Umiiyak ako ng makarating ako sa aming bahay, nasa gate palang ay nakita ko na ang aking tatay. Sa malamang ay hinihintay nya ko, Walang humpay ang pag tulo ng luha ko simula ng nilisan ko ang paaralan kanina.
“Gaea, bakit ka ginabi ng uwi? Anak bakit ka umiiyak.” nag aalalang sabi ni tatay, hindi ako nag sasalita patuloy lang ako sa pag hikbi at pag iyak. Hinawakan ako ng tatay sa mag- kabilang balikat.
“Anak Gaea tumingin ka sakin, Ano ba ang nangyari anak?” Nag aalala paring sabi ng aking tatay, umiling ako at tiningnan sya sa mga mata.
“Wala po ito tay, hindi na po ito bago. Aakyat na po ako tay.” Akmang aalis ako ng pigilan ako ni tatay.
“Anak sige na sabihin mona sakin kung ano ang nangyare.” Nag pupumilit na sabi ng aking tatay kaya naman humarap ako sakanya.
“Tay, mukang may nasa panganib nanaman dahil sakin. Tay, wala ka ba talagang alam sa dito sa kakambal kong malas na ito? Tay! Nahihirapan nako, tay pakiusap kung may alam ka ay sabihin mo naman. Para naman kahit papano ay maliwanagan ang isip ko puro nalang panganib ang dulot ko sa mga tao.” May hinanakit kong sabi sa aking tatay na tila ba natigilan. Parang hindi nauubos ang luha ko sapagkat deretso parin sa pag patak.
“A-anak naman, ano ba ang nangyayari sayo. W-wala akong alam anak.” Sabi ni tatay, Anak nya ko pero bakit wala sya alam kung bakit ako ganito?
“Tay, Muntik nakong mapahamak kanina! Pero niligtas ako ni Eros! Pero sa huli ay ako papala ang makakapatay sakanya dahil sa di sadyang pag tulak nya sakin. Tay bakit ako ganito? Tao ba'ko? Kase tay bakit ganon?! Lahat ng mananakit sakin kahit di sadya o sadya ay napapahamak!” Puno ng sakit kong sabi, dahan dahan yumakap sakin ang aking tatay. Lalong lumakas ang iyak ko. Humikbi ang tatay.
“H-hindi kita tunay na A-anak Gaea.” Parang nabingi ako sa aking narinig, dahan dahan akong napa atras. Parang huminto sa pag pintig ang puso ko.
“N-nung araw na ipinanganak ka ng asawa ko ay sinabi nya sakin na hindi ako ang ama mo, hinabilin nya sakin na ituri kitang parang totoong anak bago sya bawian ng buhay.” Hindi ako makapaniwala sa sinabi ng aking tatay, ng aking hindi tunay na tatay. Napatakip nalang ako sa bibig ko at umiyak.
“Pero Gaea, tunuri kitang parang tunay kong anak. Walang oras na hindi kita naalala anak, natutuwa ako dahil lumaki ng may respeto at disiplina.” Lumuluhang sabi ng aking tatay, parang sinasaksak ng puso ko. Ayaw kong nakikitang nasasaktan ang tatay ko, Lumapit ako sakanya at yumakap. Hinarap ko ang tatay.
“T-tay... Sino po ang tunay kong ama?” Walang pag aalinlangan kong tanong, halata ang gulat sa mukha ng tatay pero agad din nabura iyon at napalitan ng malungkot na ekspresyon.
“Hindi ko alam anak... Hindi na umabot ang nanay mo para sabihin sakin kung sino ang tunay mong ama.” Nalungkot ako sa naging tugon ng aking tatay, napaka gulo ng utak ko sa oras na'to at ang puso ko parang minamartilyo.
“Ahh, Ganon po ba? Sige po.” Tinalikuran ko ang tatay at nag lakad na patungong kwarto ko, pag ka pasok ko ng kwarto ko ay ibinagsak kolang ang katawan ko sa kama at hinayaan ang sarili kong umiyak ng umiyak.
