Author's POV
Kinabukasan, pumunta muli si Zach sa bahay ni Eloisse para makapag usap sila ng maayos. Naghanda ng makakain si Eloisse para sa kanyang bisita na si Zach. Nagbake sya ng mga cookies at biscuits at nagtimpla sya ng coffee.
*Ding-dong* nagdoor bell na sa labas si Zach.
Tahimik lang na lumabas sa gate si Eloisse na pinagbuksan ng gate si Zach. May dala dala namang bouquet of roses si Zach at pagkain. Kinuha naman ito ni Eloisse.
"Good morning" nakangiting sabi ni Zach.
Ngumiti lamang ng kaunti si Eloisse. Inaya nya si Zach sa kanilang backyard para dun sila makapag-usap.
"Okay. Let's talk. So why did you leave?" Nag cross arms si Eloisse at tinignan si Zach.
"I'm sorry. I didn't meant to leave that time. But I was running out of control. Gulong gulo ako that time. Lalo na ng dahil sa business ko. Kaya ako umalis. Para makapag pahinga. Para hanapin ulit kung sino ba talaga ako." Pag eexplain ni Zach.
"Wow. Space? E baket hindi mo sinabi sa'kin? Hindi mo man lang ako ininform na gusto mong magpahinga. Edi sana natulungan kita." Nakatitig si Eloisse kay Zach.
"Ayoko lang na madagdagan pa ang problema mo kaya ganun. May sakit ka that time."
"Ayun na nga e. May sakit ako nung mga panahong yun. Kung kelan kailangan kita, dun ka pa nawala. Nawala ka na, baket ka pa bumalik?" Eloisse.
"Kase mahal kita. Kase asawa kita Eloisse."
"Buti natatandaan mo pa na asawa mo ko. Kase ako, hindi ko ramdam e." Natatawang sabi ni Eloisse.
Nilapitan naman ni Zach si Eloisse at hinawakan ang mga kamay nito.
"I'm sorry sa lahat ng pagkakamaling ginawa ko. Hindi ko na uulitin ang lahat ng yon. Would you please let me na makabawi ako sa'yo. It's okay kung hindi mo ko mapatawad. Kaya ko maghintay kahit gaano pa yan katagal. Basta hayaan mo lang ako na patunayan ko muli sa'yo na karapat dapat ako para sa'yo."
"Osige. Ikaw ang bahala." Maigsing sagot ni Eloisse.
Niyakap ng mahigpit ni Zach si Eloisse. Habang wala namang emosyon si Eloisse sa pagkakayakap nito.
To be continued....
