One ❤ : Ang Boyfriend ay SAKIT sa ULO!

1.6K 24 6
                                    

Humarap ako sa salamin na nasa kwarto ko at tinignan ang aking sarili. Pasukan nanaman at masasabi ko na ito na ang huling taon kung saan susuotin ang aking uniform. Kaya naman lulubusin ko na ang huling taon ko sa aming skwelahan suot ang unipormeng ito.

Ako nga pala si Hayley. At ako ngayon a papasok bilang isang Senior student na ng St. Therese Catholic School. Parang kailan lang nakikita ko ang aking sarili na nagtatapos ng elementarya. At pumasok sa eskwelahang pang sekondarya. At labis ang inggit ko dati sa mga ate at kuya naming nasa ikaapat na baitang na maggragraduate na dahil buti pa sila gragraduate na at tutungtong na sa kolehiyo samantalang kami ay paumpisa palang.

Sabi nga nila na normal lang yan sa mga estudyante lalo na sa mga nasa unang baitang na mainggit sa mga nakakaangat sakanila pero pag sila na ang nasa posisyon na maggraraduate ay hihilingin nilang wag nalang sana silang grumaduate at kung maari lang eh pahabain nila ang kanilang stay sa pagiging high school student pero hindi na pwede.

At ganun nga ang nararamdaman ko ngayon. Ngayon na ako'y senior high na sa aming skwelahan.


Sa buong buhay ko bilang estudyante ng aming paaralan, kilala nila ako bilang simple, palaaral at hindi mahilig magentertain ng mga suitors since nung nasaktan ako ( Malalaman niyo na soon enough kung sino nanakit sakin ). Well I consider them as baricades toward in achieving high grades so thats why I'm not entertaining them.

Ok lang walang boyfriend dahil hindi naman minamadali yan. Ayos lang sakin kahit wala akong boyfriend basta andiyan lang lagi sa tabi ko ang aking mga kaibigan na sina Andrea or Andre for short, Patricia, and Abigail " Abi " for short. 

Kaibigan ko sila since first year kami at lagi kaming magkakasama hindi kami napaghiiwalay na apat. Himala nga eh hindi kami pinaghihiwalay ng mga teachers namin ng sections kasi madalas sa skwelahang pinapasukan namin ay pinaghihiwalay ang mga magbabarkada.

Actually may boyfriend na silang 3 at ako nalang ang walang boyfriend sa barkada kaya naman madalas nila akong lokohin at kumbinsihin na magkaboyfriend na pero kahit anong gawin nila..

WALA AKONG BALAK MAGKAROON NG ISA!!! 

" Oh Hailey darling! Hanggang kailan ka ba naming pipilitin na magkaboyfriend?! Duh! We're Seniors already! Ang dami dami mong suitors pero wala kang sinasagot ni isa! Haba ng hair mo girl pero pilit mong ginugupit! Sayang yung mga yun girl! "  Ika ni Andrea sa akin na sa aming grupo ay siya ang parang pinaka spokesperson namin.

 

" Maybe, kaya hindi nagkakaBF yang si Hailey baka kasi naghihintay siya ng perfect guy. Yung tipong masasabi niya na .. He's THE ONE?! HAHAHA " Sabay tawa naman ni Patricia at Abigail 

Wrong Move [ Revising ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon