Dedicated kay Jelaiii19 :D Nahawa ako sa kasipagan mo nung 2nd quarter kaya nagiimprove grades ko~ woooh thank you :DD
Yaaaay! CHAPTER 9 PART 2!! ANG ARTE NG AUTHOR NIYO MAY PART 2 PANG NALALAMAN! HAHAHAHAHA LABYU GUYS :)
===================================
Napatingin naman ako sa namumula at namamanhid kong kaliwang palad at muling tumingin sa paligid nang may halong pagtataka. Anong nangyayari dito? B-bakit sila nakatingin? Anong meron?
Nagpapanic na ako. Bakit ako nandito? Pano ako napunta dito? Bakit ang sama ng aura ni Franz? Bakit--
"Hera!!" Narinig kong nanginginig na sumigaw si Kate. Tanging ang kaniyang mga yapak lang ang nakabasag sa tensyon na nararamdaman ko ngayon dito sa cafeteria.
Hinawakan ni Kate ang braso ko at hinila ako palayo sa lugar na kinatatayuan ko.
"K-Kate.. Anong nangyayari? Saan mo ako dadalhin?" Nagpapanic na tanong ko kay Kate. Tumingin ako sa pinanggalingan ko, bumalik na sa kani-kanilang mga upuan ang ibang mga estudyante. Nagsisimula nanamang umingay aa buong cafeteria, pero kay Franz lang nakatuon ang atensyon ko. Nakayuko lang siya at nakasara ang mga kamao.
Natatakot ako ngayon. Nalilito at nagpapanic. Ano bang nagawa ko? May mali ba akong nagawa kay Franz? Napakalutang ko nanaman ngayon. Hinayaan ko nalang na magpadala sa mga paa ni Kate kasama ni Angel.
Dinala nila ako sa garden. Nakayuko parin ako. Nagtataka sa mga pangyayari.
"Hera.. Anong nangyari sayo?" Tanong sakin ni Kate. Hindi ako makatingin ng diretso sa mgs mata niya, hindi ko rin alam ang mga nangyayari, Kate.
"H-ha? Ano bang ginawa ko?"
"Are you out of your mind? Bigla mo nalang sinampal si Franz out of nowhere!" Pagsingit naman ni Angel.
"W-weh?!" Napatingin nalang ako sa kaliwang palad ko na namamawis sa kaba, nangmamanhid sa sakit, at namumula nang hindi ko alam ang dahilan.
Nagkatitigan nalang kami. Wala talaga akong idea kung anong ginawa ko dun sa cafeteria.
"Hera!!" Napatingin kami sa isang lalaki na hingal na hingal.
"Hay. Nandito lang pala kayo," Nasa tuhod ang mga kamay niya at hinahabol ang kaniyang hininga.
"Anong meron? Ano bang ginawa kooo?"
"Hello! Sinampal mo lang naman ang prinsipe ng batch natin? Si Franz U. Lazaro sa cafeteria, saktong break time pa ng maraming sections sa buong campus!" Hindi ko maintindihan kung anong pinaparating netong si Lloyd.
"Teka ayaw ma-process eh. Sinampal ko talaga siya?!" Hindi ko alam pero nakaramdam pa ako ng tuwa at excitement.
"Wala ka ba sa utak mo? Bakit mo siya sinampal?" Naka-pamewang na tanong ni Lloyd sakin.
"Stop acting like he's your boyfriend!" Pagsabat naman ng totoong girlfriend ni Franz, ay teka, girlfriend nya pa nga ba si Kate?
"Aysus boyfriend pa ba ang matatawag mo dun kung niloko ka lang niya?"
Nanlaki ang mga mata ni Kate sa sinabi ni Lloyd. Tinaas niya ang kamay niya para bumwelo at nang pabaksan na ito sa pisnge ni Lloyd, agad ko siyang pinigilan.
"Ano ba kayo! Pano ko maiintindihan ang nangyayari kung nagaaway kayo sa harapan ko?" pagsita ko sa kanila.
"Ganito kasi yun," sabay na sabi ng dalawa at nagtitigan ng masama.
"Hay nako! Ako na nga mage-explain! Kasi kanina nung umiiyak tong si Kate, bigla kang natahimik, ang dilim ng aura mo! Para kang may planong pumatay! Parang mas malalim pa sa bukal yang iniisip mo! Anyway, so ayun, bigla kang tumayo out of nowhere, tinatawag ka namin and pinipigilan ka namin pero nagpupumiglas ka at tuloy tuloy ka lang sa paglalakad papunta kela Franz then pak!! Sinampal mo siya." Pagpapaliwanag naman ni Angel with matching actions pa. Sinampal ko talaga si Franz?! WOW. FIRST TIME KONG MANAMPAL, AT SA PUBLIC PA!
![](https://img.wattpad.com/cover/22839754-288-k974307.jpg)
BINABASA MO ANG
Nothing but Hopeless
Teen FictionAng mundo ng pag-ibig ay punung-puno ng imahinasyon ng mga taong inaasam ang pagmamahal sa taong kanilang iniibig. Isang mundong mahirap takasan sa oras na pinasok mo ang makabuluhang mundong ito. Sa unang hakbang, akala natin magiging madal...