Happy Birthday?

1 0 0
                                        

Author's POV

Today was Eloisse's birthday. Gumising ng maaga si Zach para magprepare ng breakfast para sa kanyang asawa. Bacon, eggs, hotdogs, pancakes, wheat breads, pineapples slices and coffee. Nakaready na ang lahat para sa plano nila Eros.

Nilapitan ni Zach si Baby Caleb para utusan ito.

"Baby, gisingin mo si mommy mo then tell her na mag-ayos kase aalis tayo later." Hinalikan nito si baby Caleb sa forehead at pinaakyat sa kwarto ng kanyang mommy.

Ni-reach ni Baby Caleb ang doorknob ng kwarto ni Eloisse at binuksan ito. Pagkapasok ni Baby Caleb sa room ng kanyang mommy, tahimik na tinabihan nya ito habang natutulog at niyakap patalikod. Nakaramdam naman si Eloisse na may yumakap sa kanyang likod.


"Baby?" Mahinang tanong ni Eloisse habang nakapikit.

Agad namang naexcite si Baby Caleb.

"Mommy, wake up! Wake up!" Shinake nya ang braso ng kanyang mommy para magising ito ng tuluyan.

Napangiti naman si Eloisse sa ginagawa ng kanyang anak.
"Wait Baby." Umupo ito ng maayos at sumandal sa headboard.

"Good morning Mommy." Hinalikan ni Baby Caleb si Eloisse sa cheek at niyakap ito.

"Good morning Baby." Niyakap nya din si Baby Caleb at hinalikan ito sa forehead.

"Mommy, you prepare na ha?" Hinawakan nito ang mukha ng mommy nya at kiniss sa nose.

Ngumiti naman si Eloisse sa ginawa ng kanyang anak.

Matapos ang ilang minuto ay nakapag-ayos na si Eloisse. Pagkababa nito ay sinalubong sya ng kanyang asawa at niyakap sya nito.

"Good morning, Happy Birthday." Bulong nito habang nakayakap.

Ngumiti naman si Eloisse at napakayakap ng mahigpit kay Zach.

"Thank you! Akala ko nakalimutan mo na." Naging emosyonal si Eloisse at muntik ng mapaiyak.

Bumitaw naman sa yakap si Zach para makita ang realsyon ng mukha ng kanyang asawa.

"Hey, are you okay?" Naalarma ito sa reaksyon ng kanyang asawa at hinaplos ang mukha nito.

"Yes. I'm okay. Thank you!" Yinakap muli ni Eloisse si Zach at ngumiti.

"Okay. Let's eat?" Pag aaya ni Zach.

Ngumiti naman si Eloisse.
"Okay."

Masayang pinagsaluhan ng tatlo ang breakfast na inihanda ni Zach.

---

Dinala ni Zach ang mag ina nya sa mall para mag aliw. Kunyare ay ito na ang maliit nilang celebration sa birthday ni Eloisse. Naglaro sila sa WOF, binilhan ng necklace si Eloisse at binilhan ng birthday cake ang kanyang asawa.

"Happy Birthday." Habang hawak hawak ni Zach ang birthday cake na may nakasinding candle.

"Thank you!" Blinow ni Eloisse ang candle pagkatapos nya magwish.

---
Masayang umuwi ang tatlo sa bahay nang biglang nagtaka si Eloisse kung baket nakasara ang lahat ng ilaw dahil iniwan nya itong mga nakabukas bago sila umalis.

"Baket nakasara lahat ng ilaw?" Tanong ni Eloisse habang kinakapa ang switch ng ilaw sa may wall.

Tahimik lang si Zach at hindi kumikibo.

Pagkabukas ni Eloisse ng switch ng ilaw.....

To be continued.....

Fate of oursWhere stories live. Discover now