Parang hindi kinakaya ng utak ko ang mga katotohanang nalalaman ko
ngayon, halo-halong emosyon ang nararamdaman ko. Galit, takot, sakit, pag sisisi.Muling rumihistro sa utak ko si Eros bumilis nanaman ang pag patak ng luha ko, Panginoon iligtas nyo po si Eros. Hindi nya sinasadya ang nangyare, iligtas nyo po sya
Sumindi ang radyo ng tatay, hindi ako nakatulog. Nakapikit ang mata ko patuloy ang pag agos ng luha ko at gising ang diwa ko. Pero pinilit ko parin igayak ang sarili ko sa pag pasok, lumabas ako ng kwarto at nakita ko ang tatay na tulala. Hindi nako nag paalam pa at dirediretso akong lumabas nag tungo ng unibersidad.
Napadaan ako sa gawing parking lot at laking gulat ko ng namataan ko si Zeke don at diretsong naka tingin sakin, binilisan ko ang aking pag lalakad dala narin suguro ng takot.
“Gaea Stop!” Sigaw nya habang tumatakbo papalapit sakin, wala ako nagawa kung hindi huminto at harapin sya.
“G-Gaea i want to talk to you.” Nag susumamong sabi nya, wala nakong maramdaman di na tulad ng dati na pag nakikita ko sya ay lumulundag ang puso ko.
“A-ano naman ang sasabihin mo? S-sabihin mo na dito.” Sabi ko habang diretso na nakatingin sa kanya nag baba sya ng tingin at huminga ng malalim.
“I-I'm sorry sa nangyare kagabe.” Sinsiro nyang sabi gusto kong matawa, bakit sakin sya humihingi ng tawad?
“Zeke, bakit ka sakin humihingi ng tawad? Hindi ba dapat kay Eros ka nag sosorry dahil sya yung binubug-bog nyo?” Naguguluhan kong sabi.
“Yes i will apologize to him later, dahil masyado kong nadala ng galit ko.” Sinsiro nyang sabi.
“Pero sana Gaea ay wag mo ng sasabihin kahit kanino yung nakita mo kagabe.” Seryoso nyang sabi. Parang nabarahan ang lalamunan ko dahil hindi ko alam ang aking sasabihin.
“Zeke...” kunot noo kong tawag sakanya. “Sige.” buntong hininga kong sabi saka tumalikod at nag lakad palayo. Bakit Gaea? Diba dapat ay sabihin mo sa Dean kung ano ang nangyare?
Pag pasok ko sa room ay sya ring pag pasok ng aking guro, wala ako sa sarili sapagkat ni anino ni Eros ay hindi ko makita. Hindi ako mapakali, hindi ako umalis ng classroom kahit mag lunch time. Hinihintay ko si Eros, dumating si Mrs. Guevara at nag simulang mag pa test. Sa kalagit naan ng test ay biglang pumasok ang Dean sa loob ng classroom.
“Please class pay attention.” Sabi ni Mrs. Guevara, lahat kami ay nakatingin sa kung sino ang nasa harapan. Ang kaba ay hindi na yata naalis sa dibdib ko.
“Good afternoon class.” Bati ng Dean.
“Good afternoon Dean.” Bati naman ng lahat sakanya pwera sakin na hindi kayang mag salita.
“I want to tell something to you all. It's really sad because your classmate Eros Gates is at the hospital yesterday night because he's beaten in head and he was bruised, and that's sad because of that he passed away.” Hindi ko na napigilan ang luha ko na kanina pa gustong tumulo.
“Eros.. Sorry.”
BINABASA MO ANG
Her Secret (ONGOING)
Science FictionDumami ang tao sa lugar at dumating ang pulis at ambulansya, at ang tanging tumatak lang sa isip ko ay ang sinabi ng doktor na patay na ang driver ng truck. Isa lang ang masasabi ko at yon ay.... Iba ako sa lahat ng tao. MUST READ!