June 20, 2012
"Hera, kailangan kita" direkta siyang nakatingin sa mga mata ko.
nginitian ko sya nang malapad "Fra--"
"Tulungan mo naman ako kay Kate, diba bestfriend mo yun?"
"Eh?" nawala ang tunay na malapad na ngiti sa labi ko at napalitan ito ng fake smile. araaay ko po.
"Wag mo sabihin kahit kanino na gusto ko siya ha? Okay lang ba?" ang lapad ng ngiti niya at napahawak sya sa batok niya
"Ah.. ganun ba, sure!" nginitian ko sya. Isa paring fake smile.
Sa lahat ba naman kasi ng efforts ko, yung bestfriend ko ang napansin niya?
Sabagay, hindi naman ako kagandahan, samantalang yung dalawang bestfriends ko magaganda, mayaman, matatalino at talented.. eh ako? May kaya lang ang pamilya namin, may pagkamatalino din naman ako at ginagawa ko palagi ang best ko, at hindi naman ako katulad nila na magaling sa pagkanta, isang weird na magaling magdrawing lamang ako, marami ding nagkaka-crush sa kanila, at isa na dun si Franz na matagal ko nang crush.
"Oi, kayong dalawa, nagkakamabutihan na yata kayo aba, mga ngiti nyo uy!!" asar na sabi samin ni Lloyd na may dalang pagkain.
hay, sana nga nagkakamabutihan nga kami, kaso bestfriend ko yung gusto niya eh
"A-ano ka ba Lloyd!!" hinampas ko sya nang may mukhang poker face.
"Pooootek!! Nakakalanggam kayo, yang mga ngiti niyo!!" hinimas niya yung likod nya, napalakas yata ang paghampas ko
"Nakikita mo bang nakangiti ako??! Hindi diba?!" asar na asar na sabi ko kay Lloyd
"Bakit, Hera? May problema ba?" nagulat ako. nandito nga pala si Franz.
"A-aah wala naman, gutom na kasi ako eh ang tagal ng loko!!" tumingin ako ng masama kay Lloyd
"Tch! Ewan ko sayo! Ilamon mo nalang yan!" sabay hagis sa akin ng pagkain.
Katulad ng sinabi ni Lloyd, dinaan ko nalang sa kain ang lungkot ko. Kasi naman eh, okay lang naman na may iba siyang magustuhan pero bakit sa bestfriend ko pa? Tapos ang masama pa neto, pumayag akong tulungan siya. Ano ba naman yaaaan?!
"Oi Hera, ang tahimik mo??" -Lloyd
"Pake mo ba?! Ha?! Kulayan mo na nga lang yang drawing!!" inirapan ko sya habang kinakain ko yung binili niya para sa amin
"Ay bayan!! Nagtatanong lang eh! Oi Franz ano ba ginawa mo dito aba't ngayon lang natahimik to a" ano ba tong si Lloyd arrghhh
sasabihin ko sanang "Wala ka na d--"
"Ano kasi eh.. nagpapatulong ako kay Hera manligaw" napahawak nanaman siya sa batok niya nang nakangiti na para bang nahihiya siya aray. tagos right in my kokoro!
"WEH??!! KANINO?" alam niya kasing gustong-gusto ko si Franz, pero bakit parang mas OA pa siyang magreact kesa sakin?
"Aba' t ang dakilang tsismoso mo namaaan!!" >o< sabi ko, ang OA niya kasi magreact eh -_-
"Hahaha. K-kay Kate. Ahehehe. Nasabi ko na sayo Lloyd, tulungan mo din akong manligaw, wala akong alam eh, please?" natatawang nakangiting request ni Franz kay Lloyd
tiningnan ko si Lloyd ng pagbigyan-mo-na-look. Tutulungan ko si Franz kahit masakit, para to sa kaligayahan niya at ng bestfriend ko.
"Oo na sige na!! Ang bading naman ng gagawin natin ano ba yan!!!!" asar na sabi ni Lloyd
"Salamat Lloyd! Sabi nang maasahan kita eh, oo nga pala, may experience ka ba sa panliligaw?" nakangiting tanong ni Franz kay Lloyd na para bang nangaasar
"H-ha? W-wala!!" nakayukong sagot ni Lloyd. Anong problema neto?
