Chapter 8

64 3 3
                                    

===================================

July 1, 2012 

"WAAAAAAAAHAAAAAAA ANO BA YAN KUYA!!!! HUHUHUHUHU!" Pagiiyak ko kay Ate at Kuya. Nakakahiya talaga! Nakakahiya! Sobrang nakakahiya!! Bakit ko pa kasi ginawa yun eh? :((

"WAAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAH!!!" Paghahalakhak nung dalawa

"OI HERA HAHAHHA ANO BA YUNG GINAWA MO KANINA? NAKAKAHIYA KA HAHAHAHHAAAHA" Bigla naman sumulpot tong si Lloyd! Nakakaasar! Dumagdag pa siya!

Nag-chorus na silang tatlo sa kakatawa :( waw ang bait nila :( grabe talaga :( traumatic tong experience na to!! WAAAHAAAAAAA!! WAAAA!! QAQ

"H-hey! What bilis bilis! Baka di na tayo umabot sa movie!!" Biglang sumingit ang isang babae. Hinatak niya si Lloyd habang patuloy parin siyang tumatawa.

"H-Hoy! Ang rude mo naman!!!! Huhuhuhuhuhu! Humanda ka sakin bukas!" Sigaw ko kay Lloyd

"BAHALA KA HAHAHAHAHAHAHA" At tuluyan na siyang nakalayo. Hmph. Mabuti nalang at inilayo siya sa akin ng babaeng yun! Teka. Sino ba yung babaeng yun! May kasamang babae si Lloyd? May ka-date si Lloyd??!?!?!!!?

~July 3, 2012~

"May gusto ka pa ba rin ba kay Franz?"

"W-wala na.. Mas maligaya sya sa bestfriend ko eh" sagot ko sakanya, nautal tuloy ako! Bang-lapit ba naman kasi ng mukha niya sakin

"Good, buti naman natauhan ka na.. Alam mo kasi si Franz.. paglalaruan ka lang niyan" eh? Alam rin ni Lloyd?

"Paano mo naman nalaman?" tanong ko sakanya, bakit naman di niya agad sinabi? Edi sana napagbantaan ko na si Kate nung una palang

"Naging crush kasi sya ng kapatid ko, ayun.. naging friends sila tapos umasa naman tong kapatid ko tapos nung umamin na siya, nilayuan siya ni Franz at nakitang nakikipaglandian sa iba.."

Eh? ganun pala ang nangyari..

Kung ganun nga ang nangyari, totoo nga kayang pinapagti-tripan lang ni Franz ang bestfriend ko? Pero sa tingin ko nagtino na siya. Sino ba naman ang hindi magagandahan kay Kate? Singkit siya, mahaba ang buhok, mapupulang labi, pointed nose. Napaka-fierce ng mukha niya, at ganun din ka-fierce ang ugali niya.

Bigla akong napaisip. "Eh bakit parang di ka man lang affected ngayon kay Franz kasi ginawa niya yun sa kapatid mo?" parang ewan din tong si Lloyd eh no.

Oo nga naman. Bakit wala man lang karea-reaksyon tong si Lloyd? Eh kapatid niya yun diba? Diba dapat magiging protective siya at pagbabantaan si Franz dahil pinaglaruan lang nito ang puso ng kapatid niya? Parang si Kuya Hermes sakin, konting sanggi nga lang sakin eh napaka-overprotective na -_-

"Hah? Ewan.. Wala naman sigurong kasalanan si Franz dun, sadyang umasa lang talaga yung kapatid ko, pero may naririnig akong mga kwento na naging sila raw ni Franz tapos bigla nalang nangiiwan sa ere"

Ahh, ganun naman pala. Totoo nga naman, minsan akala natin gusto na tayo ng taong mahal natin pero naga-assume lang pala tayo dahil sa mga kinikilos nila. Hindi natin alam na ganun rin pala ang pakikitungo nila sa iba, hindi lang sa atin.

Tama nga naman ang sabi nila, walang lalaking paasa kung walang babaeng assuming. (take note of that)

Bakit nga ba may mga taong naga-assume at patuloy na umaasa kung alam naman na nilang wala na silang pag-asa? Bakit ba maraming taong nagpapaka-tanga sa pag-ibig? Bakit maraming bulag kung may mga mata naman sila para makita ang katotohanan at realidad? Bakit may nagbibingi-bingihan kung naririnig naman nila na iba ang tinitibok ng puso ng mahal nila? Bakit may nagpapaka-pipe kung totoo naman ang mga sinisigaw ng puso nila na hindi kayang ipagtapat ng bibig? Bakit maraming taong sawi sa pag-ibig? Bakit?

Nothing but HopelessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon