Author's POV
Habang binibihisan ni Eloisse si baby Caleb dahil aalis sila kasama si Eros, may biglang nagdoorbell mula sa gate nila Eloisse. Tinapos ni Eloisse ang pagtali sa sintas ng mga rubber shoes ni Caleb.
"Wait lang baby ha, I'll check kung sino yung nasa labas. Baka si Tito Eros mo yun ha." Ginulo nya lalo ang kulot na buhok ng bata.
Masayang lumabas si Eloisse para buksan ang gate sa pag aakalang si Eros ang nasa labas.
Pagkabukas nya ng gate, napasimangot sya sa kanyang nakita. Lalaking naka casual na polo shirt na may dala dalang bouquet of roses.
"Good morning Eloisse.""Zach?" tinangka nyang isara ang gate ngunit napigilan sya ni Zach.
"Wait. Highblood agad?" Natatawa nitong pagkakasabi.
"Wag kang manggulo. May lakad kame ngayon Zach."
"Edi sasama ako."
"Huh? What? May iba din kameng kasama."
"Ano naman? Basta sasama pa din ako."
"Bahala ka."
Pumasok sa loob ng bahay si Eloisse at sinarado ang pinto sa paniniguradong hindi makakapasok sa loob si Zach. Wala nang nagawa si Zach doon at inilagay na lamang ang bouquet of roses sa tapat ng bahay nila. Pumasok na lamang sya sa kanyang kotse at hinintay na lumabas sila Eloisse.
Matapos ang ilang minuto na paghihintay, nagtaka si Zach nang makita nyang nag door bell si Eros sa bahay nila Eloisse.
"Is that her new? May ka-date?" Ngumiwi na lamang ito habang pinagmamasdan ang mangyayari.
Sa kanilang banda, habang nagpapabango si Eloisse kinuha na nya ang kanyang shoulder bag.
"Andyan na si Tito Eros. Let's go na Baby." Hinawakan nito ang kamay ni Baby Caleb palabas ng bahay.
Pinagbuksan ng gate ni Eloisse si Eros at sinalubong ito ng mahigpit na yakap.
"Good morning Eros." Nakangiti nitong pagkakasabi.
"Good morning. Let's go?"Tumango na lamang si Eloisse habang binuhat naman ni Eros si baby Caleb. Mahilig magcommute ang dalawa dahil nga traveler itong si Eros. Pumara sila ng taxi at sumakay.
Habang si Zach naman ay tahimik na sinundan ang dalawa.To be continued...