Chapter 9

54 4 2
                                        

Hi guys! sorry talaga!! Hell week kasi namin kasi exams. dapat nga hindi ako pwedeng mag-online this week dahil exams pero pasaway ang author niyo! o sya, sige ENJOY KAYO!

=================================== 

July 4, 2012

Isang linggo na ang nakalilipas simula nang mangyari ang isang trahedya sa aming klase na sinimulan ng isang lalaking walang magawa sa buhay kaya naligaw ang kanng iyang landas na nagngangalang Lloyd. Masasabi kong hindi pa talaga nakakaget-over ang klase namin, kahit ang mga subject teachers namin, sa ginawa niyang kalokohan. Ang masama pa neto,

Ako pa ang napili niyang pagtripan -_-

Ilang araw narin ang nakalipas simula nung nangyaring kahihiyan sa mall. Marami palang nakakita nun. Nandun rin pala ang ilan kong mga kaklase, nandun rin sila Kuya at Ate.. ang masama pa nito...

... nakuhanan nila iyun ng video T^T

July 4 na, araw ng kalayaan ng estados unidos. Nagsasaya sila, kasama sila mama at papa. Doon kasi sila nagtatrabaho sa US para mapag-aral kaming magkakapatid. 4th year si Kuya Hermes sa college sa kursong Engineer, si Ate Athena naman ay nasa 2nd year college sa kursong MassComm. Parehong nagaaral sa Woodley University. Hindi na sila nahirapang pumasok sa unibersidad na iyon dahil dito rin sila grumaduate sa Elgort Academy na sister school ng Woodley University.

Walang pinagbago sa mga pangyayari, araw-araw parin akong nababanas dahil ako ang napiling pagtripan ni Lloyd kasama ang bestfriend niyang si Martin -_- Oo, sinama niya pa ang bestfriend niyang si Martin na mas malakas mang-asar kesa kay Lloyd. Ang saya lang diba?!? Sirang-sira na ang buong school year ko neto.

Mabuti nalang at hindi nawawala sa tabi ko ang mga bestfriend kong si Angel at Kate.. na minsan nawawala rin pala sa tabi ko..LITERALLY. dahil sa letcheng Lloyd na yan! Katulad nalang last week nung nasa cafeteria kami. Iniwan ba naman ako kasama ng Lloyd na yon? Huhuhuhu

Speaking of Kate.. Sila ni Franz.. Masasabi kong okay naman sila kaso parang minsan napapansin ko na hindi masyadong nilalapitan ni Franz si Kate nang hindi namin alam ang dahilan. Siguro nagiging busy lang siya these past few days, pero minsan nahuhuli ko syang may katawanang ibang grupo ng mga babae't lalaki. Nababarkada lang siguro tong si Franz. Masyado kasi silang nagiging sweet ni Kate =.=

"Okay class, maghanap kayo ng partners niyo for your activity. 2 heads per pair lang okay?" sabi ni Mrs. Anore na teacher namin sa math

"Kate partner ta--" sasabihin ko sana kaso magkapartner na pala sila ni Angel. Ano ba yan. Ito ang mahirap kapag tatlo kayong magbebestfriend eh.

Napatingin ako sa paligid, lahat sila may partner na at ako nalang yata ang wala. Ano ba yan?! Hay! Hayaan na! Kaya ko naman magsolve ng math ng mag-isa eh. Magaling yata ako sa math? yata lang hindi pa sure. hehe.

"Hoy Michael! Tinatraydor mo ko? Bakit si Franz kapartner mo?!" narinig kong sabi ng seatmate kong si Lloyd sa bestfriend niya. Wala pa pala yatang partner si Lloyd.

"Ay sus naman Lloyd. Ayan ang problema sayo eh, ANG SLOW MOOOO!!" pangaasar naman ni Martin sa kanya.

"Eh inunahan mo ako eh! Baliw ka ba?!" naiinis nang sabi ni Lloyd kay Martin.

"Hay nako! Ang slow mo talaga!!! Dumamoves ka na kasi sa chikababes mo!" Napansin kong napangiti sakin saglit si Martin. Nye. Guni-guni ko lang siguro.

Napatingin sakin si Lloyd na parang may mukhang gulat na nahihya na nanlalaki ang mata na ewan. "O anong tinitingin-tingin mo?!" Tanong ko sakanya

"Tayo nalang." Hindi sya maka-tingin sa mga mata ko ng direstso.

Nothing but HopelessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon