Twenty-eight ❉ : Where to?

411 13 0
                                    

Nakalipas din ang ilang araw at ayos na ako. Agad naman akong nakalabas sa ospital at ngayon pumapasok na kami ulit Regular classes na ulit at October na. Ilang araw nalang bago ang aking kaarawan. Haist pero sa tingin ko wala akong ganang ipagdiwang ito.

Simula sa lahat ng mangyari ang masasamang bagay sakin at ng malaman ko ang pinaggagagawa ni Kyle na laro lang pala ang lahat. Masasabi kong malaki ang impact nito sakin at napagpabago ako. Hindi na ako yung dating palangiting Hayley. Ako na siguro yung Hayley na punong puno ng galit sa mundo 

" Ok class dismissed "  Kakatapos palang ng klase namin at ngayon lunch time na namin. Hindi sumabay samin si Christian at agad itong nagpaalam dahil may pupuntahan daw sila ng Mommy niya saglit at kailangan niya itong samahan.

Now it leaves me with the girls .. 

Andrea

Patricia 

and Abigail

Nagkwekwentuhan sila habang naglalakad kami habang ako nanatiling tahimik lamang na naglalakad

" Haye may problema ba?  Napatingin naman ako sa nagtatanong na si Patricia at agad naman akong umiling. 

" Simula nung nangyari kay Kyle nagkakaganyan ka " Ayan! Nabanggit nanaman pangalan ni Kyle! Tsh! Ba't ba kasi pinapaalala pa yung mga taong manloloko? Napakunot naman ang noo ko at hinarap sila

" Pwede ba?! Kung irerelate niyo nanaman kay Kyle kung ano nararamdaman ko pwedeng manahimik nalang kayo? Kinakalimutan na nga IPAPAALALA PA! " 

" Haye we're so sorry " Tinignan ko lang sila at tumakbo papalayo. Tsh! Ayaw ko silang makasama sa ngayon sa nangyayari parang hindi ko muna kayang samahan itong mga ito.

Agad akong nagtawag ng taxi at agad sumakay. Agad kong sinabi ang address na pupuntahan ko sa driver at agad naman itong pumunta doon .

I'll just skip my classes this afternoon

CHRISTIAN'S POV

Kasama ko ngayon si Mommy at pupunta kami sa kung saan man siya pupunta. Ni ako hindi ko alam san siya pupunta basta kailangan ko daw siyang samahan. Tsh! Pwede naman kais niyang isama si Dad ba't ako pa diba? Hindi ko tuloy nakasama sina Andrea ngayong lunch lalo na si Hayley

Wrong Move [ Revising ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon