Kabanata 13

74 12 16
                                    




Balisang balisa ako, umalis na si Zeke pero nag lalayag parin ang isip ko. Sino sila? Ano ang kailangan nila? Bakit kailangang ipapatay kami? Ano ba ang kasalanan ko sa kanila, bakit kailangang humantong sa ganito? Biglang pumasok sa isip ko si Beatrice, hindi tamang mag hinala pero sya lang ang halatang may galit sakin.


Kilala ang pamilya nya na hindi patas mag laro mayor ang ama nya, lahat ng babangga sa o hahabol bilang mayor din ay pinapatumba ng mga Lacson. Kaya hindi ko mapigilang mag hinala, Siguro ay gaya ni Genesis sinumbong rin ako ni Beatrice sa ama nya. Si Genesis ay ex boyfriend ni Beatrice sila ang tinaguriang campus couple non dahil sobrang sweet nila sa isat isa. Pero dahil sa nag loko daw si Genesis at nakitang kasama si Ashley ay nag sumbong si Beatrice sa ama nya kaya pinabug-bog si Genesis. Kalat yun sa eskwelahan, dahil umabot pa sila sa korte pero sa huli ay sila Beatrice ang nanalo.


Naglaho ang iniisip ko ng may kumalabit sakin, tiningnan ko kung sino yun si Eros. Naka suot sya ng black long sleeve na naka tupi hanggang siko at naka itim na pantalon, para syang galing trabaho. Hindi mapag kakailang ang gwapo nya ngayon, oo gwapo sya pero parang mas lalo syang gwumapo sa suot nya.


“Tsk, Don't stare me like that... That's creepy.” sarkatiko nyang sabi habang nakangise, mabilis naman akong nag iwas tingin. Tanaw ko sa gilid ng mata ko na tumatawa sya. Ramdam ko na nag init ang mukha ko dahil sa hiya.


“Sorry natagalan ako bago dumating, umuwi kase ang mommy at iba ko pang kamag anak. Galing greece sunundo ko sila sa airport.” Pag papaliwanag nya, tumingin naman ako sa bintana gabi na nga.


“Okay lang naman Eros, Naiintindihan ko. Dapat ay hindi kana dumiretso dito kasi pagod ka. Hindi kana dapat mag abala.” Sinsiro kong sabi sakanya.


“No,no,no. It's okay. Actually i brought them here.” Nakangiting sabi nya, kakaibang ngiting ngayon lang nya ginawa. Kumunot ang noo ko, bakit naman nya dadalhin ang pamilya nya dito?


“Pumunta sila dito para makiramay.” Sabi nya. Parang may humaplos sa puso ko kahit pala hindi mo kakilalang tao ay mayroong pakielam sayo.


“Nasan sila?” tanong ko kay Eros pinasadahan nya ng tingin ang unahang pinto kaya tumingin din ako doon.


“Ayan na sila.”


Umalingasaw ang halo halong mabangong amoy kasabay ng pag pasok ng isang naka black formal attire na lalaki na siguro'y nasa edad trenta pataas kasama ang isang magandang babae na naka black off shoulder dress. Pustura palang ay halata nang mayaman, may kasama pa itong dalawang bodyguards.


Tumayo ako dahil alam kong papalapit sila sakin, huminto ang magandang babae sa harapan ko at sinuyod ako ng tingin. Tingin na para bang sinusuri ang buong pagkatao ko. Nakayuko pero nagulat ako ng maramdaman kong yumakap ito sa akin.


“Condolence Gaea.” Nagulat ulit ako ng banggitin nito ang pangalan ko, siguro ay sinabi na ni Eros. Kumalas ito sa pag kakayakap at nginitian ako, tumingin ito sa kasama nyang lalaki may galak sa mata nito. Kaya pinag masdan ko ang lalaking kasama nito, nakatingin ito saakin tila ba sobrang saya nito na nakita ako mayroon sa pakiramdam ko na masya din dahil nakikita ko syang ganon.


Pero maya maya ay lumapit ito sa akin at niyakap rin ako, siguro ay nararamdaman din nya ang nararamdaman ko. Hindi ko napigilang manggilid ang aking luha pero hindi ko ito hinayaang tumulo kahit masakit na sa lalamunan kasi nakakahiya. Sobrang tagal bago ako nito pakawalan. Ngumiti naman ako sakanya.


