Ako si Gaea Sandoval ( ge-ya) limang taon gulang ako nung nadiskubre ko na hindi ako tulad ng iba, masakit man pero kailangan kong tanggapin na heto ako. At mula noong nadiskubre ko na kakaiba ako ay sunod-sunod na problema na ang dumating sa buhay ko, naging malayo ako sa mga tao, wala akong kaibigan, ang tanging meron lang ako ay ang tatay ko.
Disisyete anyos na ako at nag aaral ako, simula nung nangyare sa akin ang mga bagay na hindi mapaliwanag ay naging iwas ako sa mga tao dahil alam ko ang maidudulot ko sa kanila at yun yung kinakatakot ko. Kamalasan ang dala ko maari silang mapahamak kung magiging malapit sila saken.
Kaya kapag nasa eskwelahan ako ay nag sasalita lang ako kapag kinakausap at tinatanong ng mga guro ko, nilalayuan naman ako ng mga kaklase ko sapagkat nawiwirdohan sila sakin at hindi ko sila sinasagot kapag tinatanong nila ko.
Ngayon ay nasa Science park ako dito ako palagi pumupunta kapag vacant o break time, dito lang kase tahimik at walang tao bibihira lang ang tao dito dahil madalas ang mga tao ay nasa canteen.Ipinikit ko ang mata ko at lumanghap ng sariwang hangin.
“Tingnan mo nga naman, sa dami-dami ng makikita bakit ikaw pa?” Minulat ko ang mata ko at tumambad sakin si Mira na nakapa-meywang sya, kinain ng kaba ang dibdib ko kaklase ko si Mira, at mukang ako naman ang pag didiskitahan nya ngayon.
Hindi ako umimik, tumayo ako at pinulot ang mga gamit ko. Ayaw ko ng gulo, ayaw ko ng may mapahamak dahil nanaman sakin, Aalis na sana ko ng hawakan nya ang braso ko.
“Saglit lang Gaea, san ka pupunta? Ipapahiya mo nanaman ba ko gaya ng ginawa mo sakin kanina?! Ano mag salita ka!” Galit nyang sabi pero nananatili paring tikom ang bibig ko.
Hindi nya parin ako binibitawan. “Mag sasalita ka o hihilahin ko iyang dila mo?” galit nyang sabi at nag angat ng kamay, kinakabahan ako hindi ko alam ang gagawin ko. Alam kong kakantiin nya ko sa mga oras na to, at hindi ako papayag na mangyare yon. Ayokong may mapahamak.
Inilagan ko ang hanpas nya at mabilis na nag salita. “S-sorry sa hindi ko pag sasalita k-kanina nung tinatanong mo ako Mira, P-please wag mokong sasaktan.” Nanginginig kong sabi ngumisi sya.
“Sa wakas! Nag salita narin ang nag pipipi-pipihan! Pero sa tingin mo tatanggapin ko yang sorry mo?! Pinagtawanan ako sa buong klase Gaea!” Galit nyang sabi, binabalot na ng kaba ang sistema ko.
“Please Mira tama na.” nakikiusap na sabi ko, pero di sya nakinig at ginawaran ako ng isang malakas na sampal. Doon na bumuhos ang luha ko, Sorry Mira Sorry.
Maya maya ay sinampal nya ulit ako.
“Tama na Mira, Please.” sambit ko pag katapos ay tinulak nya ko at napaupo ako sa sobrang lakas ng pag kakatulak nya, hindi parin humihinto ang pag patak ng luha ko. Hanggang sa marinig ko ang yabag ni Mira na papalayo. Sorry Mira.Tumayo ako at inayos ang sarili ko pag ka tapos ay nag tungo ako pabalik sa classroom ko. Pag ka pasok ko ay dumating narin ang Guro namin, balisa ako at wala sa sarili dahil alam ko na ang mang yayare.
AHHHHHH!!
Isang malakas na tili ang bumasag sa katahimikan ng paaralan kasabay ng isang malakas na pag kalabog. Dali dali lumabas ang mga kaklase ko at tiningnan kung anong nangyare sa labas.
“AHHHHH! MIRA!” Sigaw ni daisy kaibigan ni Mira, mabilis nag sitakbuhan ang kaklase ko pababa ng hagdan at dun ako lumabas upang sumilip, tanaw ko ang duguang katawan ni Mira mula dito sa tenth floor. Unti-unting gumuho ang sistema ko, panibagong tao nanaman ang namatay dahil saken.
Patawarin moko Mira hindi ko sinasadya...
BINABASA MO ANG
Her Secret (ONGOING)
Science FictionDumami ang tao sa lugar at dumating ang pulis at ambulansya, at ang tanging tumatak lang sa isip ko ay ang sinabi ng doktor na patay na ang driver ng truck. Isa lang ang masasabi ko at yon ay.... Iba ako sa lahat ng tao. MUST READ!