Dumaan ang araw at payapang nailibing ang aking tatay, ang sakit na nasa aking puso ay para bang hindi nawawala, ang luha ko'y walang tigil sa pagkawala. Oo mahirap, pero kailangan kong tanggapin na wala na ang taong gumagabay sa akin. Sa oras na ito ay isa lang ang nasa utak ko, hindi ako titigil habang hindi ko nakakamtam ang hustisyang gusto ko. Tanging sa paraan lang na iyon maigaganti ko ang tatay ko.
“Are you ready?” Mabilis kong pinunasan ang luha ko ng marinig ko ang boses ni Eros, Simula ngayon ay ayoko ng makikita ako ng ibang tao na umiiyak. Nilingon ko sya saka ako tumango.
Tumayo ako saka ko sinukbit ang bag ko sa aking likuran, Isasama ako ni Eros sa Greece. Ang sabi nya ay pupuntahan daw namin duon ang taong tutulong sa akin para malaman ko ang pumatay sa tatay, Noong una ay nag dadalawang isip ako at tumutol sa gagawin nya, tinanong ko kung sino ba iyon? Hindi nya sinabi kung sino. Sabi nya lang ay malalaman daw nito ang pumatay sa tatay ko, hindi ako mangmang may nararamdaman ko talagang may kakaiba, May tiwala ako kay Eros. Kaya sa huli ay sumama na ako.
“Halika na.” Tumalikod sya at nag lakad palabas sumunod naman ako at nilock ang pintuan at gate ng bahay namin, bumungad sa akin ang isang magarang kotse. Pinag buksan nya ako, hindi ko magawang mamangha dahil sa oras na ito ay magulo ang isip ko.
Pumasok ako sa magara nyang kotse tahimik lang ako, nag simula ng umandar ang kotse pero nakatuon lang ang paningin ko sa kalsada. Iniisip ko kung bakit kailangan pang pumunta sa greece? Tinanaw ko si Eros sa kalsada lang nakatuon ang paningin nya, wala rin syang imik. Siguro ay binibigyan nya lang ako ng oras para makapag isip isip.
Mabilis naming tinahak ang daan papuntang airport, nawala ang mga bagay na iniisip ko dahil sa gulat ng makita ko ang airport. Hindi ko akalaing sobrang laki pala talaga nito, nabalik lang ako sa ulirat ng tawagin ako ni Eros.
“Dito ang daan sundan molang ako, wag ka kung saan saan tumitingin.” Seryoso nyang sabi at nag lakad, kunot noo naman ako sumunod sa kanya. Nang makarating kami sa lugar kung nasaan ang kanilang eroplano ay halos lumuwa ang mata ko, ang laki nito. Alam kong malaki ang eroplano dahil nakikita ko iyon sa telebisyon, pero hindi ko inaasahang mas malaki ang eroplano nila Eros.
May lumapit sa akin na lalaki at inalalayan ako sa pag akyat sa hagdan patunggo sa loob ng eroplano, hindi mapakali ang mata ko sa pag-ikot may konting kaba rin akong nararamdaman dahil ito ang unang beses na sasakay ako sa eroplano.
“Hello Gaea.” Nagulat ako ng tumambad sa akin sila Ms. Athena, Ms. Aphrodite, Mr. Ares. Nakakatuwa ang kanilang pangalan, siguro'y gustong gusto ng magulang nila ang pangalan ng Diyos at Diyosa. Ngumiti ako, hindi ko inaasahang kasama pala sila. Pero natutuwa ako.
Napaka ganda ng kanilang eroplano dahil para itong living room, para bang nasa isang bahay ka lang.
“Baka gusto mong maupo?” Medyo may pagka sarkatiko ang tono ng pananalita ni Eros kaya naman naupo ako sa tabi nya pero may pagitan. Maya-maya ay may nag salita galing sa speaker at nararamdaman ko ang unti unti naming pag angat.
“Eros ilang oras ang byahe natin?” Pagtatanong ko sakanya. Hindi man lang nya ko binalingan ng tingin at nag salita.
“Twelve hours and fifty two minutes. Saka nga pala Gaea.” Seryoso nya kong tiningnan.
“Hindi Eros ang pangalan ko.” Kumunot ang noo ko, ano daw? Hindi Eros ang pangalan nya?
“Ang tunay kong pangalan ay Caelan, hindi talaga Eros ang pangalan ko.” Mas lalong sumakit ang ulo ko, naguguluhan ako.
BINABASA MO ANG
Her Secret (ONGOING)
Science FictionDumami ang tao sa lugar at dumating ang pulis at ambulansya, at ang tanging tumatak lang sa isip ko ay ang sinabi ng doktor na patay na ang driver ng truck. Isa lang ang masasabi ko at yon ay.... Iba ako sa lahat ng tao. MUST READ!