"Bakit? Di ka ba maka-damoves?" ayan nanaman ang nakakalokong ngiti niya.
"Ano ba naman yan Franz!! Ang bading mo dyan ka na nga!!" biglang tumalikod sa amin si Lloyd
"Hoy hoy hoy Lloyd!! Wala ka pang naitutulong! Magkulay ka muna dito! Di kita bigyan ng grade eh!!" asar kong sabi kay Lloyd
"Bakit teacher ba kita?" sagot niya sakin
"Hindi pero ako ang pinili niyong leader kaya pwede kitang isumbong kay sir!" (>д<)
"Tch. Sumbungera" nakangising sagot niya tapos bumalik siya sa table para kulayan yung drawing ko.
"Para kayong mag-asawa kung mag-away! Hahaha!" tawang-tawang sabi ni Franz.
Aray, sa iba niya pa ako inaasar. Hindi ba pwedeng ako nalang? Kaya ko naman magpaganda at mag-aral kumanta eh. Kaya ko naman maging Kate eh.
"Che! Gumawa ka nalang din Franz!" di porket crush kita eh makakalusot ka! Magdusa kaaa!!
"Opo, ma'am!" (⌒▽⌒ゞ sumaludo pa siya sa akin. ang cute niya talaga kaso.. yung bestfriend ko yung gusto niya eh.
Kinukulayan lang nila yung gawa ko habang ako lamon lang ng lamon. Nagawa ko naman na yung parte ko dito kaya pwede na ko lumamon. Di bale nang tumaba, hindi naman talaga ako magugustuhan ni Franz eh.
Napaisip ako. Bagay nga naman sila ng bestfriend ko at minsan nahuhuli kong nakatingin si Franz kay Kate at ganun din si Kate kay Franz. Eh ang alam ko may gustong iba si Kate eh. Sabi niya.. ang crush niya daw ay..
.
.
.
"Oii Kaaaate!!" niyakap ko ang bestfriend kong si Kate
"Kyaa Heraaa nakakagulat ka kung saan-saan ka nalang sumusulpot!" nakangiti ang bestfriend ko sakin.. pero iba yung ngiti niyang to
"Ooooiiiiii Kaaate ano yang ngini-ngiti-ngiti mo haaa~? may crush ka na nooo yiiieee!!!" asar ko sa kanya. ang cute talaga ng bestfriend ko! Sana kasing ganda ko din siyaa *o*
"A-ano ba yang sinasabi mo Hera? Baliw to a di ako kinikilig!!!" >n<
Hala ituuuung bespren kuuu!! Namumula aver!
"Hala kaaa wala akong sinasabing kinilig ka aba! Hahaha!! Sino ba yang lucky guy na yan ha? yiiee" tinutusok ko yung tagiliran niya bilang pangasar huehue
"Sige na nga, tutal bestfriends naman tayo kaya I really trust you." nakangiting sabi niya sa akin
"O ano na? Sino? Sino???!!" O(≧∇≦)O pangungulit ko sakanya, niyugyog ko pa siya. kinikilig ako para sa kaniya waaaa congrats bestie dalaga ka na!!
"Cute siya, kilalang-kilala mo.." nahihiyang sabi niya sa akin.
"Sinoooo?"
"Hulaan moooo!!" nakabelat nyang asar sa akin
"Kaso, mas mabuti nang di mo malaman baka kasi.." bulong niya kaso di ko masyadong maintindihan
"Ano?" inosenteng tanong ko
"W-wala! Tara na sa classroom baka malate pa tayo sa next subject" aya niya tapos tumayo na kami at bumalil sa classroom.
.
.
.
.
Hindi kaya, si Franz ang tinutukoy niya?
==========================
Comment.Vote.Heart.Share.Follow.
please support my first story. Thank you and God Bless! ⊂((・▽・))⊃
![](https://img.wattpad.com/cover/22839754-288-k974307.jpg)
BINABASA MO ANG
Nothing but Hopeless
JugendliteraturAng mundo ng pag-ibig ay punung-puno ng imahinasyon ng mga taong inaasam ang pagmamahal sa taong kanilang iniibig. Isang mundong mahirap takasan sa oras na pinasok mo ang makabuluhang mundong ito. Sa unang hakbang, akala natin magiging madal...