Nagpaalam ako sa tatay na aakyat na sa aking kwarto pag katapos naming mag usap, tila nabawasa ang problema ko ng nakausap ko ang tatay. Ikwinento ko sakanya ang nangyare noong araw na nabugbog si Eros, sinabi ko sakanya na hindi sadyang masaktan ako nito. Nais ng tatay na sabihin ko sa Dean ang nakita ko, pero natatakot ako. Dahil ako ang may kasalanan pero mababaling nanaman ito sa iba.
Pumunta ako sa banyo upang maligo, nangmatapos na ay nagbihis ako at lumabas ng banyo. Pero nagulat ako sa isang malakas na kalabog, Ano yon?
Dahan-dahan akong lumapit sa pintuan ng aking kwarto at tinapat ang tenga ko duon. Inisip ko na baka pusa lang iyon pero tumindig ang balahibo ko ng makarinig ulit ng isang malakas na kalabog at tiyak kong nanggagaling iyon sa sala. Hindi ko alam ang gagawin ko, kung bababa ba'ako o mananatili dito sa kwarto para sa ikaliligtas ko. Pero ng sumagi sa isip ko ang tatay ay walang alinlangang nag lakad ako ng dahan-dahan palabas ng kwarto ko.
Walang pag lagyan ang kaba ko, dahil habang papalapit ako ng hagdan ay may naririnig akong nag uusap na hindi pamilyar ang boses. May pinag uusapan sila pero hindi ko marinig, dumampot ako ng bagay na pweding ipamalo at dahan-dahang mag lalakad sana pababa ng hagdan.
“Ah—!’’ Impit kong hiyaw dahil may humila sakin kasabay non ang pag takip saking bibig, hinila ko nito hanbang ako naman ay nag pupumiglas at nag sisisipa, Dinala ko nito sa gilid sa madilim na parte ng bahay. Ang kaba ko ay nag uumapaw walang lumalabas na luha sa mata ko pero gusto kong umiyak. Bakit nangyayari sa buhay ko ito?
“Shh! Wag kang maingay kung gusto mo pang mabuhay!” Ang boses nayon.. Unti-unti akong kumalma at napatingin dito nag uunahan sa pag bagsak ang luha ko. Hindi ako nag kakamali.
“E-Eros..” umiiyak kong sabi, hindi ako nag kakamali si Eros ang nasa harapan ko ngayon. May mask ang bibig nya pero hindi makakapag sinungaling ang kanyang makislap mata. “E-Eros.” Muli kong sambit sa pangalan nya, hindi ako makakilos puno ng tuwa ang puso ko pero may konting takot. Paano itong nangyayari? Ang sabi nila ay patay na sya?
Kinurot ko ang balat nya at mas lalong akong naiyak ng masaktan sya, hindi ako nanaginip. Si Eros ang kaharap ko ngayon.
“Why did you pinch me?” Naiirita nyang sabi. “If you think you are dreaming you're mistaken. I'm alive and you're in danger Gaea.” Seryosong sabi nya habang hawak ako sa mag kabilang balikat.
“Arghhh!” Isang malakas na sigaw ang umalingaw ngaw sa bahay, Ang tatay.
“E-Eros ang tatay, ang tatay ko.” Kinakabahan kong sabi at mabilis na nag lakad pababa ng hagdan, Halos mawalan ako ng malay sa nasaksihan ko napatakip ako ng bibig ng mamataan ko na paulit-ulit sinaksak ang tatay ko.
“TAY!” Hiyaw ko mabilis na lumingon sakin ang lalaking sumaksak sa tatay ko tumayo sya at sumugod sakin, hindi ako makakilos. Pero hindi pinayagan ni Eros na makalapit sakin iyong lalaki sa isang kisap mata ay napatumba nya na agad ito. Wala akong ibang nagawa kung hindi umiyak. Mabilis na nag sitakbuhan ang dalawang lalaking naka itim at may takip ang muka, at mabilis akong lumapit sa aking Tatay.
Parang dinurog ang puso ko sa aking nakikita, Diretso nakatingin sakin ang tatay at may ngiti sa labi. Humahagulgol ako habang sapo ko ang ulo nya.
“Gaea! Tumawag nako ng ambulance, paparating na sila.” Lumapit sya sa Tatay ko at hinawakan ang kamay nito.
“Hold on Mr. Sandoval. Hold on.” Sabi ni Eros sa aking tatay, namuo ang butil ng luha sa mata ng tatay. Wala ng kasing sakit na makita ang ama mo na nahihirapan.
“T-Tay! Wag kang matutulog! Tay! Kumapit kalang hah! Tay!” Mas lumawak ang ngiti sa labi ng aking tatay, Diyos ko iligtas nyo po ang tatay ko.
“M-m-ma....h-hal.... K-ki...t-ta.” Kahit nahihirapan ay sinabi ito ng aking tatay sakin, sobrang sakit. Parang bumagal sa paningin ko ang unti unting pag pikit ng mata ng aking tatay.
“TAY! WAG MOKONG IIWAN TAY! Marami kapang pangarap sakin diba?! Tay! Hahatid mo pako sa stage sa Graduation! Valedictorian ako! Tay tuparin mo yung pangako mo! Wag kang susuko! wag mo kong iiwan! Hindi ko kaya! Mahal na mahal kita tay! Wala na si nanay hindi pweding pati ikaw ay mawala rin, hindi ako papayag tay.” Humihiyaw kong sabi pero kahit anong hiyaw ang gawin ko ay wala na kahit anong hiyaw ang gawin ko ay wala na, kasabay ng pag pikit ng kanyang mata ang pag bagal ng kanyang pag hinga.
Huli ng nung dumating ang ambulansya, gaya ng sa television wala silang kwenta dumadating sila pag wala na. Hindi mapawi ang sakit nanararamdaman ko ang sakit ng pag kawala ng tatay ko, Hindi ko maintindihan kung bakit ganito sakin ang mundo. Ano ba ang nagawa ko?
Napaka daya ni bathala, bakit ganito sakin nya itinadhana? Inalala ko bawat masasayang ala-ala namin ng tatay ko simula nung bata ako, nakangiti ako habang umiiyak.
Wala ng papantay sa sakit na nararamdaman ko ngayon.Saan nako patungo? Wala na ang tatay ko, wala na ang buhay ko. Paano nako mag papatuloy kung wala na yung taong inspirasyon ko, yung taong nag papapasaya sakin. Yung taong napag sasabihan ko ng problema ko, yung taong nag bibigay ng kulay sa buhay ko. Tay? Pano na? Pano na kung mawawala ka?
Tinitingnan ko ngayon kung papano I-CPR ang tatay ko, paulit ulit syang ginaganon at ako? Para kong tanggang nakatingin habang lumuluha. May naramdaman akong kamay sa likuran ko, alam kong si Eros iyon. Tiningnan ko sya mababasa ang awa sa mga mata nya. Maya-maya pa ay inilapit nya ko sakanya at niyakap, duon ako umiyak ng umiyak ng umiyak.
Kasabay ng pag iyak ko ang pag sasalita ng doktor.
“Sorry po. Ginawa namin ang lahat pero hindi sya naisalba, wala napo sya.”
BINABASA MO ANG
Her Secret (ONGOING)
Science FictionDumami ang tao sa lugar at dumating ang pulis at ambulansya, at ang tanging tumatak lang sa isip ko ay ang sinabi ng doktor na patay na ang driver ng truck. Isa lang ang masasabi ko at yon ay.... Iba ako sa lahat ng tao. MUST READ!