Kabanata 18

70 6 3
                                    



“Kung ganon ay aalis nako anak. Masakit mang isipin na hindi kita maisasama sa pag babalik ko sa aking mundo pero ikinatutuwa ko ang rason mo.” Malungkot nyang sabi, nabigla naman ako hindi ko inasahang aalis na sya agad agad.


“Ambilis po, aalis na po talaga kayo? Hindi po ba pwedeng mag tagal kayo kahit ilang araw?” malungkot kong sabi pero isang pilit na ngiti lang ang isinukli nya sa akin.


“Hindi pwedeng mawalan ng hari sa aking mundo kahit konting panahon anak. Paalam.” Hindi ko maintindihan ang salitang binigkas nya kasabay non ang biglang pag yanig parang may lindol hindi ko alam kung hihiyaw ba ako ng makita kong nabibiyak ang lupa at pagbuka nito papalapit sakin ang tanging nagawa ko lang ay pumikit at takpan ang mukha.



Ilang segundo ang lumipas ng huminto ang pag yanig dali dali akong nag mulat at nakita ko ang lupa na nakabuka at m-ay hagdan? Nagulat ako ng bigla akong yakapin ng ama ko at pagkatapos ay hinalikan ako sa noo.


“Anak palagi kang mag iingat simula ngayon ay mas pinahigpitan ko pa ang pag babantay sayo, kung nasa panganib ka at kailangan mo ako bangitin mo lang ang o Theós tou káto kósmou se chreiázomai kahit anong oras ay dadating ako.” Wika nya napatango naman ako. “Paalam anak.”


“p-paalam a-ama.” unti unting tumulo ang luha ko ng bigla syang naglaho sa paningin ko at sa isang iglap ay nasa ayos na lahat.


“Hindi ko alam na may magandang puso pala talaga si hades.” Napalingon ako kay eros sa sinabi nya. Ngumiti ako, hindi pala totoo ang nasa kwento. Ang ama ko na si hades ay sobrang busilak ang puso oo sya ang hari ng impyerno pero hindi ko inaasahan ang ipapakita nya saken.


“Napakabait ng aking ama Eros.” Masayang masaya ang puso ko. Wala na yatang papantay sa saya na nararamdaman ko ngayon.


Dumaan ang buwan at patuloy akong pumasok sa unibersidad na aking pinapasukan, Mas tumindi ang bulong bulungan tungkol sa akin. Gaya ng dati ay pinapakita ko na wala akong pakielam.


“Okay class may announcement ulit ako.” Kunot noong sabi ni Mr. Santiago, prenteng naka upo naman ako sa aking upuan.


“I'm sorry Ms. Gaea Sandoval but Dean's said na ang bagong Valedictorian this year ay si Ms. Beatrice na.” Nagulat ako, nung isang araw ay panay ang bati sa akin ni Mr. Santiago tapos ngayon ay hindi na ako?


“Pero Sir, diba—” Pinutol ni Beatrice ang sasabihin ko.


“Shut up Gaea, hindi mo ba narinig?! Ako na ang bagong Valedictorian. Just accept the fact.” Maarteng wika ni Beatrice kaya natahimik ako. Para talagang may mali.


Dumaan ang ilang oras at uwian na lumabas na ako sa aking paaralan at tiningnan ang aking pitaka pero ni mag kano ay wala itong laman. Kaya naman mapipilitan nanaman akong mag lakad.


'Ako na ang bagong Valedictorian. Just accept the fact.'


Tay pasensya na yung pinagmalaki ko na para sakin di pala talaga. Lumong lumo ako habang nag lalakad ng bigla akong mapatalon dahil sa isang malakas na busina.


Kunot noo kong tiningnan ang isang magarang kotse na ngayon ay nasa aking harapan, ang yabang naman ng nag mamaneho nito hindi ba nya nakita na hindi naman ako nakaharang sa daan?


Bumaba ang bintana nito at nasilayan ko ang gwapong muka ni Eros, ewan ko pero bahagya pa akong nagulat dahil nakita ko sya. Ilang araw korin kase syang hindi nakita.


“Lika sumakay kana.” Sabi ni Eros pero nakatingin parin ako sakanya, kakaiba ang dating nya ngayon.


“Hey Gaea.”

“H-ha ako?” Bakit ba ako nauutal? Ako lang naman ang kausap nyo pero bat nag tatanong pa ako kung ako?


“Oo ikaw, ikaw lang naman ang tao dito at amg taong kinakausap ko.” Tatawa tawa nyang sabe kaya naman medyo nahiya ako. Bumaba sya ng kotse at mas napatitig ako sakanya naka suot sya ng Short sleeve shirt na White floral at Black Pants na may butas ang tuhod.


Binuksan nya ang kabilang pintuan ng kotse. “Sakay na.” nakangiti nyang wika kaya hindi na ko nag alin langan at sumakay na ako. Hindi ko alam kung bakit hindi ako makapag salita, hindi naman sya mabilis mag patakbo.


“Nakapag lunch kaba kanina?” Wika nya at napaisip naman ako hindi nga pala ako nakapag tanghalian dahil wala akong pera. At sinisigurado kong hindi ako makakain mamaya dahil wala akong pera pambili ng makakain.


“h-hindi pa eh w-wala—” nagulat ako ng bigla nyang niliko ang kotse at mabilis na pinatakbo papunta sa isang magarbong restaurant.


Masyadong maganda ang restaurant hindi ko yata kayang pumasok dahil entrada palang pang mayaman na hindi muna kasi ako hinayaang mag salita para masabi kong wala akong pera. Wala akong ipambabayad dito.


“Tara na Gaea.” Nilingon nya ko akmang papasok na sya sa restaurant pero natigilan dahil nakita nya akong naka hinto.


“Uhm. Ayokong kumain Eros busog pa ako.” Pag sisinungaling ko pero nagulat ako ng lumapit sya sakin hawakan ang kamay ko pag katapos ay hinila ako papasok sa restaurant.


“Wag kang mag alala omorder ka ng gusto mo at ako ang mag babayad.” Nakangiti nyang sabi pero wala don ang atensyon ko nasa kamay nyang naka hawak sa kamay ko.


Napansin nya yata yon at dahan dahan nyang binitawan, naupo kami sa table namin at binigyan kami ng menu. Napansin kong hindi sya tumitingin sa menu at sa aking lang nakatingin kaya naman natigilan ako. Ang dami rin matang naka tingin samin dahil siguro ang gwapo ng kasama ko.


“Bakit hindi ka tumitingin sa menu?” Tanong ko nakatingin parin sya sakin at ilang na ilang naman ako.


“Wag mo ng tingnan yan.” wika nya kumunot naman ang noo ko. Tinaas nya ang kamay nya at may lumapit na crew sakanya.


“Oorderin ko lahat ng nasa menu nyo.”



Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 15, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Her Secret (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon