Kabanata 4

117 36 29
                                    



“Eros....” Sapag mulat ng aking mata si Eros ang aking nakita, sinapo nya ang sampal na dapat sa akin. Gulat na gulat parin ako at nanlalaki parin ang mata.


“Tsk.” Singhal ni Eros kaya ang gulat ko ay nadagdagan pa. Hindi ko matanaw ang reaksyon ng ginang sapagkat naka-harang si Eros, tahimik ang office kaya ramdam ko na nagulat din ang ginang.


“Totoo ang sinabi nya...” Lalo akong naguluhan at nagulat, a-ano ang alam nya? “She doesn't know why your daughter's suicide.” Sabi ni Eros sabay baling sakin ng may nakakatakot na ngisi sa labi.


Dahan-dahan syang nag lakad sa upuang katabi ng upuan ko, naupo sya doon at dumikwatro ng pang babae. Diretso nyang tiningnan ang ina ni Mira na ina-alo ng asawa nya. Nag angat ito ng tingin at nasamang tiningnan si Eros.


“I-Ikaw. Anong alam mo sa nangyare?!” Galit na sabi ng ina ni Mira, Muling sumilay ang ngisi sa muka ni Eros.


“Alam ko lahat..” Sabi ni Eros humagulgol nanaman ng iyak si Mrs. Villanueva. “Narinig at nakita ko kung paano sumbatan ng anak mo ang babaeng ito.” Tinuro ako ni Eros mabilis na tumulo ang luha ko. “Nasaksihan ko kung paano gawaran ng anak mo ng isang malakas na sampal ang babaeng ito.” Tinuro ako ni Eros.


“Hindi totoo yan! Huh?! Sinungaling ka sinungaling kayong lahat.” Umiiyak na sabi ng ina ni Mira. Sandaling nanahimik ang lahat. Impit na tumawa si Eros dahilan upang mapukaw nya ang paningin ng lahat. Sa tingin ba nya ay nakakatuwa ito?


Alam mo ba kung bakit nagawa ng anak mo iyon sa babaeng ito? Dahil hindi nya ito pinansin ng mag tanong ito sakanya.” isang mahinang tawa nanaman ang pinakawalan ni Eros.


“Sobrang babaw ng dahilan diba? Siguro'y sobrang nakonsenya ang anak mo at hindi nya kinaya kaya sya nag pakamatay.” Nakangising sabi ni Eros.


“Sinungaling!” Galit na sabi ng Ama ni Mira kay Eros at akmang sasapakin ito.


“ENOUGH!” Sobrang lakas ng pag kakasabi ng Dean. Dahilan para matigilan ang lahat at mapabaling sakanya.


“Dean, hindi totoo yan, Dean. Please help us, hindi nag sasabi ng totoo ang dalawang iyan.” Nag mamaka-awang sabi nito at lumuhod sa harap ng Dean. Mabilis namang kumalinga asawa nito upang patayuin ito.


“Here's my phone, nandiyan ang patunay na totoo ang sinasabi nya.” Hinagis ni Eros sa lamesa ang telepono nya at pinagpagan ang sarili saka taas noong nilisan ang office.


Kinuha ng Dean ang telepono at may pinanood doon, rinig na rinig ko ang pag hiyaw ni Mira sakin mula sa teleponong pinanonooran ng Dean. Nang matapos ay napabuntong hininga ang Dean. Hindi parin tumitigil sa pag iyak ng Ginang. Tiningnan ako ng Dean.


“Gaea, you can go back to your class now.” malunay na sabi nito, tiningnan ko si Mrs. Villanueva at pero kay Mr. Villanueva ako napatingin sapagkat sobrang talim ng tingin sa akin nito, nakakatakot kakaiba ang dinulot noon sakin kaya mabilis akong lumabas ng office.


Nangangatog ang tuhod ko habang nag lalakad pabalik kung saan ang classroom ko, hindi ko napansin na di pantay ang simentong hinakbangan ko kaya nadapa ako. Gulong-gulo ang sistema ko, ni hindi ko naramdaman na kanina pa pala tumutulo ang luha ko.


Hindi muna ako tumuyo nananatili akong naka-salampak sa simyento, kailangan ko munang mahimasmasan. Laking pasasalamat ko dahil walang estudyante dito sa gawing ito, Hanggang ngayon ay sinisisi ko parin ang sarili ko sa pag ka wala ni Mira.


“Ayos ka lang hija?” Nag angat ako ng tingin sa isang babae, natulala ako sapagkat sobrang ganda nya. Nasa edad bente singko na siguro sya.


“Hija ayos kalang ba?” pag uulit nito dahilan para mabalik ako sa ulirat, tu mango ako. Pero nananatili sakanya ang paningin ko parang may kung anong mahika ang kanyang hitsura dahil ayaw maalis sakanya ang aking paningin.


Bahagya syang natawa at yumuko upang mag pantay kami pero nanatili parin akong naka tingin sa kanya ng parang isang bata na aliw na aliw. May kinuha sya sa bag nya at maya maya ay pinunasan ang luhang kumakawala sa mata ko, nagulat ako sa ginawa nya. Ano ba ang nangyayari sa akin?


“S-sino ka?” Tanong ko sakanya, ngumiti sya ng sobrang tamis. Sobrang ganda nya, nilagay nya ang ilang hibla ng buhok ko sa likod ng aking tainga.


“Bakit ka umiiyak?” Nakangiting tanong nya sa akin, hindi ko alam pero sobrang komportable ng loob ko sakanya. Unti-unti nya akong itinayo, kusang sumunod ang katawan ko sakanya.


“A-ayos lang po ako, n-napuwing lang po ako.” Hindi ko alam kung saan ko kinuha ang mga sinabi ko, impit syang tumawa. Ayun nanaman yung magaganda nyang tawa.


“Kung may problema ka ay mamalalampasan mo rin iyan, isa kang biyaya ng bathala kaya kahit anong mabigat na problema ang dumating sa buhay mo ay malalampasan mo.” Sabi nya na syang bumahay sa sistema ko, napaka bait nya. Parang nakahinga ako ng maluwag sa sinabi nya. Unti unting similay ang ngiti sa aking mga labi.


“At isa pa, hindi bagay sa isang magandang binibini ang umiiyak.” nakangiting sabi nya, kaya mas lalong lumawak ang ngiti sa muka ko. Anong meron sa kanya bakit ganito ang dulot nya sa akin? Akmang aalis na sya pero pinigilan ko.


“Teka lang po, p-pwede ko po bang malaman kung ano ang pangalan nyo.” Ngumiti sya.





"Ako nga pala si Athena."

Her Secret (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon