Chapter 3

187 4 5
                                    

I dedicate this chapter to UnwantedCandy for supporting my story! thank you~~

comment/message niyo ako sa gusto magpadedicate para sa next chapter, thankyou :D

======================================

June 20, 2012

Natapos na namin ang project namin, mga 5PM din kami natapos pero umuna nang umuwi si Franz dahil hinahanap na daw siya ng mommy niya dahil aalis raw sila.

Nakatulala lang akong nakaupo sa damuhan habang si Lloyd naman ay busy na nililigpit ang mga ginamit namin para sa project.

"Hoy! Tulungan mo kaya ako dito imbes na nagdadrama ka dyan! Hindi nakakatulong ang pagtulala sa pagmomove on oii!!" naka-pamewang niyang reklamo. Aba't ako na nga ang nagdrawing ehh reklamo pa siya (σ-'д・´)

"Che!! Hindi ka naman nakakatulong eh!!" nakapout kong sagot sa kanya

"Ay waw, ikaw nga tong di nakakatulong eh! Tulungan mo kaya akong magligpit imbis na nakatunganga ka dyan!"

"Hmph!! Oo na sige na!" tumayo ako at tinulungan siyang mag ayos ng ginamit namin, medyo padabog akong nagaayos dahil walang wala ako sa mood.

Hindi ko matanggap, ang bestfriend ko pa talaga. Hindi ko maiwasang hindi lagyan ng malisya ang pagkakaibigan nila. Nagseselos ako, nasasaktan ako.. pero.. wala akong karapatan dahil kaibigan lang ako para sa kanya..

Di ko maiwasang sumimangot, di ko mapigilan ang nararamdaman ko, di ko maiwasang masaktan.. bigla nalang bumigay ang mga mata ko kaya nagkaroon ng luha sa pisnge ko, pinunasan ko naman ito agad.

"Oh.." nasa harapan ko ang kamay ni Lloyd na may hawak na panyo.

"A-ano yan? *sniff*" nagpprocess parin sa utak ko ang nangyayari ngayon

"Bulag ka ba? Panyo ang tawag dyan, kadalasan ginagamit yan para punasan ang mga luha ng taong bigo sa pag-ibig sa mga romantic stories na wala namang katotohanan, huwag kang mag-alala, malinis yan" totoo ba to? Si Lloyd ba yung nagsalita? Waw! Hugot!

Nakatitig lang ako sa panyo kahit umaagos pa ang luha sa mga mata ko, nakakabigla kasi, si Lloyd ba talaga nagsabi nun?

"Ow!!" napahawak ako sa panyo nya na ngayo'y nasa noo ko na, sinapok ba naman kasi yung panyo sa noo ko

"Bat mo ba kasi tinititigan lang? Punasan mo nga yang luha mo! Ang pangit mo umiyak!! Tutulo na yang uhog mo yaaaaak!!" pangaasar niya pero naka kunot ang noo niya

Nakatingin lang ako sa kanya, umiiyak parin ako lalo na't first time kong ma-reject dahil first time ko magka-crush

Oo, siya ang unang taong naging crush ko, lagi kasing fictional characters ang mga nagiging crush ko. Mga characters sa mga anime, sa libro, movies etch. Ang weird ko nga daw dahil mahilig ako sa anime e pangbata raw. harujusme kung alam lang nila .-.

Kung tutuusin, ang swerte nga ni Franz dahil mataas ang standards ang hanap ng isang fangirl na tulad ko, lalo na't mga gwapong anime characters ang mga natitipuhan ko, hindi maka-realidad ang tipo kong lalaki pero eto si Franz, isang gwapong nilalang na nagkakagusto sa bestfriend kong si Kate.

"Alam ko yang nararamdaman mo.." nawala ang pagkatulala ko nang bigla syang nagsalita, ang lalim ng mga mata niya, parang ang lungkot niya, may pinagdadaanan ba siya?

"H-ha?" yan lang ang lumabas sa bibig ko

"May lihim na pagtingin ako sa isang babae kaso, may gusto siya sa iba, at ngayon nararamdaman ko na malungkot siya" parang hindi si Lloyd to, bigla nalang siyang naging seryoso

Nothing but HopelessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon