Hikariel Deus
NAPAUNGOT ako ng maramdaman kong may tumampal ng pang-upo ko.
"Moo, get up already. Di ka ba papasok?" Isang malamyos na boses ang unang rumihistro sa pandinig ko. Mas lalo akong napaungot. Kinuha ko ang unan sa dantayan ko at itinabon sa ulo ko. Sanay akong nakadapa matulog.
"Give me five minutes." Ungot ko.
Napapitlag ako ng tinampal niya uli ang pang-upo ko. This time, malakas. Agad akong napabalikwas ng bangon saka sinamaan siya ng tingin.
Bumungad sa akin ang maamo at maganda niyang mukha, nakasimangot saka nakapamewang sa harap ko.
"Oxygen, magtapat ka nga sa akin," Salubong ang kilay kong nakatitig sa kanya. Pinaseryoso ko ang boses ko. Nakita kong natigilan siya. Nawala ang simangot sa mukha niya saka matiim akong tinitigan.
"Why so serious, all of the sudden?" Napansin kong napalagok siya.
"Gigil ka ba sa puwet ko?"
Napangisi ako ng masilayan ko ang unti-unting pamumula ng tuktok ng ilong niya. Sinamaan niya ako ng tingin. 'Di ko masabi kung namumula ba siya sa asar o sa hiya.
"Kainis ka, Moo. Akala ko kung anong sasabihin mo." Lumobo ang pisngi niya.
Damn, this creature is so adorable. Parang di ako nagsisisi na siya ang napangasawa ko. Just staring at her makes my day blissful.
"Tss. Childish." I tilted my head to stop the urge, my hands are itching to pinch her cheeks.
"Move your butt. Malalate na tayo." Angil ni Oxygen. I heave a sigh as I stood up. Ayos na siya at nakauniporme na. Saglit akong sumulyap sa orasan at nanlaki ang mata ko ng makitang 7:30 na. Damn, 8:00 ang klase namin.
"Shit!" Wala sa sariling bulalas ko. Dali-dali akong nagtungo sa restroom. Tangna, 30 minutes is too short for me to do all of my morning routine. Kadalasan kasi, inaabot ako ng isang oras, lahat-lahat na iyon.
"Oxygen, ba't di mo ako ginising ng maaga?" Bulyaw ko mula sa banyo.
"Tss. Anong role ko sa pamamahay na ito, tagagising mo?" Bakas sa boses niya ang irita. I groan out of frustration. Di naman ako laging nalalate gumising. Nagkataon lang na nagpuyat ako kagabi kasi may tinatapos akong report sa school. Sa kasamang palad, groupmate ko si Oxygen. It's an unfortunate matter for me because, she didn't contribute a thing. Well, nagdala siya ng cookies at juice sa akin, once.
Pabor sana na nasa iisang bubong kami nakatira. Pero since sutil siya at medyo tamad, ako na lang gumawa. Kaysa magkaro'n pa ng aberya.Nagtapis ako ng towel sa lower part ng katawan ko saka isinampay ang face towel sa balikat ko. Paglabas ko ng restroom ay bumungad sa akin si Oxygen, nakaupo sa gilid ng kama habang nakangisi akong tinititigan.
"Hihi. Umbok." Anas niya habang nakatitig sa gitna ko. Napailing na lang ako saka nagtungo sa wardrobe.
"Tss. Perv."
---WE are living in the same roof. Binigyan kami ng sarili naming bahay ng parents namin as a gift in our wedding. I thought it was a bad thing for me. Ikaw ba naman ang tampalin sa puwet umagang-umaga? Pero as time goes by, I think its not bad, after all. Seeing her angelic face first thing in the morning already brighten up my mood, excluding her perverted side, of course.
Mag-iisang linggo na rin kaming nakatira sa iisang bubong. Instantly after the weeding, lumipat na agad kami sa bago naming bahay ni Oxygen. Sinabi kong sana sa susunod na linggo na lang but they insist, lalong-lalo na nag Mommy ni Oxygen. Ewan ko ba sa kanila. Para silang atat.
Isang linggo na rin ang nakalipas simula ng may nangyari sa amin. Kinabukasan ng araw na iyon, buong araw akong tulala. Like, Damn'n shit! Nagawa ko ba talaga 'yon? Ako? Ako na walang kamuwang-muwang aa mundo ng kalaswaan? And what's worst, tandang-tanda ko ang lahat ng pangyayari. Lahat ng ginawa ko, lahat ng sinabi ko, lahat ng kilos ko. Damn, mas malinaw na pa sinag ng buwan ang lahat ng pangyayaring iyon sa isip ko. Para akong may sapi ng gabing iyon.
BINABASA MO ANG
Quiet Serenade Amongst Wildflowers
Любовные романыHikariel Deus Buenaventura hates socializing. He never bothers himself doing things that doesn't render him a benefit. Socializing to him is just a pain in ass. He prefer to be alone and read books or be with his bestfriends just to ignore them late...