Author's POV
Habang nago-grocery si Eloisse at kasama ang kanyang 5 years old baby na si Caleb, napatingin na lamang si Eloisse sa kanyang kanan dahil may pamilyar na anino syang nararamdaman. Napadalawang tingin sya dito at laking gulat nya na nakita nya si Zach. Nabitawan nya ang kanyang hawak cereals at dahil sa nangyari, napatingin sa kanya si Zach. Nagulat din si Zach at nagtangkang puntahan si Eloisse. Nagmadali namang umalis si Eloisse kasama si Caleb habang may dala syang push cart. Sinundan naman sila ni Zach at hanggang sa makaabot ito kay Eloisse tinawag nya ito.
"Eloisse, wait." hinawakan nya ang braso ni Eloisse. Samantalang napatingin na lamang si Caleb sa dalawa.
Bigla namang tinanggal ni Eloisse ang kamay ni Zach na hawak ang kanyang braso.
"Don't touch me. What do you want? Papasok ka nanaman sa buhay ko tas manggugulo ka nanaman? Yun ba?"
Hindi na napigilan pa ni Eloisse ang kanyang sarili kahit sinubukan nyang lumayo."Eloisse, please. Let's talk." nagmamakaawang pagkakasabi nito.
Hindi na ito pinansin ni Eloisse at saktong may walang costumer sa isang counter, binayaran na nya ang kanyang mga pinamili. Pagkakuha ng kanyang mga pinamili ay lumabas na ito ng grocery habang hawak hawak si Caleb.
Tumakbo naman palabas ng grocery store si Zach hindi para habulin si Eloisse. Pumasok sya sa kanyang kotse para masundan nya kung saan ito nakatira.
To be continued...