“Demigod? E-Eros nahihibang kana ba?” Natatawa kong sabi, pero may parte sa puso't utak ko na naniniwala pero aking pinipigilan.
“I'm telling the truth Gaea, believe it or not you're Demigod. If you think that was an urban legend, it's not. Because me, My mom, Ares, Aphrodite, Dike, and you is the proof of that legend is real.” Ang hirap paniwalaan. Pano nangyari yon? Kung panaginip ito ay gusto ko ng magising, isa itong kalokohan.
“Eros hindi ko parin mag—”
Biglang huminto ang aming sasakyan, unti-unting bumukas ang malaking gate at nasilayan ko ang malaking mansyon doble sa laki ng mansyon ni Ms. Dike. Para itong palasyo.
Kasabay kong bumaba si Eros at mag lakad papasok, gustohin ko mang mag tanong pero di ko magawa. Parang bigla nalang akong nanlumo.
“Ihahatid muna kita sa kwartong tutulugan mo, tatawagin kita pag nakahanda na ang pagkain.” Hindi ako sumagot, tinahak namin ang napaka habang hagdan at bumungad sa akin ang napakaraming pintuan.
Huminto kami sa gitnang pintuan. Alam kong nakatitig sya sakin pero nanatili akong naka tingin sa baba.
“Gaea, sana ay mapatawad mo ako sa mga nagawa ko. Sorry sa pag tatago namin ng totoo, sorry dahil nag pakaisip bata ako at sorry kase dahil sakin nawala ang tatay mo.” Sinsiro nyang sabi, gustuhin ko mang magalit ay hindi ko magawa. Ang hirap mag tanim ng sama ng loob sa taong naging malapit sayo.
Humakbang ako ng isang hakbang at hinagkan sya, bahagyang gumalaw ang balikat nya. Pero nagulat ako ng humagkan sya pabalik, hindi naging normal ang tibok ng puso ko kaya ako na ang unang kumalas at tiningnan ko sya sa mata.
“Eros.. Hindi ko maipaliwanag kung bakit kahit gusto kong magalit sayo, sainyo ay hindi ko magawa. Wag mong sisihin ang sarili mo sa nangyari sa tatay ko, hindi natin alam na masasaksak pala sya, hindi natin alam na mangyayari yon. Oo may mali ka pero alam kong natuto kana dahil don sa nangyare, kung mayron mang kailangan managot dito ay ang mga Villanueva yun. Hindi sapat na ipapatay nila kame dahil lang sa di sadyang pag kawala ng anak nila. Kaya hindi mo na kailangang mang hingi ng tawad dahil napatawad na kita.” Sabi ko kay Eros, nag liwanag ang mukha nya at sumilay ang isang magandang ngiti sa kanyang mapulang labi hindi ko alam kung bat nadamay ako pati ako ay napangiti narin.
“Oh sige, Dyan ang kwarto mo. I know you're tired magpahinga ka muna.” Sabi nya at ibinukas ang pinto ng kwarto ko. Pumasok ako at sinarado ang pinto, at hindi ko inaasahang ganito pala kalaki ang kwarto nato, parang isang bahay na.
Umiikot ang mata ko habang nag lalakad papalapit sa malaking kama, nang makarating ako duon ay binagsak ko ng aking katawa. Duon ako nakaramdam ng sobrang pagod at lungkot, namimiss kona ang tatay ko.
Kung ganon pala ang paraan nila para makakuha ng hustisya ay pag bibigyan ko sila.
'Buhay sa Buhay.'
Unti-unti kong minulat ang mata ko dahil sa naririnig kong sunod-sunod na katok sa pintuan, hindi ko namalayang nakatulog pala ako. Tumayo ako upang buksan ang pintuan.
“Tara na, The dinner is ready.” Nakangiting wika ni Eros. Ramdam ko ang pagkalam ng aking sikmura. Pero nakakahiya naman kung ganito ang itsura kong lalabas ng kwarto.
“Ah sige Eros, susunod nalang ako may kukunin lang ako saglit.” Pilit ngiti kong sabi sakanya, kumunot ang noo nya.
“Do you know the way to the kitchen?” Nag tatakang tanong nya sa akin, ang totoo ay hindi ko alam pero mahahanap ko naman siguro.
“Hindi pero makikita ko naman siguro.” Wika ko tumango naman sya at umalis na. Nag tungo ako sa banyo, sa isang malaki at magandang banyo.
Nag tungo ako sa lababo upang mag hilamos at mag ayos, aliw na aliw ako sa mga bagay na nakikita ko sa loob ng bahay nato. Lumabas ako ng banyo halos mapatalon ako ng makita ko si Ms. Athena na nag hihintay sa akin.
“M-Ms. Athena?” Tawag ko sakanya dahil nag tataka ako kung bakit sya nandito. Ano kaya ang kailangan nya.
“Gaea, hindi na ako mag papaligoy-ligoy pa. Gusto kong humingi ng tawad dahil sa pag tatago ko ng totoo sayo, nung una palang tayong nag kita ay kilala na kita. Balak ko talagang sabihin sayo ang totoo pero hindi lang ako makahanap ng tamang tiyempo. Kung galit ka sakin ay tatangggapin ko, dahil alam ko ang pagkakamali ko.” Mahinahon nyang sabi, lumapit ako sakanya at hinawakan ang magkabila nyang kamay. Ngumit ako.
“Hindi po ako galit sainyo, hindi ko magagawang magalit sa taong mabait katulad nyo, sa totoo nga po ay nag papasalamat ako sainyo Ms. Athena.” Ngumiti sya sa akin.
“P-pero Ms. Athena, Kayo po ba talaga si Athena Goddess of wisdom and war sa Greek mythology?” Parang tanga kong tanong sakanya, natulala sya at mamayamaya ay tumawa.
“Hindi man kapanipaniwala pero Oo. Ako si Minerva.” Wika nya saka nag paalam na mauuna na sa kapag kainan. Maya-maya ay sumunod na ako. Hinahanap ko ang kusina pero hindi ko makita, kung saan-saan ako napad-pad. Wala ba silang katulong dito? Upang mapag tanungan?
Saan ba ang kusina? Sana ay sumabay nalang ako kay Ms. Athena o kay Eros para hindi na ako nag hahanap ng ganito.
“Saan naba kase ang daan papuntang kusina?” Inis kong wika habang kinakamot ang ulo.
“Maari kitang samahan patungo sa kusina hija.” Napalundag ako sa gulat dahil sa malaking tinig na nag mula sa aking likuran.
Hinarap ko sya, Isang lalaking matanda at naka formal attire ang nakita ko. Hindi ko siya kilala, at kahit kanina pag dating ko ay hindi ko pa sya nakita. Pero mukha naman syang mabait kahit walang emosyon ang mukha.
“S-sige po. H-halika na po.” Kinakabahan kong sabi, tumango naman sya at inilahad ang braso nya sa akin. Natulala ako, sobrang pormal naman. Tumikhim sya.
“Halika na?” Wala akong nagawa kung hindi isabit ang braso ko sa braso nya. Para tuloy nya kong inaalalayan. Sobrang tangkad rin nito, halos hanngang balikat lang ako.
Dalawang minuto na kaming nag lalakad matapos ay lumiko kame at maya-maya narating na namin ang kusina nag uusap sila Eros at ang ina nya, ganon din si Ms. Dite at Mr. Ares. Nag lakad kame papalapit sa malaking lamesa. Siguro ay hindi nila kami napansin.
Dahan dahan lumingon si Ms. Athena samin at sunod naman sila Eros. Pero hindi ko alam kung bakit nanlalaki ang mata nila at nakanganga pa. Napakurap si Ms. Athena at Ms. Aphrodite.
Laking gulat ko ng tumayo sila at lumahod na para bang hari ang nasa harap nila, Bigla silang sabay sabay na nagsalita.
“Maligayang pag babalik Highness Pluto.” Halos manlaki rin ang mata ko at mapatitig sa katabi ko.
“S-Siya ang A-Ama ko? S-Siya si H-hades?”
BINABASA MO ANG
Her Secret (ONGOING)
Science FictionDumami ang tao sa lugar at dumating ang pulis at ambulansya, at ang tanging tumatak lang sa isip ko ay ang sinabi ng doktor na patay na ang driver ng truck. Isa lang ang masasabi ko at yon ay.... Iba ako sa lahat ng tao. MUST READ!