Author's POV
"Hello again," Zach said sabay haplos ng pangalan sa tomb at pag baba ng flowers, "I told you dadalaw ako as much as I could. It's been what? Four years since kinuha ka ni Lord sa'min? There's never a day na hindi ka namin naiisip at namimiss. Alam mo, every time na nangyayari yun, naiiyak na lang kami bigla eh.. Alam kong matagal na rin ang four years... Pero yung amount of time na binigay sa'tin to start over... Kulang na kulang eh... Maybe you're tired of hearing this from me, every time na dinadalaw kita, eto naman laging speech ko diba? Haha, pero seryoso naman talaga... We miss you everyday. We love you so much... I miss you so much Caleb." Sabi ni Zach habang hinahaplos parin yung pangalan sa may puntod.
Niyakap sya ni Eloisse na kanina nya pang katabi na kanina pa ding nakatitig sa puntod ni Caleb.
"Daddy!" Sabi ni Baby Sandy. Their 2 year old baby girl na binuhat naman ni Zach.
"Let's go na?" Tanong ni Eloisse na nakangiti sa kanilang dalawa dahil kakain sila after ng dalaw nila kay Caleb.
"Let's go Honey." Pag sang-ayon ni Zach at tuluyan nilang nilisan ang puntod ni Caleb.
