Thirty-two ⌘ : Examination Day

397 13 0
                                    

Sumapit na nga ang lunes at examination day na. Nagising ako ng maaga at maagang kumain ng almusal at ngayon nagaayos ako. Actually kanina pako prepared pero nandito parin ako nanatili sa kwarto dahil hinihintay ko din si Christian dumating at tutal na wala pa siya ay dito muna ako sa kwarto tinitigan ko ang sarili ko.

" Ilang araw nalang Hayley o buwan ay gragraduate kana kaya kailangan mong galingan kung gusto mong maukha ang posisyon ng pagiging Valedictorian. " 

Ika ko sa aking sarili habang tinitignan ang sarili ko sa salamin.

Bumukas bigla ang pinto at si Yaya ito.

" Hija baba kana anjan na si Christian " 

" Sige po Ya " 

Agad kong kinuha ang bag ko at tuluyan ng bumaba.

Lumabas ako ng gate at binati ako ni Christian ng magandang umaga

" Well Goodmorning din sayo Bes. Ano ready kana? " 

At tumango naman si Christian. Nagpaalam na nga kami kina Yaya at tuluyan ng pumasok sa school. Habang asa kotse kami ay napatingin sakin si Christian at parang nagtatakang nakatingin sakin. May dumi ba sa mukha ko?

" Makatingin ka? Bakit? " Tanong ko naman sakanya at tinuro niya bag ko. Well ganun ba talaga ang reaction porket liit ng bag ko?

" Bakit? Anyare sa bag ko? " Tinaasan ko naman siya ng kilay at napasapo na lang siya sa batok niya

" Eh ang liit masyado eh. Kasya ba talaga jan wallet mo? Or lets say ballpen mo Bes? Liit kaya! " 

Napatingin lang ako sakanya at napatawa ako. Ng malakas na ipinagtaka naman niya

" Alam mo Bes nakakatawa ka! Haha ayos lang ano naman dadalhin ko? Malamang ballpen lang eh sila naman magproprovide ng papaers dun hahaha! Kaw talaga! " 

Napailing iling nalang si Christian sakin at ako naman hindi huminto sa kakatawa hanggat sa di ko namalayan na nasa may skwelahan na pala kami.

" Huy Bes! Tama na kakatawa andito na tayo " 

Napatingin lang ako pero tumawa ako ulit la eh. Para kasing babae si Christian kanina na makapagreact sa loob ng sasakyan tungkol sa bag ko. 

Wrong Move [ Revising ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon