“Palagi kayong mag-iingat.” Naiwan akong tulala sa huli nyang sinabi,
Hindi ako makagalaw. Halos bento minutos noong umalis sya pero nananatili akong nakatayo at iniisip kung bakit kailangan kong mag ingat? Eh halos maging kakambal ko na nga ang panganib. Pero kailangan mo bang maging kampante Gaea?Umiling ako at bumalik sa classroom ko, Nag patuloy ang klase pero wala parin ako sa sarili. Nandito ako pero ang isip ko ay nasa malayo, panganib?
Saglit kong sinulyapan si Eros na tutok sa pakikinig sa aming guro na nag tuturo. Kailangan ba talagang pag tuunan ko ng pansin iyong sinabi nya?
“GAEA SANDOVAL!” Bigla akong natinag sa isang malakas na bulyaw ng aking pangalan, Halos lahat ng kaklase ko ay nagtatawanan habang si Mrs. Romero History teacher namin ay masama ang tingin sakin.
“Naka-ilang tawag nako sa pangalan mo pero parang wala kang naririnig Ms. Sandoval!” Galit na sabi ni Mrs. Romero sakin.
“Sorry po Mrs. Romero.” sabi ko habang naka yuko. Pero ang mga kaklase ko ay nag kakantsawan parin at pinag tatawanan ako.
“Gaea stand up.” Seryosong sabi ni Mrs. Romero, tumayo ako. Unti-unti nang nawala ang ingay sa loob ng classroom. Siguradong mag tatanong ito patungkol sa lesson, Pero hindi ko narinig kung ano ang dinidiscuss nya kaya hindi ko alam kung paano makakasagot. Huminga ako ng malalim.
“What were five main causes of World War I ?” Tanong ni Mrs. Romero habang deretso ang tingin saakin, Nakahinga ako ng maluwag sapagkat nabasa ko na iyon sa book of history.
“One way to make myself to remember the five main causes of World War I is to remember the acronym M–A–N–I–A. M for militarism, A for alliances, N for nationalism, I for imperialism and A for assassination.” Diretso kong sabi, kinakabahan ako pero pinilit kong maging tuwid ang aking pananalita.
Napatango si Mrs. Romero senyales na ginaganahan syang mag tanong.“Is germany to blame for World War I?” Seryoso na naman nyang tanong, Ganyan sya kapag sinusubukan ang kakayahan ng mga estudyante. Mabilis kong inalala ang mga nabasa ko, hinihiling ko sa utak ko na sana ay wag muna itong mag blanko.
“Russia, not Germany, mobilised first. The resulting war, with France and Britain backing Serbia and Russia against two Central Powers, was Russia's desired outcome, not Germany's. Still, none of the powers can escape blame. All five Great Power belligerents, along with Serbia, unleashed Armageddon.” Hindi ko alam kung tama ba ang sinagot ko pinikit ko ang mata ko saka yumuko, hindi ko sinulyapan si Mrs. Romero baka kasi bulyawan nya ko dahil mali ang
naisagot ko.“Very Impressive Ms. Sandoval.” Nakangiting wika ni Mrs. Romero sa
akin pero agad din nag bago ang reaksyon ng muka nya.“But others of students in this section disappointed me, ang lalakas
kung maka tawa pero sa recitation ay nga-nga! Tingnan nyo nalang si Gaea, tahimik malayo ang isip pero kapag sumagot ay walastik!” Maarting sabi nito sa malakas na tono ng pananalita habang umiiling-iling. Sinenyas nya na maupo nako kaya naman sumunod ako.“You Eros Gates stand up, tingnan natin kung nakikinig ka, at tingnan natin kung isa karin sa mga tanga.” Napatingin ako kay Eros, gaya ng dati'y walang emosyon at parang tinatamad sa lahat ng ginagawa.
“Why did Italy change sides in
World War I?” Tanong ni Mrs. Romero kay Eros, diretso ang tingin ni Mrs. Romero sakanya habang sya ay sinasalubong ang tingin nito na parang walang kaba o takot na nararamdaman.“Leading up to WWI, Italy had formed an alliance with the Central Powers of the German Empire and the Empire of the Austria-Hungary in the Triple Alliance. Italy should have joined on the side of the Central Powers when war broke out in August 1914 but instead declared neutrality.” Diretso ring sagot nya at walang sabing umupo bigla. Napatango naman si Mrs. Romero.
“Sa lahat ng lalaking tinawag ko ay ikaw lang yata ang naka sagot, Very good.” May pag mamalaki sa tono ni Mrs. Romero. “Class Dismiss.” Sabi ni Mrs. Romero sabay kuha sa libro nya at mabilis na umalis. Pag kalabas ni Ms. Romero ay pumasok naman ang next subjects. Sunod sunod na natapos ang discussion.
Hanggang sa mag uwian na, pero hindi muna ako umuwi nag tungo ako sa school library upang mag advance reading at mag review sa magaganap na long quiz bukas sa math subject. Medyo nag tagal ako doon, hanggang sa maisipan ko na umuwi na ng bahay namin. Medyo nagulat ako dahil madilim na ang langit nung lumabas ako sa library, nako baka magalit ang tatay sa akin.
Nag lalakad ako palabas ng unibersidad, tahimik nakakatakot sapagkat wala ng tao at tanging mga lamp post nalang ang nag bibigay ilaw sa daan. Malakas din ang ihip ng hangin dahilan upang mag angatan ang balahibo ko.
“ANO MAG YABANG KA! NGAYON KA MAG YABANG!” Rinig ko. napalingon ako sa madilim na parte ng paaralan, umusbong ang matinding kaba sa
puso ko. Hindi ko alam pero may nag tutulak sa akin na pumunta don sa
madilim na parte na iyon, hindi ko
napigilan ang sarili ko.Walang ingay akong nag lalakad sa malaking puno at nag tago doon,
walang pag lagyan ng kaba ko sapagkat natanaw ko na may binubug-bog.“Z-Zeke....” Mahinang banggit ko sa pangalan nya sapagkat nakita ko kung pano nya hampasin ng kahoy ang lalaking nakahiga at walang kalaban laban, unti unti kong natanaw na mga kaklase ko ang kasama nya sila Jacob, Marco, Clarence at Riyen.
Lumihis si Zeke dahilan upang mag karoon ako ng tyansa na makita kung sino ang hinahampas nya. Ganon nalang ang panlalaki ng mata ko ng mapagtanto ko na si Eros iyon. Hindi ako mapakali, ang kaba ko ay nag uumapaw na.
Nakita ko ang pag salida ni Zeke, Alam kong ihahampasin nya si Eros at baka iyon ang maging dahilan ng pag kamatay nito. Mas lumaki pa ang mata ko hahampasin na ni Zeke si Eros.
Mabilis akong tumakbo at pumagitna sa kanila.
“WAG!”
BINABASA MO ANG
Her Secret (ONGOING)
Science FictionDumami ang tao sa lugar at dumating ang pulis at ambulansya, at ang tanging tumatak lang sa isip ko ay ang sinabi ng doktor na patay na ang driver ng truck. Isa lang ang masasabi ko at yon ay.... Iba ako sa lahat ng tao. MUST READ!