( Prologue )

276 51 39
                                    



DISCLAIMER

This work of fiction. Any names, character, business, places, events,
and incidents are either the products
of the author's imagination or used in fictitious manner. Any resemblance to
actual persons, living or dead, or actually
events is purely coincidental.


HI READERS HOPE YOU LEAVE VOTES AND COMMENTS! THANKYOU.


FLASHBACK



Kasalukuyang nag lalaro ako sa isang parke malapit sa aming bahay, Pinatalbog ko ang aking bola.
Pero di sinsadyang mapalakas ito at gumulong sa kalsada.
Lumapit ako sa aking bola at pinulot iyon, Pero di pa man ako nakaka-alis sa kalsada ay may narinig akong napakalakas na tunog.


*BEEEP*
*BEEEP*
*BEEEP*


Tatlong malakas na busina, lumingon ako sa kanan ko at kumalabog ang dibdib ko sa aking nakita. Isang malaking truck ang papalapit sa akin, Halos hindi ako makakilos sa kinakatayuan ko. Mabubunggo nako pero ang tanging nagawa ko lang ay pumikit at mag hintay sa mangyayare, alam kong eto na ang katapusan ko, panginoon ko iligtas mo ako.


Isa, dalawa, tatlo, apat, lima. Limang segundo akong nag hintay pero nararamdaman kong walang kahit ano akong nadamang tumama sakin. Unti-unti kong minulat ang aking mata at laking gulat ko sa aking nasilayan.


Iyong truck na bubunggo sakin ay nakahinto at isang dipa ang layo sakin, pero makikita mo ang pag ka yupi nito sa harapan. Malaki ang yupi't wasak nito habang umuusok, hindi parin ako makakilos sa kinakatayuan ko, Tanging takot lang ang nadarama ko. Dumami ang tao sa lugar at dumating ang pulis at ambulansya, at ang tanging tumatak lang sa isip ko ay ang sinabi ng doktor na patay na ang driver ng truck.


Isa lang ang masasabi ko at yon ay....
Iba ako sa lahat ng tao.

© 2019 by TINTASTIC
Unedited

Her Secret (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon