Chapter 4

147 5 4
                                        

I dedicate this chapter sa aking napakagandang kapatid na si WishUponTheBlueStar ^^ follow her~

and btw, may in-edit po ako sa chapter 3. Tatlong magkakapatid po sila Hera, si Kuya Hermes po ang panganay at si Ate Athena po ang pangalawang kapatid at bunso po si Hera. Puro galing po sila sa Greek Mythology ^^

yun lang po~ Enjoy!!

=====================================

June 28, 2012 

Mahigit isang linggo narin ang nakakaraan matapos yung 1st ever rejection ko sa 1st ever crush ko. Well, di naman talaga ako rejected kasi hindi niya naman alam na crush ko siya at wala namang awkwardness na namamagitan sa amin ni Franz, at dahil 1st crush ko siya, hindi naman ganun kalalim ang pagkagusto ko sa kanya, at ngayon.. ako pa ang kinikilig sa bestfriend ko at kay Franz

and confirmed,

SI FRANZ NGA ANG CRUSH NI KATE~!

pero okay lang naman sakin, masaya ako para sa kanila.

Nagkakamabutihan na nga sila eh, at sinet-up namin sila ni Lloyd at Angel sa isang date pagkatapos ng klase, sa park lang naman yun para makapag-usap sila

At ngayon, kasama ko si Kate at Angel sa cafeteria

"Waaaaa! Di ko akalaing ako pala ang gusto niya! Kinikilig akoooo~" kinikilig na sabi ni Kate

"Kawawa naman si Hera, okay lang 'yan Hera may Lloyd ka naman eh! Hahaha" pangaasar ni Angel

"Hoyoyoy! Bakit naman biglang napunta kay Lloyd? Wala akong crush ngayon no" angal ko naman, eh hindi ko naman talaga crush si Lloyd eh -_- si Lloyd? magiging crush ko? yung nakakabwiset na unggoy na yun? HAHA! Buti nga nagkaroon siya ng pimples eh! Hinding-hindi na siya magugustuhan nung babaeng sinasabi niya! WAHAHAHA!!!!

"Ay sows! Gabi-gabi nga kayong magkatext eh!" isa pa tong si Kate, porket napunta sa kanya si Franz eh itutulak niya na ako sa iba. Bestfriends ko ba talaga tong mga to? -__-"

"Eh kasi ang pinagpag-usapan lang naman namin yung mga schoolworks pati yung plano namin nila Angel na--" biglang tinakpan ni Angel yung bibig ko. WAAAA NAKO NAAAMAAAN! WRONG MOVE HERA! MUNTIK KO NA MASABI

Totoo yun, gabi-gabi kaming naguusap ni Lloyd pero tungkol lang naman yun sa plano namin na i-set up sa date si Kate at Franz, at minsan kinukulit ko rin siya about dun sa sinasabi niyang babaeng nagugustuhan niya pero lagi niyang iniiba yung topic, yun lang lagi ang pinapagusapan namin at wala nang iba..

"Ano yun? Plano? Huh?" inosenteng tanong ni Kate

"A-ah! Wala yun! Plano kasi naming isurprise ka ng libre ngayon! Surpirse! Yay ililibre ka namin ngayon!!" palusot netong si Angel. ano ba yan malilibre pa namin tong si Kate -_-

"Talaga? Bakit anong meron? Nevermind, basta gusto ko ice cream" ay demanding si ati!

Tinanggal ko na yung pagkakatakip ni Angel sa bibig ko, "Sige ako na ang bibili, gusto ko din ng ice cream eh" iniabot ko ang kamay ko kay Angel

"Ano yan?" tanong ni Angel

"Diba sabi mo ililibre mo kami? Ilibre mo kami ng ice cream!" sinabi ko sa kanyang naka-pout

"Eh sabi mo ikaw ang bibili!" >3<

"Pera mo!"

"Hahaha! Nagtalo pa kayo! Ako nalang ang manlilibre, tutal sobrang saya ko naman kasi magd-date kami ni Fraaaaanz" ^o^ masayang sabi ni Kate

"Yan Kate! Ipamukha mo pa kay Hera na sayong-sayo na si Fraaaanz!! WAHAHAHA" ayan na ang motherly evil laugh ni Angel, angel ba talaga to?

"Waaaw ang sama mo Angel! Angel pa man din ang panagalan mo!" >3< asar na sabi ko kay Angel

Nothing but HopelessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon