Dedicated kay CarriesTanga dahil sa feedback! Hi!!
Hi din kay bluewriter_ huehue.
Happy reading :D
====================
GAYLE'S POV"Dairy King! Dairy King!!"
"Moonbucks!"
"Mr. Inasal para unli rice!"
"Ahh-ehh mga Ate Seniors saan nyo ba talaga gusto?" Napakamot na ako sa ulo kahit di naman makati. Ang gulo kasi nila ehhh!! =3="
"DAIRY KING" "MOONBUCKS" "MISTER INASAL PARA UNLI RICE" Nagtinginan nalang sila nang masama sa isa't isa. Hay nako sila talaga o pati pagkain pinagtatalunan.
"Ahh-eh--"
"Psh. McDee lang sapat na eh."
"TSE!!!" Nagulat ako nung bigla nalang nilang sinigawan si Kuya Lloyd. At oo, nandito siya -_-
"Huuuehhh Kuya Lloyd behave ka lang! Di naman ikaw ililibre ko ehh." Sabi ko sakanya sabay tingin nang masama.
"Oo nga! Eh bakit nga pala nandito yang asungot na yan?!" Tanong sakin ni Ate Hera. Bakit kaya ang laki ng galit niya sa Kuya Lloyd ko? Nac-curious ako!!
"Di naman ako magpapalibre e, may pera ako noh!" Aba eto namang Lloyd na to makairap parang di lalaki!
"Eh yun naman pala eh! Bakit ka pa nandito? Atsaka hindi kita kausap noh!" Nagpamewang na si Ate Hera at halatang naasar na siya kay Kuya Lloyd sa mukha nya.
"Di daw kausap pero tinanong ako kung bakit ako nandito." Once again, umirap nanaman sya sabay make face. Ang immature din naman niya eh noh!
"Hay nako, eto nanaman tayo sa dalawang to!" Reklamo ni Ate Kate.
"Bakit pa kasi sumama yang Lloyd na yan eh."
"Ughh hindi ba talaga kayo magkakasundo? Isa pa, we're also here to celebrate ang roles nyo para sa stage play! Dapat masaya tayo!" Nakapamewang na ako at di maiwasang mapa-pout. Aba di ko sila ilibre eh!
"Kaya nga, si Gayle na nga manlilibre magrereklamo pa kayo," inakbayan ako ni Kuya Lloyd. Psh, "Kung ayaw niyo, magd-date nalang kami. Tara Gayle!"
Wait--what? Anong date pinagsasabi neto?!
"Ano ba Kuya Lloyd! Gusto ko kasama sila Ate Hera! Tsaka sa kanila ako nag-promise na ililibre ko! Pasalamat ka pa nga hinahayaan lang kitang manggulo kasi gusto mo lang makasama s--hmpppphmmmhh!!!"
"Ano ba Gayle, nakalimutan mo na ba--ARAAAYYY!!"
Kinagat ko nga si Kuya Lloyd!! Takpan ba naman bibig ko? Tch pero muntik na ko nun ah! Buti nalang napigilan niya ako!
Hinatak ko si Kuya Lloyd sa kwelyo at pinaglapit ko ang mukha namin na sapat na para marinig yung ibubulong ko sa kanya. "Ano ka ba Kuya Lloyd, syempre di ko makakalimutan yun noh,"
Tinapat ko ang bibig ko sa tenga niya.
"Oplan: MSHJ."
~×~
"Tara na nga mga Ate Seniors!" Hinatak ko na sila Ate Kate at iniwan namin si Kuya Lloyd. Hah! Buti nga! Ang gulo niya kasi ehh!
"Gayle saan tayo kakain?" Tanong ni Ate Angel na may kumikinang na mata.
"Moonbuuuuckkkksssss!!" Sagot ni Ate Kate.. na kumikinang din ang mata.
"Tungak! Ang layo na natin sa moonbucks eh tsaka pasalungat yung daan na pinupuntahan natin!" Singit naman ni Ate Hera.
BINABASA MO ANG
Nothing but Hopeless
Teen FictionAng mundo ng pag-ibig ay punung-puno ng imahinasyon ng mga taong inaasam ang pagmamahal sa taong kanilang iniibig. Isang mundong mahirap takasan sa oras na pinasok mo ang makabuluhang mundong ito. Sa unang hakbang, akala natin magiging madal...