Hikariel Deus
"Akala ko hahalikan mo sa leeg ang babaeng iyon. Binulungan mo lang pala." Bungad na saad sakin ni Ezrael na nagpabalik ng diwa ko.
Parang di ko ata naabsorb ng mabuti ang sinabi niya. Ano raw? Hanggang hipo lang siya? Tama ba ang pagkakarinig ko?
"Nakakadalawa na ang babaeng iyon, Hikari. Baka may pagnanasa iyon sa iyo." Sambit ni Martius habang nakatitig sa kinaroroonan nila. Nasa may sulok lang sila ng Arcade, di gaanong malayo sa amin kaya kitang kita ko sila, lalong lalo na SIYA.
"Kung pwede lang kasuhan ng sexual harassment ang babae, nasa police station na ako ngayon." Saad ko. Napatawa ang dalawa, lalong lalo na si Ezrael. Sinamaan ko sila ng tingin.
"Dre, birgin ka pa nga." Ani ni Ezrael sabay tapik sa balikat ko.
"Sige mang-asar ka pa. Papagahasa kita sa mga babae mo." Gigil na saad ko sa kanya. Sa halip ng tumigil ay may lalo pang siyang natawa.
"Lul. Basta wag lang sa bakla." Bwisit talaga ang kumag na to. Pag kalandian ang usapan, nagiging abnormal.
Napapikit ako ng mariin nang gumuhit ang init sa boung puson ko. Shet na malagkit talaga. Mababaliw ako pag di ko naagapan to.
"Tangna, uuwi na talaga ako."
Pumihit na ako sa bukana ng exit at maglalakad na sana ng bigla akong tinawag ni Ezrael.
"Dre, nahulog ata nung babaeng nanghipo sayo ang ID niya." Wala sa wisyong liningon ko siya at sinamaan ng tingin. Ang bibig talaga ang hunghang na ito, walang preno.
Busangot ang mukha kong humakbang papalapit ka kanila. Iwinagayway ito sa akin ni Ezrael nang nakangisi. Hinablot ko ito mula sa kanya. Salubong ang kilay kong tinitigan ito.
Agad napalis ang busangot sa mukha ko ng mapagmasdan ko ang litrato niya sa ID, para talaga siyang anghel. Ang inosente at ang amo ng mukha niya. Iyong di makabasag pinggan. Pero sadyang nakakapanlinlang ang ganda. Sino ba naman ang mag-aakalang na ang isang tulad niya na anghel ay ubod pala ng manyak.
"Teka, parang lace ng university natin yan ah?" Nawala ako sa pag-iisip ng biglang nagsalita si Martius. Agad ko namang kinuha ang lace at tama nga, lace ng paaralan namin to.
"Tang'na." Wala sa sariling bulalas ko. Wag mong sabihing pati sa university ay momolestyahin ako ng babaeng iyon?
"Mukhang araw-araw sasakit puson natin ah?" Tinapunan ko ng matalim na titig si Ezrael na nakangisi nang pang-asar. Gusto ko siyang batukan, mabuti't napipigilan ko pa ang sarili ko.
"Namoka!" Asar na saad ko sa kanya.
"Venielle Oxygen Villamor." Wala sa sariling utas ko. Di ko maiwasang mamangha sa pangalan niya. Kakaiba kasi. Parang siya. Kakaiba. Tanging babaeng manyak na nakilala ko sa tanang buhay ko.
"Woah. Ang astig nang pangalan niya." Manghang saad ni Ezrael.
"Akin na to. Ako na magbabalik." Saad ko. Hnnng... Shet talaga. Im already leaking.
"Ikaw bahala." Labas sa ilong na saad ni Martius.
"Yiee. Nagbibinata na siya." Pang-aasar ni Ezrael. Kung wala lang kami ngayon sa Arcade ay naupakan ko na to.
"Alis na ako." Pagpapaalam ko saka mabilis na naglakad. Damn... Kaya ko to.
Agad akong sumakay sa kotse ko at nagpaharurot ng matulin.
Nakarating naman ako ng buhay sa tirahan namin. Pagkapasok ko ng pinto ay halos patakbo akong nagtungo sa kwarto."Oh anak? Ang aga mo ata?" Bungad sa akin ni Mom pero di ko siya pinansin. I need to get over with this
Pagkapasok na pagkapasok ko ng pinto ay agad akong nagtungo sa banyo. Cold shower will take care of this. Pag hindi, I have no other choice...

BINABASA MO ANG
Quiet Serenade Amongst Wildflowers
RomanceHikariel Deus Buenaventura hates socializing. He never bothers himself doing things that doesn't render him a benefit. Socializing to him is just a pain in ass. He prefer to be alone and read books or be with his bestfriends just to ignore them late...