Author's POV
8 months later....
"Saan ba tayo pupunta?" tanong ni Zach habang hinahatak sya ni Eloisse papunta sa kotse. Pagpasok nila sa kotse ay inutusan na ni Eloisse yung driver para mag drive.
"Manong, let's go na po."
"Eloisse, sabihin mo mga sa'kin kung saan tayo pupunta ng hindi ako nag aalala ng ganito." sabi ni Zach na tinignan ng seryoso si Eloisse.
"Where it all started "
"Ha?" Tanong ni Zach na kumunot ang noo.
"Sa Batangas. Sa Pico De Loro."
Unti unting natanggal yung pagunot noo ni Zach dahil naintindihan nya yung sinabi ni Eloisse.
"Doon tayo nagkakilala. Mung 2005, diba?"
"Galing naman! Natandaan mo pa!" natawa ng konti si Eloisse.
"Eh baket nga? Anong okasyon? Monthsary ba? Hindi naman ah. May 12 days pa." Sabi ni Zach while counting on his head.
"You'll find out soon," Eloisse patted his arm, "tulog muna tayo." She said at hinatak ang ulo ni Zach to lean on her shoulder.
"Mali mommy, ganito," sabi ni Zach at tinanggal ang ulo nya from Eloisse's shoulders to put Eloisse's on his shoulder, "perfect."
Di na rin nagcomplain si Eloisse at yumakap sa braso ni Zach to get herself more comfy.
---
Habang naglalakad sila sa shore ng beach ay tahimik na tahimik si Eloisse. She only spoke nung tumigil sya sa isang spot where perfect ang view ng sunset. Zach stopped at inakbayan sya and then smiled down at her.
"Ang ganda naman dito misis." sabi ni Zach ng napangiti.
Ayaw ng patagalin pa ni Eloisse kaya naman humarap sya kay Zach at hinawakan ang dalawa ng kamay nito, "Zach, I'm sorry."
"Ha? Ba't ka nag so-sorry? For bringing me here?"
"Hindi Zach. It's not about that."
"Sige. Ano yun?" Zach said at ngumiti nalang.
"I've been lying to you..."
Zach frowned.
"Actually, it's more like I didn't tell you the truth."
"Tungkol saan? Sa cancer mo?"
"Zach, I brought you here for a reason." Sabi ni Eloisse as she tightened her grip on Zach's hand.
"Go on..." Sabi ni Zach at napahinga ng malalim.
"We met here. So I want us to part ways here."
"Eloisse, ano bang pinagsasasabi mo?! Walang mamamatay. Gagaling ka!" bumitaw bigla si Zach sa hawak ni Eloisse at binigyan ng masamang tingin si Eloisse. "Hindi nakakatawa yang mga Biro mo!"
"Kapag wala na ako, gusto ko dito ikalat ang abo ko."
"Stop!" Tinakpan ni Zach ang mga tenga nya, "Hindi totoo yan!"
She nodded her head to say yes. Zach shook his head along with her at bigla nalang tumulo ang luha nya. Eloisse reached to touch his face pero tinulak ni Zach ang mga kamay nito palayo at tumakbo. To where, hindi na alam ni Eloisse.
Eloisse looked sa view as the sunset falls. Tumulo na lamang ang mga luha nito.
---
Mga 9:00p.m na ng makabalik si Eloisse sa bahay nila.
She went into Caleb' s room to check him at naabutan nya itong pinapatugtog ang gitara nya. She went to sit next to Caleb on the bed at niyakap nalang bigla ang anak."Why are you always crying?" Tanong ni Caleb at binaba ang guitar nya to hug Eloisse back.
"Mommy just needs a hug from her favorite man in the world." Sabi ni Eloisse at umiiyak na hinigpitan lalo ang yakap kay Caleb. "I love you Baby."
"Mommy, tell me, what's wrong?" Sabi ni Caleb na nagpull away at naiiyak na rin.
Bago pa makapagsalita si Eloisse ay nag burst through the door si Zach na umiiyak rin at hinatak si Eloisse patayo para mayakap ito ng mahigpit.
No words were needed. The two just stood there hugging in each other so tightly. Caleb watched his parents hug it out while crying their eyes out. Para sa mata ng bata syempre wala syang maintindihan dahil wala pang ine-explain sa kanya either si Zach or Eloisse. And alam ni Caleb ay his mother is in pain, and hindi nya alam kung paano ito pasayahin.
"Love?" sabi ni Zach na nag pull away at suminghot. He stared at Eloisse's face at pinag hahalikan ito sa mukha, cherishing each kiss he placed on her face.
"Where have you been?" Eloisse asked habang pinupunasan yung mga luha sa mukha ni Zach. "Nag alala ako sa'yo."
"Naglakad lakad lang ako."
"I'm so sorry." sabi ni Eloisse at niyakap ang nakayukong si Zach.
"Daddy, mommy...." nagbitiw muna sina Eloisse at Zach at sabay hinarap si Caleb. The kid was in tears as well.
Eloisse reached her arms to him at yumakap din ang bata sa kanya, "Mommy are you sick?"
"Hush baby." sabi ni Eloisse. Zach went on his knees at pinahinto din sa pag-iyak si Caleb by rubbing his back and by whispering "Tahan na pogi." sa bata.
"Mommy, are you gonna die?"
Eloisse and Zach looked at each other na parang unsure sa sasabihin sa bata.
"Mommy, you said you won't! Daddy you said you won't let that happen!!!" sabi ni Caleb na nakatingin kay Eloisse at Zach. He frowned at Zach and tinulak ito lightly habang umiiyak, "You lied daddy!!! Why did you lie!!!" sabi nito habang tinutulak parin si Zach palayo.
Zach pulled Caleb in at niyakap ito kahit pilit syang nilalayo ng anak nya. Habang pinapanood ang mag-ama nya, Eloisse suddenly felt a wave of dizziness kaya napahawak ito sa may bedside table ni Caleb at dahan dahan na umupo sa kama ni Caleb.
"Mommy?!" sabi ni Caleb na nag alala bigla at lumayo kay Zach. Zach jumped up automatically din at tinabihan so Eloisse.
"Eloisse?" Zach wrapped an arm around her shoulder para suportahan ito.
"Zach, I...." sabi ni Eloisse bago ito tuluyang mawalan ng malay.
Tumayo naman si Zach at binuhat ito para dalin sa hospital. He asked Caleb to stay na lang sa bahay kasama ang mga kasambahay nila. Kahit anong pilit ni Caleb ay nagpaiwan na lang ito dahil nag aalala din sya kung mapapano mommy niya. Huling bilin ni Zach sa mga katulong na tawagan ang pamilya at mga close friends nila to let them know about what hdhd to Eloisse.
"Mommy..."
Caleb was left standing sa door way habang pinanood yung daddy nyang nag drive off ng mabilis paalis ng bahay. The kid frowned at pinasok ng yaya nya na lang sa loob.
To be continued.....
