Kabanata 10

72 20 28
                                    



“Sorry Eros.” lumakas ang bulungan sa classroom, tulala lang ako at umaagos ang luha, Kasalanan mo kung bakit sya namatay Gaea. Walang ibang sinisisi ang sarili kong utak kung hindi ako.


“And nakakalungkot din na hindi tayo makakadalo sa burol nya, Dahil ipinalipad agad ang katawan nya sa Greece upang duon iburol.” Malungkot na wika ng Dean, mas tumindi pa ang bulungan lahat ay nagulat.


Sa pangyayaring iyon nawalan ng kulay ang buhay ko, dahil kung sino pa ang taong pinag kakautangan ko ng buhay ko, ay sya pang nawala sa pamamagitan ng sumpang ito.


Mabilis na dumaan ang oras, araw, at buwan. Walang nag bago sa pakiramdam ko, sinisisi ko parin ang sarili ko sa pag kawala ni Eros at ng iba pa. Kung dati'y malayo na ang loob ko sa tao hindi ko iniasahang mas may ilalayo papala ito, medyo lumayo din ang loob ko sa aking tatay. Dahil siguro sa pangyayari noong nakaraan.


“Okay class, today i have an announcement for the students got a highest score in final exam.” Saad ni Mr. Santiago na sya rin aming adviser, wala akong paki kung sino man ang makakuha ng pinaka mataas na iskor basta ang mahalaga ay nag aaral ako.


“Nako Sir! Kahit naman po hindi nyo na sabihin ay alam nanamin kung sino yan.” nag mamalaking sabi ng kaklase ko.


“Oo nga Sir hindi mo na kailangan sabihin sa amin yan dahil alam nanamin na si Beatrice yan!” Sabat pa ng isa. Bahagya kong nilingon si Beatrice naka ngiti ito isang ngiting tagumpay, matalino si Beatrice kaya di maipag kakaila na sya ang naka-kuha ng mataas na iskor. Itinuon ko nalang ng mata ko sa labas ng paaralan tanaw ko ito mula sa bintana.


“Okay let me check.” sabi ni Mr. Santiago at hinalungkat ang papel nya. “Yes, Congratulations Beatrice you got 95/100 score! Amazing!” Masayang sabi ni Mr. Santiago. Biglang umingay sa buong klase.


“Sabi na sayo Beatrice ikaw ang nakakuha baka ikaw ang maging
vale—”


“Wait students, I'm sorry if i'm mistaken Ms. Beatrice Lacson. I'm really sorry but Gaea Sandoval score is highest than your score, she got 100/100.”


“Wait!–What?!” Kunot noong sabi ni Beatrice habang nakatayo. Biglang tumahimik ang paligid, Nagulat din ako sa sinabi ni Mr. Santiago.


“I'm sorry Ms. Lacson, Gaea's score is higher than yours. Any problem with that?” Makahulugang sabi ni Mr. Santiago.


“N-nothing Sir.” Parang napapahiyang sabi ni Beatrice pag ka tapos ay umupo. Rinig nanaman ang bulungan sa Classroom. Kesyo baka daw nandaya ako, pero di ko nalang sila pinansin.


“Ms. Gaea Sandoval, Mukang ikaw yata ang magiging valedictorian this year.” Nakangiting papuri ni Mr. Santiago, tango lang ang isinukli ko sakanya. Lahat yata ng atensyon ng tao ay nasa akin ngayon, nag habilin pa si Mr. Santiago bago umalis ng room. Sunod-sunod naman ang dating ng ilang subject teachers at pag announced ng nakakuha ng mataas at ako ang palaging nababangit don. Kaya hindi nako mag tataka kung bakit nasa harapan ko si Beatrice ngayon.


Nasa science park ngayon ako sa paborito  kong pwesto lunch break ngayon, at nandito ngayon si Beatrice nakatingin habang plastik na nakangiti sakin.


“Hey Gaea Congratulations!” Sarkastika nyang sabi habang medyo tumatawa pa, sa puntong ito ay ni kaunting kaba ay wala akong nararamdaman. Hindi ako natatakot kahit may kasama sya tatlo pa sa aming mga kaklase.


“At sa tingin mo naman ay ikaw talaga ang tatanghalin bilang valedictorian, Wake up Gaea! Kung ano man ang pandarayang—”


“Kahit kailan ay hindi ako nandaya Beatrice. Hindi ko magagawang mandaya lalo na sa pag-aaral.” Seryoso kong sabi tumalim ang tingin nya sakin.


“Wala akong pake-elam sayo! Kung akala ikaw na ang magiging Valedictorian nag kakamali ka! Gagawin ko ang lahat para ako ang maging Valedictorian ngayon taon!” Galit nyang sambit saka at padabog na umalis. Napabuntong hininga nalang ako. Pagkatapos kong mamalagi duon ay bumalik ako sa classroom, at nag simula na ang klase.


Mabilis natapos ang klase. Gaya ng nakagawian ay pumunta lang ako sa library upang mag basa, medyo nag tagal ako duon.


“Ms. isasarado napo namin ng library mag aalas-otso na ho kase.” Sabi ng janitor ng library tumango naman ako at niligpit ko na ang gamit ko pag ka tapos ay lumabas ng library. Nang makalabas ako ng paaralan ay nag abang ako ng jeep sa highway, tiningnan ko ang wallet ko kumunot ang noo ko sapagkat tres lamang ang laman nun. Nakalimutan ko ang pera ko sa drawer.


Gusto kong batukan ang sarili ko sapagkat wala akong magagawa kundi maglakad pauwi ng bahay, dumaan ako sa eskinita upang mabilis akong maka uwi. Walang ng tao sa daan, tahimik at tanging tahulan nalang ng aso ang maririnig. Muntik na kong mapatalon ng may marinig akong kaluskos kaya mas binilisan ko ang pag lalakad, kanina kopa nararamdaman na may sumusunod sakin. Iniisip ko nalang na imahinasyon kolang ang aninong nakikita ko tuwing lilingon ako sa likod. May narinig nanaman akong kaluskos kaya nilakasan ko ang loob ko at lumingon ako.


“Sino ka?! Alam kong kanina mo pa ako sinusundan lumabas ka dyan!” Sigaw ko pero ni isang tugon ay wala akong narinig, siguro ay iniisip kolang na may sumusunod sakin. Nag patuloy ako sa pag lalakad halos takbuhin ko na ang daan para lang makauwi ilang hakba pa bago samin ay natanaw ko na ang tatay. Mabilis napawi ang kaba sa dibdib ko pakiramdam ko ay ligtas nako.


“Oh, bakit ginabi ka nanaman. Nag aalala nako sayo anak, tuwing papasok ka sa umaga ay hindi kana nag papaalam tapos madalas ka pang gabihin ng uwi.” Parang hinaplos ang puso ko sa narinig sapagkat minsan ay hindi ko sya pinapansin.


“Pasensya na po tay, dumaan pa ho kase ko sa library bago umuwi at saka ho naglakad lang ako dahil hindi ko nadala yung perang ibinigay nyo sakin.” Pag papaliwanag ko, tumango tango sya.


“O sya pumasok kana at kumain nag luto ako ng paborito mong caldereta.” May pananabik sa boses nya, kaya pag kapasok ko palang sa bahay ay nag tungo nako sa kusina at kumain, sobrang nabusog ako. Tanaw kong pinapanood ako ng tatay na kumain, nang natapos nakong kumain ay nag pasalamat ako sakanya. Pero nagulat ako ng mang gilid ang luha nya.


“Anak patawarin mo ako dahil nilihim ko sayo ang mga bagay na dapat ay nalalaman mo, anak hindi ako sanay na hindi mo ako pinapansin. Alam kong mahihirapan kang patawarin ako kaya mag hihintay ako anak.” tumulo ang luha ng tatay kasabay ng pag tulo ng luha ko. Lumapit ako sa tatay at yumakap sakanya.


“Tay matagal ko na kayong napatawad, Sorry din po tay.” Yun lang ang nasabi ko sa tahimik na umiyak.




Her Secret (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon