Ako nga pala si Hera Olivia P. Estevañez. 16 years old, 4th year student at nag-aaral sa Elgort Academy. Tama lang ang talino at itsura ko, hindi ako yung tipong pang-leading role sa isang kwento dahil napaka-imperfect ko, I'm just an ordinary girl at mahal ko naman ang sarili ko.

si Franz U. Lazaro ang tinutukoy kong lalaki. Napaka-gwapo niya waaaa!! Naging crush ko siya nung kalahati ng 3rd year kahit matagal na kaming magkaklase, at kung mapapansin niyo, FUL and initials ng pangalan niya at HOPE naman ang initials ng pangalan ko. Kaya inaasar ako ng mga kaklase ko na #TeamHOPEFUL daw kasi may pag-asa raw ang pagiibigan namin. enebe kenekeleg ekeee!! O(≧∇≦)O

Lumabas na ako sa classroom at nagpunta sa locker room at inilagay ang mga gamit ko,

"Ay palaka!!" nagulat ako nang may humawak sa balikat ko kaya nahulog ang ibang gamit ko, dadamputin ko sana kaso

"Ay kabayo--ahhraayy" napahawak ako sa noo kong malapad

"A-ay sorry Hera, nagulat kita. Hahaha!" k-kyaaaa omg Prince Franz kooo ikaw pala iyan O(≧∇≦)O

nakahawak parin ako sa noo ko kasi.. sa noo ko nauntog ang noo ni Franz!! ayoko na maghilamos ;w;

"huy! Tara na Hera, baka gabihin pa tayo sa project natin, punta ka nalang sa gate puntahan ko lang si Lloyd ha" nginitian niya ako at iniabot sa akin ang mga nahulog kong gamit.

hayy.. natulala nanaman pala ako sa napaka-cute niyang mukha *o*

Pumunta na ako sa may gate at nakita ko don si Prince Franz ko, kasama ang seatmate kong si Lloyd.

"Hi Franz!" nginitian ko sya,

"Tara na Hera" asdfghjkl! yung killer smile niyaa *u*

"Waw ha, hello guys ako si Lloyd, magkakagrupo tayo sa project na to ano ba" pasingit naman ni Lloyd.

"Tch! Umuwi ka nalang kung gusto mo!! Wala ka namang matutulong samin eh" Dapat date namin ni Franz to eh o(-_-;*)

"Haha! Hay nako kayong dalawa talaga, tara na!"

Nagpunta na kami sa isang park malapit dito sa school para makagawa ng project, iddrawing namin tong park para sa art project

aaat sinimulan na namin ang project, ako ang nagdrawing at sila naman ang magkukulay

"Teka, bibili lang ako ng meriyenda, gutom na ako eh, maiwan ko muna kayo a" noooo iiwan ako ni Franz?

"Aray!" sinipa ko si Lloyd sa ilalim ng table at binigyan ko siya ng ikaw-na-bumili-para-masolo-ko-si-Franz-look, seatmate ko sya kaya alam niya yung kalandian ko, wala eh madaldal eh >w<

"Ako na bibili, magpapaload na rin kasi ako eh" yes! masosolo ko na si Franz :"3

Napaka-awkward ng sitwasyon namin ngayon, ang tahimik

"Ang ganda.." ngumiti sya, napatingin ako sa kanya

"Magkaklase tayo simula grade 1, magkaibigan tayo diba" ano ba tong sinasabi niya? Di kaya aaminin niya na na may gusto siya sakin? omg

"M-may gusto k-ka bang sabihin, Franz?" oh gahd. di ako makatingin sa mga mata niya, grabe ang mga ngiti sa labi ko at siguro kulay kamatis na ako kyaaaaaa Franz ko, tayo na di mo na kailangan manligaw waaaaaaaaa (●♡∀♡)

"Hera.."

magkatinginan na kami

"May gusto kasi ako.."

eto naaaaa

"sa..."

Ano ba yan! Pabitin effect ka pa Franz (‘∀’●)♡ sabihin mo na daliiii!!

"Hera kasi.."

gusto din kita Franz. spill it!! ♡^▽^♡

"Hera, kailangan kita"

==========================

Comment.Vote.Heart.Share.Follow.

please support my first story. Thank you and God Bless! ⊂((・▽・))⊃

Nothing but HopelessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon