Twenty-nine ♛ : Old Hayley Back

402 14 9
                                    

HAYLEY'S POV

Agad akong lumabas ng taxi ng marating ko ang lugar na sinabi ko sa driver. Napatingin ako sa paligid at masasabi kong sing ganda parin tulad ng dati ang lugar na ito.

Naglakad lakad ako sa may park at umupo sa ilalim ng puno at unti unti ng bumuhos ang luha ko. Bakit ba kis kailangan mangyari sakin ito?! Bakit ba lagi nalang dapat akong nasasaktan?! Ano bang ginawa kong mali?! 

Umiyak lang ako ng umiyak doon. 

Masasabi ko na hindi tama ang nagawa ko kanina. Dahil sa mga nangyayari sakin sa tingin ko din nawawala na ang mga taong malalapit sakin ng unti unti.

Coz I've changed.

I'ved change because of a worthless person. I've changed for the bad not for the good. I don't know myself anymore.

Napabuntong hininga ako at napatingin sa langit. What have I done wrong for me to experience this?! All I want is to be happy?!

Nanatili ako ng ilang oras sa ilalim ng punong iyon. Yakap yakap ko ang dalawa kong binti at nakatago at nanatiling nakayuko dahil patuloy lang umaagaos ang luha ko sa mga mata.

" Gusto mo bang makarinig ng isang kwento? " Isang pamilyar ang boses ang narinig ko mula sa kabilang bahagi ng puno. Agad akong napatingin kung sino iyon at hindi ako nagkakamali kung sino siya

Tumango na lamang ako at nagpatuloy siyang nagsalita

" Ito'y kwento ng isang prinsesa na palangiti. Dati may isang prinsesa na nakatira sa isang magandang palasyo. Napakaganda ng prinsesa na iyon at matalino pa. Meron siyang mga mapagmahal na magulang na hindi siya hinahayaan. Bukod dun may mga kaibigan din siya na minamahal siya ng totoo at hindi hinahayaan. Pansinin mo rin ang prinsesa na yun ay lagi siyang nakangiti at hindi mo siya makikitang nakasimangot oh ano man. Minsan na araw ay yinaya ang prinsesa ng mga kaibigan niya na prinsesa din mula sa iba't ibang kaharian na dumalo sa isang pagtitipon ng mga prinsesa at prinsipe upang magkaruon din ito ng bagong kaibigan at para makakita na rin ng maari nitong matipuhan na prinsipe sapagkat sa kanilang magkakaibigan na mga prinsesa ay siya na lamang ang walang kasintahan. Agad naman pumayag ito na sumama pero wala siyang balak maghanap ng prinsipe na pwedeng maireto sakanya " 

Tumutulo nanaman ang luha ko dahil alam ko kung anung patutunguhan ng kwentong ikwikwento niya ngayon sa akin. Pero ngumiti parin ako para makinig

" Ng makadalo sila sa pagtitipon ay lahat ay nabighani sa prinsesa dahil sa taglay niyang kagandahan. Lumipas ang oras at madami nadin kumausap sa prinsesang palangiti dahil nakakatawag siya ng atraksyon sa lahat ng dumalo na prinsesa at prinsipe mula sa iba't ibang kaharian dahil sa taglay nitong kagandahan. Pero habang asa pagtitipon sila ay may nakita ang prinsesa na isang prinsipe na tila tingin ng tingin sakanya. Natuwa ang prinsesa dahil sa inakto ng isang prinsipe. Nanatili silang nagaagawan ng tingin sa isa't isa ngunit nahuhuli ng prinsesa na iniiwas ng prinsipe ang tingin niya dito kahit nakita na siyang nakatingin sakanya ng prinsesa. "

Wrong Move [ Revising ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon