Keep Smiling

1 0 0
                                    

Author's POV

Kinabukasan sa loob ng kwarto ni Eloisse, tahimik itong nagtutupi ng kanyang mga damit nang may kumatok sa may pinto.


"Come in."


Binuksan ni Caleb ang door at tuluyang nasilayan ang kanyang mommy.

"Mommmyyy! I miss youuu." Tumakbo ito papunta sa kanyang mommy at bigla itong niyakap ng mahigpit sa may bandang leeg.


Niyakap din ito ni Eloisse at napapikit sya.


"I love you Baby" napangiti nitong sabi habang malapit nang tumulo ang mga luha nito.


"Mommy, are you crying?" Tumingin si Caleb sa kanyang mommy na parang nag-alala.


Napasinghot naman si Eloisse at inayos ang kanyang itsura.
Ngumiti ito "No Baby. Mommy's fine. May sipon lang ako."


Kinuha naman ni Baby Caleb ang kanyang panyo na nasa pocket nya at binigay nya sa mommy nya.

"Here mommy."


Kinuha naman ito ni Eloisse at napangiti.

"Thank you"


---
Habang nagdidinner ang tatlo, napapansin ni Zach na tila ba laging nakatingin si Eloisse sa ibaba at malalim ang iniisip. Nag aalala naman ito sa kalagayan ng kanyang asawa.


"So how's your day? Kamusta sa business mo?" Tanong ni Zach habang kumakain.


Agad namang natauhan si Eloisse at nagpanggap.

"It was fine. Everything's doing great." Ngumiti ito at uminom ng tubig.


"Are you sure you're okay?" Pagtataka ng kanyang asawa.


"Oo naman. Baket?" Natatawang tanong ni Eloisse.


"Nakatulala ka kase. Nag aalala lang ako." Mahinahon na sabi nito.


"Ah. Wala lang. Don't mind it. Let's it." Nakangiting sabi nito at sumubo ng kanyang pagkain.


Pagkatapos ng kanilang pagsasalo salo, sa taas, magkahiwalay na natulog ang tatlo. Si Baby Caleb ay may sailing kwarto, si Zach ay nasa guest room at si Eloisse ay nasa master's bedroom.


Habang tulog na ang mag ama sa kani-kanilang kwarto. Hindi naman makatulog si Eloisse at nakatitig sa may kisame. Nag iisip ng kung ano-anong bagay na pwedeng mangyari. Natatakot ito na maiwan ang kanyang anak. Dahil alam nitong hindi ito makakayanan ng kanyang anak dahil mahal na mahal sya nito. Ni kaninong kamag anak nya, ayaw nyang ipaalam ang kanyang kalagayan. Gusto nya na lamang ilihim ito hanggang sya ay gumaling na muli.


To be continued....

Fate of oursWhere stories live. Discover now