Hello~ Yung chapter 4 naganap June 28 tapos ngayon chapter na to June 29 naman nangyari pero walang katotohanan ang lahat ng itey >w< kathang isip lamang po lol
I dedicated this chapter to BatgirlMoreen na isa sa mga friennies kooo ^o^ thanks for the support!
ENJOY :D
===================================
June 29, 2012
HERA'S POV
"OMG KYAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA~!!!" isang nakakabinging tili ni Kate sa sobrang kilig niya. Tumili agad siya sa unang hakbang ko papasok ng aming classroom. Ang aga-aga ang ingay ingay ng babaitang ito!
"Ano ba yan Kate ano nanamang yan tinitili-tili mo dyan?" reklamo ko sa bestfriend ko na medyo nakapikit pa dahil inaantok pa ako, hindi kasi ako nakatulog ng maayos kagabi dahil sa isaaang mahabaaang pangyayari na nakakainis!
"Guess what?" sagot sa akin ni Kate na may wagas na ngiti na para bang kinikilig siya na tagos hanggang buto.
Tinitigan ko lang siya nang nakakunot ang noo ko. Nababadtrip talaga ako dahil hindi ako nakatulog ng matiwasay kagabi.
"Cool ka lang! Kasi namaaan eh wag mo naman sirain ang araw kooo" naka-pout na sabi sakin ni Kate
"Eh ano ba kasi yun?" pa-reklamong kong tanong sa kanya
She just smiled at me. Kahit nangstalk kami ni Llo-UGH. kahit nangstalk kami nung lalaking yun eh wala pa rin akong alam sa nangyari, masyado kasi akong nabwiset kaya nawala ang focus ko sa pagiging tsismosa tungkol kay Kate at Franz.
Inirapan ko nalang siya at dumertso sa seat ko, sa tabi ng bintana sa may likod. Parang yung inuupuan ng main character sa mga anime.
"Kami na." nginitian niya nanaman ako, nakatingin lang siya sa akin. Hinintay ang magiging reaksyon ko sa balitang narinig ko tungkol sa bestfriend ko at kay Franz.
"Ahh ganun cong-" nagulat ako. biglang nag sink in sa akin yung sinabi niya.
"ANO? WEH? KAYO NAAA?" tanong ko sa kaniya na may gulat na mukha. Hindi ko na kasi natapos panoorin yung date ni Kate at Franz dahil sa lintek na lalaking yun! Hindi ako nakatulog dahil sa lintek na kalokohan niya!!
"Ang OA mo naman! Oo kami na! Waaa nakakakilig talaga!" tuwang-tuwang sabi sa akin ni Kate. Oo na sige na. Siya na may lovelife! Eh ano pa nga ba magagawa ko kung walang nagkakagusto sa akin diba? Wala na rin siguro akong panahon para diyan!
"Weh Kate kayo na? Alam ba ni Franz na kayo na?" nagulat kami ni Kate nang biglang nagsalita mula sa may pinto si Angel, kakarating niya lang siguro kaya narinig niya yung usapan namin ni Kate. Sino ba naman ang hindi makakarinig eh ang lakas ng boses ni Kate sa sobrang kilig?
"Oo Angel, kami na ng bestfriend mo." nagulat naman kaming tatlo nang bigla namang dumating si Franz. Nakangiti siyang nakatitig sa girlfriend nya. They're now official! Dalaga ka na talaga Kate!
Napatayo naman si Kate at lumapit sa boyfriend niya. Ipinulupot niya ang kanyang braso sa braso ni Franz at naglakad papunta sa seat nila.
Lumapit sakin ang bestfriend naming si Angel.
"Huy girl, anong nangyari sayo? Akala ko ba tapos ka na sa crush-lang-talaga-thingy mo kay Franz? Selos ka ba? Paghiwalayin na ba natin? Sabihin mo lang girl ah." nagaalalang tanong sakin ni Angel. Di ko malaman kung nagbibiro ba to o seryoso?
"Loko. Wala na akong crush kay Franz no! Sawang-sawa na ako sa pagmumukha ng nilalang na yan." Walang gana kong sagot sa tanong niya.
"Eh bakit parang bangag ka dyan? Para kang zombie! Waaaaaaa!" takot niyang tanong sa akin na para bang natatakot talaga sya sa itsura ko ngayon. Ganito na ba talaga ako kapangit?
![](https://img.wattpad.com/cover/22839754-288-k974307.jpg)
BINABASA MO ANG
Nothing but Hopeless
Roman pour AdolescentsAng mundo ng pag-ibig ay punung-puno ng imahinasyon ng mga taong inaasam ang pagmamahal sa taong kanilang iniibig. Isang mundong mahirap takasan sa oras na pinasok mo ang makabuluhang mundong ito. Sa unang hakbang, akala natin magiging madal...