Creid Aiden's POV***
Hay nakew! pusanggala ang peg ko ngayon. Malaman ko lang talaga kung sino ang nag dedo sakin.
Nag wo walking lang ako dito na parang ligaw na kaluluwa. Kailangan kong makahanap ng makakatulong sakin sa paghahanap ng hustisya.
Deadma lang ang beauty ko sa mga oras na ito.
Aabutin na sana ako ng gabi ngunit nakilala ko si Vera, ang babaeng baliw o sadyang tanga lang talaga.
I have no choice, malamang sya lang naman ang nakakakita sakin kaya pagta tyagaan ko na lang ang katangahan portion nya.
" Saan tayo pupunta?" nagstart na kasi kaming mag boy hunting.... ay este killer hunting.
" Waley akong idea teh, waley nemen kasi akong maalala pwera na lang sa pagiging Diyosa ko. " sagot ko sa kanya.
Ooops! walang kokontra ako bida. xD
" Ay anu ba yan!" naiinis na turan nya sabay kamot ng ulo nito.
" Yuck may kuto." nangingiwing sambit ko.
" Huh?" tanong nya.
" Sabi ko di ba uso ang suyod sa inyo?"
" Dapat bang ipauso yun?" tanong nya.
Oh di ba wala na kong nasagot sa kanya.
Talo ako sa pagiging tanga, kaya sa kanya na ang korona.Naglalakad lakad lang kami habang sya naman ay hinahawakan ang back pack nya na kagaya ng kay Dora. Pero hindi nya kamukha sI Dora mas kamukha nya si Boots. xD
" Pahinga muna tayo, nakakapagod." sabi nya.
Umupo muna kami sa bench.
Tinitingnan lang namin ang mga couple na naglalandian, ang mga batang nag dadaldalan, ang mga yaya na nagchichismisan, at ang mga ngumangawa sa gilid dahil nakipag break ang bf nila sa kanila.Nung nabubuhay kaya ako may naging kasintahan kaya ako? May minahal ba ako? may pamilya? may kaibigan? may fafa? charing! bakit ako namatay? sino ang salarin? Maraming mga katanungan ang bumabagabag sakin. Oh di vah! musta naman lalim ng tagalog ko. xD
" Anong iniisip mo?" tanong ni Vera.
" Iniisip ko lang, kung bakit ang tanga mo." sagot ko na lang.
" Ay ano nga pala name mo?" tanong nya.
" Creid Aiden Delfra." yun lang naman kasi ang info na naaalala ko.
" Ocakes, Creid na lang tawag ko sayu." nakangiting sabi nya.
" Vera, teh tawag ko sayo." sabi ko.
" Tara na?" aya ko sa kanya.
" Tara!" sabi nya at agad na hinawakan ang kamay ko. Huh? bakit nahahawakan nya ko? Diba dapat tumatagos na lang ako?
" Ay bongggaaa!!! ka teh, nahahawakan moko." masayang nasambit ko.
" Huh? oo nga noh? tara na." sabi nya.
Magkahawak kamay lang kami habang naglalakad.
" Ang putla mo naman, mag lipstick ka nga." sabi nya at agad nyang kinuha ang lipstick nya sa bag.
" Ay bet ko yan! Wew ang red ah, magkano bili mo dyan Teh?" tanong ko.
" bigay lang to ni mama eh." sagot nya naman sabay lagay ng lipstick sa lips ko.
Ginalaw galaw ko naman ang lips ko para magpantay.
" Wait teka!" sabi nya.
" huh?" nagtatakang tanong ko.
Nagulat ako ng bigla nyang tiningnan ang beautiful lips ko.
Waaah baka may pagnanasa sakin itey.
Ganun na ba ko kaganda?" Ba....bak... bakit?" awkward na tanong ko.
" Girl, maghunos dili ka! wag mong ituloy ang binabalak mo! inhale ...... exhale....." sabi ko. Nag inhale exhale rin naman sya.
Pagkatapos balik titig naman sya sa aking lips.
Dyusmiyo santasima!
Unti unti na syang lumalapit sa akin.
Donated by na ba ang aking pers kiss?Di ko akalaing isang girlalu ang mahahalikan ko.
Hindi ko alam kung bakit bigla na lang akong pumikit. Wala na suko na akes.
Babae lang ako mahina, marupok. xD
Ngumuso na lang ako para ma feel.
oh diba! go with the flow na lang ako.
Ngumuso ulit ako after 10 seconds bakit wala pa?
Nabigla na lang ako ng punasan nya ang gilid ng labi ko.
Ay pakingsheyt! na
Wow mali si ateng nyo.Nakakahiya. Kyaaaah! umasa ba ko?