“Kayo po ba ang ina at ang ama ni Eros?” Magalang kong tanong. Nagagalak akong makilala sila, akala ko ay mamatahin nila ko pero hindi. Mabait sila. Umiling sila.


“Mom!” Tawag ni Eros kaya naman napatingin ako sakanya at sya ay nakatingin sa pintuan.


Pumasok doon ang isang sobrang ganda ring babae na naka black spring velvet dress, teka?


“Ms. A-Athena.” Mahinang bulong ko, ina ni Eros si Ms. Athena? Ang akala ko ay dalaga pa si Ms. Athena? Lumapit sakin si Eros kasama si Ms. Athena hindi ako makapaniwala.


“I-ina mo si Ms. Athena?” Tanong ko kay Eros habang nakaturo pa kay Ms. Athena, kunot noong tumawa si Eros.


“Yes, why?” Nag tatakang tanong nya. Lumapit sa akin si Ms. Athena at nakipag beso tapos ay yumakap. Hindi ko nasagot ang pag tatanong ni Eros.


“Condolence Gaea, ikinalulungkot ko ang nangyare. Wala man lang kaming nagawa.” Malungkot na sabi nito sa akin, parang kinurot ang puso ko, bakit? ano ba ang kailangan nilang gawin? Malayo ang mga sinasabi nila?  Naguguluhan ako. Pero salamat dahil kahit hindi ko sila ka ano ano ay nandito sila para makiramay.


“Hindi po namin inaasahan ang nangyari kaya po wag nyo pong sisihin ang sarili nyo dahil wala kayong nagawa, wag nyo pong masamain pero hindi nyo po kame obligasyon. Alam nyo po sobrang nag papasalamat ako sainyo kasi po kahit hindi naman namin kayo kamag-anak ay nandyan po kayo para makiramay, lalong lalo napo kay Eros utang ko po sakanya ang buhay ko hindi ko po alam kung pano ko sya mababayaran sa mga utang ko sakanya sa ngayon po ay tanging salitang salamat lang ang mabibigay ko.” Nakangiti kong sabi tila ba nagulat sila. Nakatitig lang sila sakin tiningnan ko si Eros na ganon din.


Bahagya akong tumawa nakakapagtaka pero nakitawa rin sila.


“Alam ko na kung nasaan ang tatay mo ay masaya na sya.” Seryosong sabi ng lalaking kasama nila Eros, napangiti naman ako at nanggilid  ang luha. Tama kung nasaan man sya ay masaya na sya.


“Ako nga pala si Aphrodite.” Lumapit sakin ang napakagandang babaeng unang yumakap sa akin kanina sobrang ganda nya, pakiramdam ko ay wala ng papantay sa kagandahan nya. Oo maganda rin si Ms. Athena pero itong kaharap ko ngayon ibang ibang ang ganda nya.


“I-ikinagagalak ko po kayong makilala. Ang ganda nyo po.” Sabi ko. Ngumiti naman sya at tinitigan ako. Nakakailang pero okay lang.


Bahagya syang tumawa“Alam ko namang maganda ko saka nga pala ,Ilang taon kana ija?” Tanong nya sakin ng hindi parin napapawi ang ngiti. Ngumiti rin ako.


“Disisyete napo ako, kayo po ba ilang taon na? Saka po si Ms. Athena akala ko po kase ay dalaga sya pero anak nya pala si Eros.” Seryoso kong sabi pero natawa sya nagtaka naman ako may nakakatawa ba sa sinabi ko?


“Wag mo ng alamin, Wala na kami sa kalendaryo.” Seryoso nyang sabi huh? Palabiro pala si Ms. Aphrodite. Ngumise ako. Pero Seryoso sya, Baka may edad na talaga sila pero dahil sa kagandahan nila ay mapag kakamalan mo silang dalaga.


“Ano nyo po si Eros?” Tanong ko sakanya. Wala nakong ibang masabi, si Eros at si Ms. Athena ay nag uusap.


“Pamangkin ko sya, kapatid ko ang ina nya.” Pag papaliwanag nya sakin napatango naman ako lumapit sakin si Eros at sinabi sa tita nya pwede raw ba kong mahiram at kakausapin nya daw ako at importante daw yon. Dinala nya ko sa lugar kung saan walang tao.


“E-Eros ano ba yung sasabihin mo?” Seryoso akong nakatingin sakanya at ramdam kong seryoso din sya.






“Gaea may alam akong makakatulong satin para malaman natin kung sino yung pumatay sa tatay mo.”

Her Secret (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon