Oh No!

0 0 0
                                    

Author's POV

Kinabukasan, maagang nagising si Eloisse dahil may importante syang pupuntahan. Nag iwan nalang ito ng maliit na letter sa side table ni Zach na may nakasulat na....


"Good Morning! May importante lang akong pupuntahan about my business. Ikaw munang bahala kay Caleb. Ingatan mo yan ha? Wag mong papabayaan. Have a good day ahead!"

Napangiti naman si Zach dahil nagawa sya nitong sulatan kahit alam nyang hindi pa sila ganun ka-okay ng kanyang asawa.



---
Samantala, sa kabilang banda hindi totoong nagpunta si Eloisse para sa kanyang business. Nagpunta sya sa pinagkakatiwalaan nyang doctor na si Dr. Loren Destilo. Ito ang kanyang dating doctor nung sya ay nagkabreast cancer. Nagpacheck up si Eloisse at dumaan sa iba't ibang procedure ng mga test.


Matapos ang ilang oras na paghihintay ni Eloisse, lumabas na muli ang kanyang doctor na dala dala ang mga results.

"Gaano katagal mo ng nararamdaman na parang bumabalik ito?" Tanong ng kanyang doctor.



Napahinga ng malalim si Eloisse.
"This past few weeks po Doc. Pero nung una parang wala lang naman sya. Then ayun nga, habang tumatagal parang umiiba yung kirot Doc." Kinakabahan nitong sabi.


"Well Mrs. Heusaff...." Chineck muli ang results. "I have to be honest with you. Bumabalik ang cancer mo." Matapang na pag aamin nito sa kanyang pasyente.


Tumango na lamang si Eloisse na nakatingin sa ibaba.
"I understand Doc."



"Stage 2 na ito Mrs.Heusaff. Mas mabilis kumalat ito compare nung nakaraan."


Napatulala na lamang si Eloisse at kung ano ano nang inisip nya lalo na ang kanyang anak na si Caleb.


"Mrs.Heusaff, are you okay? If you have any questions, let me know." Tinignan sya ng doctor.


Natauhan naman agad si Eloisse at tumayo. Pilit nyang ngumiti at nagpaalam.


"Wala na po Doc Loren. Sige po. Salamat po. Babalik nalang po ulit ako for another appointment."


At tuluyan na ngang lumabas ito sa loob ng office ni Doc Loren.


Tumakbo ito papunta sa kanyang kotse at doon sya humagulgol ng pag-iyak.


To be continued....

Fate of oursWhere stories live. Discover now